Kinabukasan nagising ako na nasa kwarto na ako at nakapagpalit na din ng damit. Nagtataka man ay hindi ko na din inisip pa dahil sumasakit ang ulo ko.
Nagtungo ako sa kusina at naabutan ko si Debbie na nagtitimpla ng gatas nya,inalukan naman nya ako na agad ko namang tinanggihan. Nagpunta ako sa Refrigerator at kumuha ng malamig na tubig.
"Anong oras kang nakauwi kagabi?" Tanong sa akin ni Debbie ng makaupo ako sa stool.
"I don't know, I don't actually remember if how I got home last night."
Hindi naman na sya nagtanong pa at tahimik lang kaming kumain. Hindi na ako nagtaka pa kung kami lang dalawa dahil halatang bagsak pa ang tatlo dahil mababa ang alcohol tolerance ng mga yon.
Nagpaalam ako kay Debbie na pupunta muna ako ng pool pero tinawag nya uli ako. "Airic and his friend will go here." Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya.
"How? They knew na sa K&J tayo nakatira."
"Well,sinabi namin kagabi na dalawa yung bahay natin. And naniwala naman sila." Tumango lang ako sa kanya at iniwan na sya.
Mas maganda na din na ganito at hindi kami mahihirapan pa. It will be convenient for us and also less hassle na din.
Pagkarating ko sa pool ay naupo ako sa gilid at nilublob ang paa sa pool. The water is cold and it makes me want to swim and release all the stress that I have last night but we will have visitors later kaya baka mamayang gabi na lang.
Halos 30 minutes din ako nagbabad sa pool at halata naman iyon dahil mayroon ng kulubot ang mga paa ko and also namumutla na din. Sinuot ko ang tsinelas ko at nagpunta na sa backdoor.
Pagkapasok ko ay naabutan ko si Yaya na abalang naghahanda ng juice at meryenda. Maybe anjan na yung mga bisita.
Kumuha ako ng isang bote ng iced tea at kumuha din ng cookies na inihanda ni yaya. Napansin naman ako ni yaya kaya nilagyan nya ako sa plato.
"Hindi mo ba sasaluhan ang mga kaibigan nyo doon sa sala?" Umiling naman ako kay yaya at pinuno ng pagkain ang bibig ko.
"My head hurts." Punong puno ang bibig na sabi ko kay yaya.
"Ay nakong bata ka! Sabi ko wag kang magsasalita kapag puno ang bibig mo diba?" Inabutan naman nya ako ng tubig at pagkatapos kong mailunok ay tinawanan ko sya.
"Yaya naman,natural lang yon tsaka minsan lang naman po."
"Ay wag mo nga akong pinaglololokong bata ka." Tinawanan ko pa sya bago nagpaalam na aakyat muna ako sa kwarto ko.
Paglabas ko ng kusina ay napatingin silang lahat sa akin. Tinignan ko din naman sila at sinubo ang cookies na nasa kamay ko.
"I'll just go upstairs,I don't feel well right now." Maglalakad na sana ako paakyat sa hagdan ng pigilan ako ni Yvette at Julliane. Hinila nila ako paupo sa Sofa kaya wala na akong nagawa kundi ang harapin silang lahat.
"Walang tatakas. May bisita tayo oh." Masungit kunyare na sabi ni Julliane. Inirapan ko lang sya at uminom sa tea na hawak ko.
Tinignan ko naman ang mga kasama ko at nakita ko si Red na nakangiti sa akin. Tinaasan ko naman sya ng kilay pero kinawayan nya lang ako.
"Hi Ken." Masayang bati nya that's why I greeted him back.
"So anong meron ngayon?" Tanong ko sa kanila.
"Wala,we just want to be friends with you and also para bumisita na din. Lasing na lasing pa naman silang lahat kagabi." Kwento ni Klye na halatang naalala pa ang pinaggagawa ng tatlo kahapon. Tatlo lang kasi hindi naman kasali si Debbie.
"What did they do last night?" Tanong ko kay Klye na natatawa pa din.
"Binlender lang naman nila yung phone ko tapos sinabi nilang apple juice and then tinanong nila yung magjowa sa bar kung single sila and lastly tumawag sila ng pulis nung madaanan namin yung sementeryo,sinabi lang naman nila na maraming patay don.And oh!muntik ko ng makalimutan pagdating namin dito kagabu pumunta sila ng kusina at hiniwa lang naman nila yung pinya at sinabing 'spongebob lumabas ka jan,alam naming andito ka.' yon lang naman." Napakunot naman ako sa noo dahil sa sinabi ni Red habang ang mga kasama namin ay tawa ng tawa.
"Ginagago mo ba ako? I saw that on facebook." Inis na sabi ko sa kanya kaya napatigil naman sila Yvette sa pagtawa.
"At kailan ka pa nagkaroon ng f*******:?"
"Wala, I just accidentally saw it on your phone while you were scrolling." Nanlaki naman ang mata nya sa sinabi ko.
What? Natural lang naman yon ah.
"You! Gumawa ka na lang kasi ng sss account mo."
Inirapan ko lang sya at binalik na ang tingin sa mga lalaki. "So ano? May ginawa ba silang kalokohan?"
"Nothing,nakakausap pa naman sila ng matino last night." Leo answered with his stoic reaction.
Nakahinga naman ako ng malalim dahil don,baka kasi mamaya nasabi na nila yung pakay namin sa mga lalaki na ito ng hindi nila nalalaman.
Nagkwentuhan lang sila hanggang sa magpaalam na ang mga boys dahil may basketball game pa daw sila but unfortunately bantay kami that's why Julliane insisted na sumama kami sa kanila para manood and that's great cause sumasakit pa din ang ulo ko. How nice,right?
Hinintay kami nila Airic sa baba habang kami ay naggayak muna. Ayaw ko mang sumama ay wala na din akong magawa dahil baka kung anong gawin ng mga kasama ko.
30 minutes lang ay natapos na ako at ganon din sila. I wear my best clothes I can see on my closet and that is a long tee shirt and pants and I partnered it with white sneakers.
"Let's go." Ani Leo na nauna ng naglakad. Napakunot naman ang noo ko ng hindi mapansin si Airic.
'Baka naman nauna na.' Sabi ko sa isip isip ko.
Ako ang nauna sa aming apat dahil as usual ay ako ang magdadrive.
Nasa unahan ang sasakyan ni Airic and next is Leo,nasa likod naman namin sila Red at Klye. I don't exactly know kung saan kami pupunta dahil hindi naman namin natanong kanina basta ang sabi lang ay sundan sila.
Ilang minutong pagdadrive ay nagiging pamilyar na sa akin ang daan. Pinigil kong huwag ihinto ang kotse dahil may possibility na mabangga sila Red na nasa likuran namin. Kinalma ko ang sarili ko at ilang beses na huminga ng malalim,mukhang napansin naman nila ako kaya tinawag nila ang pansin ko.
"Okay ka lang ba? Anong problema?" Nag aalalang tanong sa akin ni Yvette.
Umiling lang ako sa kanya. "Just don't mind me,hindi lang maganda pakiramdam ko kanina pa."
"Ako na lang muna magdadrive." Suggestion ni Debbie,hindi naman ako nagdalawang isip na umoo at nagsignal na gigilid kami. Napansin ko namang napahinto din sila Airic na nasa harapan namin nang makitang huminto kami.
Bumaba ako ng sasakyan at nakita kong nakadungaw si Red at Klye sa bintana nila.
"Anyare?!" Sigaw ni Red dahil medyo malayo sya.
"Inaantok ako." Sabi ko lang at sumakay na sa likod. Ilang sandali lang ay nagsimula ng magdrive sila Leo na nasa unahan namin.
Nang makaupo ako ng maayos ay sinandal ko ang ulo ko sa sandalan at pinikit ang mga mata ko. Pilit kong iniiwas ang isip ko sa bagay na magpapasakit lang sa akin pero hindi ko magawa kaya inis na napasigaw ako.
"Arghhh!" Sinabunutan ko pa ang buhok ko at inuntog sa sandalan.
I look crazy I know pero ito lang paraan ko para madivert yung attention ko.
"Ken? Anong nangyayari sayo? Baliw ka na?" Hysterical na tanong ni Dana na nasa tabi ko.
Nakatingin din si Julliane sa akin na medyo natatawa pa. Tinigil ko ang ginagawa ko at inayos ang sarili.
"Just don't mind me." Matiim na sabi ko at nilipat ang tingin sa bintana.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nakadating na kami sa court ng Briones,isa itong barangay na medyo malayo sa tinitirhan namin na subdivision.
"Oh andito na tayo,and I didn't expect na maraming tao ah." Manghang sabi ni Julliane habang nakasilip sa gawi ko. Nasa kaliwang bahagi kasi ang Court at sa kanan naman ay convenience store.
Pinauna ko na silang bumaba at sinabi ko na iidlip lang muna ako. Hindi naman na sila kumontra pa dahil alam nila na kanina pa ako hindi okay. Nakababa na din ang mga lalaki at nakita ko naman na napatingin sila sa gawi ko. Maybe they're asking kung bakit hindi pa ako bumababa.
Nakita ko naman na si Yvette ang sumagot. Inalis ko na ang tingin ko sa kanila at kinuha ang unan na nasa likuran ng kotse. Nilagay ko ito sa dulo ng upuan at nahiga na. Ilang minuto pa lang akong nakakapikit ay narinig ko na ang pagbukas ng pintuan sa ulunan ko kaya bumagsak ang ulo ko sa ere.
Malakas akong napamura dahil sumakit leeg ko sa pagkabitin. Dinilat ko naman ang mata ko at nakita ko si Airic na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin. Lumagpas ang tingin ko sa likuran nya at nakita ko yung mga kaibigan ko at sila Red na natatawa sa itsura ko. Binalik ko naman ang tingin kay Airic at sinamaan sya ng tingin.
"Ano nanamang problema mo?!" Singhal ko sa kanya at inasog ang katawan para maisandal na ang ulo ko na nangngawit na.
Inikot ikot ko pa ang leeg ko bago ibalik ang tingin sa kanya.
"Why did you went here kung hindi ka naman manonood?" Sabi nito na nagpakunot ng noo ko.
"Eh ano naman kung hindi ako manood?"
"If you don't watch us,hindi din kami maglalaro."
Napasinghap ako sa sinabi at napaupo na sa loob ng kotse. "Hoy! Pinilit lang namin kayo na pasamahin kami and whether we're here or not maglalaro pa din naman kayo."
I don't get him,ilang beses na siguro silang nakapaglaro dito and sa ilang beses na yon wala kami so kaya din nilang maglaro ngayon kahit wala kami o ako.
"But still,you're with us. You went here with us kaya dapat kasama din namin kayo sa loob." Inis na napasabunot nanaman ako sa buhok ko at padabog na itinulak sya. Bumaba na ako sa kotse at inayos ang sarili ko.
Nilagpasan ko sya at pumunta sa kaibigan ko na nakangiti sa akin ngayon. "Hays,buong araw nanamang badtrip to." Sabi ni Dana na sinegundohan naman ni Julliane.
"You're right,kala mo nanaman pinagbagsakan ng langit at lupa."
Iniwan ko silang lahat at ako na ang naunang naglakad papasok pero ganon na lang ako natauhan ng makitang nakatingin sa akin lahat ng tao.
Hindi ko na naalala kung bakit ayokong bumaba kanina at eto ako ngayon hinaharap yung nakaraan na matagal ko ng tinakasan at kinalimutan. Pero hindi pala ganon magiging kadali para sa akin,kasi kahit anong pagtatago ko, ako pa rin mismo yung bumabalik at nagpapakita sa nakaraan ko.
"Uy si Ken!"
"Si Ken na ba yan?"
"Hi Ken!"
"Ken,long time no see."
Naging mas maingay ang court dahil sa pagbati ng mga tao.Nakita ko naman sa peripheral vision ko yung mga kaibigan ko na nagtataka dahil sa inasta ng mga tao dito.
"Uy,sikat ka pala dito Ken." Sabi sa akin ni Red na sumilip pa sa gilid ko. Hindi ko naman sya pinansin at nanatiling nakatingin sa mga taong bumabati sa akin.
"Lodi ka pala eh." Klye added.
Napabuntong hininga na lang ako at nginitian ang mga tao.
"Upo na tayo." Matamlay na sabi ko sa kanila. Alam kong gustong magtanong ng mga kaibigan ko pero pinipigilan nila dahil alam nilang wala ako sa mood. Ang nananatiling maingay lang ay si Red at Klye na nagaasaran,paminsan minsan naman ay binabawal sila ni Leo.
Panay ang bati ng mga taong nakakasalubong namin,pinapalitan ko naman ito ng matamlay na ngiti.
"I shouldn't be here." Mahinang bulong ko pero sapat na para makapagpahinto sa mga kasama ko. Natahimik naman sila Red at Klye na magkaakbay na.
"This place is a t*****e chamber for me. These people is my torturer. And any minute now,makakaharap ko nanaman yung mga tao na dahilan ng lahat." Nanatili lang silang nakatingin sa akin. Nilapitan naman ako ni Yvette at hinawakan ang balikat ko.
"We can go home now Ken, don't force yourself. Nahihirapan ka na at nakikita namin yon. I'm sorry kung pinilit ka pa naming sumama." Yvette said habang nakahawak pa din sa akin.
"Tara na Ken,ako na magdadrive." Sabi ni Debbie na nasa gilid ko. Tinignan ko naman sila Airic at tumango naman sya sa akin,mahahalata sa mukha nya ang mga katanungan na gusto nyang sabihin sa akin. Nginitian ko ng bahagya sila Red na magkaakbay pa din sa isa't isa.
Maglalakad na sana kami paalis ng isang tinig ang nakapagpatigil sa akin.
"Oh,the great Ken is here."
Kusang tumikom ang kamao ko habang nanginginig sa sobrang diin. Mariin kong pinikit ang mata ko habang sunod sunod ang pagbaba ng dibdib ko.
'calm,I should stay calm.'
Paulit ulit na sabi ko sa isip ko.
"Ken,you're—you're bleeding." Nanginginig na sabi ni Dana habang nakatingin sa kamay kong dumudugo na dahil sa pagkakadiin ko.
I can see red right now and I couldn't stop myself to hurt someone kapag nakaharap ko sila. They ruined me,they are the reason why I am broken into pieces.
"Ken,my dear. Bakit ayaw mo kaming tignan?" Ani pa ng isang tinig. Biglang nagpantig sa tenga ko ang sinabi nya sa akin noon.
"My dear,tignan mo nga yung itsura mo. Nakakaawa ka."
Walang pagdadalawang isip na susugudin ko na sila ng isang malakas na pwersa ang pumigil sa akin. Tinignan ko kung sino iyon at nakita ko si Airic na matiim lang ang tingin sa akin.
"Let's go,hindi mo kailangang dungisan yung kamay mo para lang sa kanila." Hinila na nya ako palabas ng court pero bago kami makalabas ay narinig ko pa ang huling sinabi nila.
"Tatakas ka nanaman? Well wala naman ng bago,mahina ka pa din."
*
Nandito kami ngayon sa Bar dahil nag aya sila dito. Gusto ko na sanang umuwi at magpahinga pero alam kong hindi naman mangyayari yon lalo na at mag isa ako sa kwarto, paulit ulit ko nanamang maiisip ang mga bagay na hindi naman dapat inaalala pa.
And also they force me to tell them the reason why am I being like that a while ago. And dahil gusto ko din naman mailabas lahat ng bigat sa dibdib ko ay pumayag na ako.
Kadadating lang ng drinks namin at hindi ko pa man naiinom ang martini ko ng magtanong na si Red.
"So ano na ang kwento natin?" Tumataas taas pa ang kilay nito sa akin.
Huminga muna ako ng malalim at kinuwento na sa kanila.
"It happened 7 years ago, I'm 13 years old that time and too young to experience something na hindi usual para sa ganong age." Huminto muna ako at uminom bago tinuloy ang kwento.
"I've been beaten to death."