Chapter 5
Jema Point of View
Nandito ako sa sala ngayon, kasama ang new teammate ko. Boring sa kwarto eh.
Habang nag-scroll down ako sa twitter, biglang may nahagip ang mata ko na picture.
picture namin ni Wong, yung kanina. Pinag-uusapan ngayon sa twitter at trending na trending kami.
Issue na naman . . .
'#Spotted Queen Falcon and Deannamazing'
'Spiker and setter'
'Ship ko 'to.'
Ilan yan sa mga comments na nabasa ko. I'm sure nakita na ito ni Deanna. Mga tao nga naman . . . Sobrang ma-issue.
"Jema!" Napatingin ako kay ate Jia.
"Ano yun ate?" I asked.
"Close na kayo ni Bata?" Nagtaka ako. Sinong bata?
"Ha? Sinong bata ate Jia?" Takang tanong ko.
"Si Deanna." Sagot ni ate Ly.
"Hindi ate, bakit mo natanong?"
"Sus, may nakakita sa inyo sa UPTC na magkasama kayo. Trending nga kayo sa twitter." Sabi ni ate Jia.
"Ah . . Sabi niya kasi labas daw kami tas treat daw niya, gusto niya daw kasi makabawi sakin." Paliwanag ko.
"Makabawi ba talaga?" Tinignan ako ni ate Jia na makahulugan.
"Hindi talaga kami close ate Jia, hindi ko nga alam kung bakit ini-issue ng mga tao yung nangyari na staredown samin." Sabi ko.
"Okay." She nodded.
Maya't-maya may natanggap akong text. Galing kay Deanna.
From: Deanna
Hi Jema, balita ko nasa dorm kana daw ng creamline.
[Received: 10:30 PM]
To: Deanna
Yes, kanino mo nalaman?
[Sent: 10:32 PM]
Nag-reply ito at sinabi na nalaman niya daw kay ate Jia. Hmm . . Close na close talaga siya kay ate Jia, siguro dahil mentor niya si ate Jia. Oh . . Nalaman ko lang dahil sa f*******:, wag kayo'ng ano!
Madami pa kaming napag-usapan, halos twelve am na kami natapos mag-text.
Grabe! Sarap pala ka-text ni Wong, kakaiba kapag siya yung kausap ko. Hihih! Girl crush ko na siya.
Deanna Point of View
Pag-dating ng twelve am, nagpaalam na ko kay Jema. May kailangan pa kasi akong tapusin na report.
Speaking of twitter, nakita kong trending kami ni Jema. Kaya pala pag-uwi ko kanina sa dorm, tinanong agad ako ng teammates ko kung close ko daw si Jema.
Karamihan sa comment ay shini-ship kami ni Jema. Well wala naman akong problema dun, because she's my girl crush. Shh lang kayo ah, wag nyo sasabihin. Atin-atin lang 'to. Hahaha!
Hehehe! Basta mula ngayon girl crush ko na siya kahit kanina lang kami nakapag-usap.
Natapos ang training na inaasar pa rin ako ng teammates ko. "Wong dahil ba kay Jema yan?" Nakangising tanong ni ate Jho.
Pa'no kasi ang laki ng eyebags ko. Inaasar nila ako, napuyat daw ako dahil kay Jema. Eh hindi naman totoo yun, napuyat ako dahil sa report ko.
"Oo nga, Wong. Anong pinag-usapan niyo ni Jema at napuyat ka?" Tanong naman ni Ponggay.
Hindi ko sila sinagot, naupo nalang ako sa bleacher pero sinundan nila ako. "Guys hindi nga si Jema ang dahilan kung bakit napuyat ako."
"Weh? Wag kami, Wong. Sabi walang lakad pero meron pala." Sabi ni Ponggay.
"Pongs biglaan nga lang yung lakad namin ni Jema. Inaya ko siya lumabas kasi gusto ko makabawi sa kanya." Kulit ni Ponggay!
"Makabawi ba talaga o meron iba pa?" Makahulugang tanong ni ate Maddie.
"Guys bahala kayo, isipin niyo kung anong gusto niyo isipin basta ako nananahimik." Sabi ko at tumayo.
Tumungo na ko sa shower room at agad nag-shower. "Deans may class ka?" Tanong ni ate Bea kapag labas ko ng cubicle.
"Meron ate. Why?"
"Nothing." She's smiled.
I nodded. Inayos ko muna ang aking gym bag, nagpaalam muna ako sa aking teammates bago umalis ng blue eagles gym.
THANK YOU FOR READING MY STORY