CHAPTER 6

1231 Words
Chapter 6 Deanna Point of View Nandito ako ngayon sa Rizal Library Garden, nakaupo habang naglalaro ng ML. Mamaya pa kasi yung class ko after lunch, eh ten o clock palang edi three hours pa hihintayin ko. "Deanna?" Lumingon ako. "Oh Ron, wala kang klase?" . Naupo ito sa tabi ko. "After lunch pa." "Hyst! Pareho pala tayo." I said. "Si Ponggay din walang klase eh." "Nakita mo? Nasan siya?" I asked. "Nasa loob ng library." "Tara samahan mo ko." Hinila ko ito papasok sa library, syempre bago kami makapasok, finger print muna. De Bio metric kasi itong library, hindi ka makakapasok dito kapag hindi ka taga ateneo. Nakita namin si Ponggay na nasa pinaka-dulo, may binabasang libro. Nilapitan namin ito. "Uy Pongs." Nag-angat ito ng tingin. Naupo kami sa harap nito. "Anong ginagawa mo rito, Deanna tsaka bakit mag-kasama kayo'ng dalawa?" Ponggay asked "Nakita niya ko sa labas tapos sabi niya wala ka daw class at nakita ka niya dito kaya pinuntahan ka namin." Paliwanag ko. "Ah . . . Akala ko may something sa inyo eh." Tumawa ito ng mahina. Bawal mag-ingay dito eh. "Sira, Kanina kapa pala walang klase, sana naman tinawagan mo ko." I said. "Bakit?" Takang tanong niya. "Kanina pa kaya ako sa labas, wala akong kasama." Sabay pout ko. "Hindi ko naman alam na wala kang klase. Wala ba kayo'ng lakad ni Jema?" Mapanukso nitong tanong. "Sinong Jema?" Tanong ni Ron. "Jema Galanza, yung Queen Falcon ka-date niya kahapon." Sagot ni Ponggay. "Talaga Deans?" Gulat na tanong ni Ron. Ito naman, bilis maniwala. "Hindi totoo yan, hindi kami magka-date. Lumabas lang kami para makabawi ako sa ginawa kong staredown sa kanya." I explained. "Kaya pala shini-ship kayo ng mga tao eh, trending kaya kayo ni Jema sa twitter." Ron said. "Ayieee!" Asar ni Ponggay. "Kilala mo si Jema?" Tanong ko kay Ron. He nodded. "Kilala ko lang siya sa pangalan." "Ah . . " Sabay tango ko. Jema Point of View Kakatapos lang ng training namin ng CCS. "Jema may pupuntahan ka?" Tanong sakin ni ate Alex. "Wala ate, bakit?" I asked. "Gala tayo sa ateneo, samahan natin si Jia." Aya nito. "Cge ate." Nang matapos kami mag-shower, tumungo na kami sa ateneo. Kay ate Jia na kami sumakay na kotse dahil walang kotse na dala ako tsaka si ate Alex. "Sino ba bibisitahin mo dito, Jia?" Tanong ni ate Alex. "Si Deanna. Walang klase si Bata kaya bibisitahin ko. Jema what time na?" Tumingin ako sa aking relo. "Eleven thirty ate Jia." Pinarada nito sa gilid ang kotse. Bumaba kami. "Canteen tayo, nandun daw sila eh." Tumungo kami sa gonzaga hall. "Daming tao." Nakita namin sila Deanna sa dulo, kumakain at may kasama silang lalaki ni Ponggay. Who's that guy? Nilapitan namin sila. "Hi ate Jia." Bati ni Deanna, napatingin ito sakin at parang nagulat ng makita ako. "Hi Jema." "Hi lang, walang kiss?" "Shut up, Pongs!" "Pareho kayo walang klase?" Tanong ni ate Jia. "Oh, Hi Ron, wala ka din klase?" Naupo kami. "Mamayang one pa klase namin ate Jia." Sagot ni Wong. "Ah . . Guys si Alex pala." Pakilala ni ate Jia. "Hi ate Alex." Bati ni Deanna at Ponggay, bumati din yung Ron. Kilala ko siya sa mukha pero hindi sa pangalan. Isa din siyang volleyball player. "Anong ginagawa niyo dito ate Jia?" Tanong ni Ponggay. "Wala lang, namiss ko lang pumunta dito tsaka may sasabihin kasi ako sayo, Deanna." "Ano yun ate?" "Crush ka daw ni Jema." Sabay tawa ni ate Jia. "Haluh ate Jia." I said. Naramdaman kong uminit ang aking pisngi. "Joke lang. Deans!" Sabay peace ni ate Jia. Narinig kong may binulong si Deanna pero hindi ko naintindihan, gusto ko sana siya tanungin kaso mamaya nalang. Nahihiya ako kila ate Jia eh. Deanna Point of View "Ate Jia mauuna na ako." Sabi ni Ponggay at bumeso kay ate Jia. "Sabay na ko sayo, Pongs. Cge po aalis nadin ako." Sabi ni Ron. Sabay silang umalis ni Ponggay. Grabe! Iniwan ako. Tumunog ang phone ni ate Jia kaya tinignan niya iyon. "Alex samahan mo nga ako, nasa labas daw si Miguel." Tumingin sakin si ate Jia. "Wong dyan muna kayo ni Jema, babalik din kami. Wait lang." Umalis na sila ni ate Alex. Naiwan kaming dalawa ni Jema. "Kamusta?" "Kamusta? Kanina lang magka-text tayo ah." Sabi nito. "I mean kamusta yung training mo sa creamline? Diba nanggaling kayo sa training?" "Ah . . Okay naman, masaya. Hindi naman awkward kasi hindi ko naman first time mag training kasama sila." "So nasa adamson kapa lang, nagte-training kana sa creamline?" I asked. "Yes. Third year college ako nung magsimula ako mag-training sa ccs." "Ah ganun?" Bigla kong naalala yung ticket. "May lakad ka ba sa saturday?" "Wala naman. Bakit?" She's smiled. "Ah may ticket kasi ako dito, gusto ko sana manood ka." I said. "Sure. Ikaw pa!" She winked at me. Shit! Yung puso ko, parang gusto lumabas. Dinukot ko sa aking pants ang ticket at inabot sa kanya. "Here." Tinanggap niya naman. "Thank you." "Basta para sayo." I winked at her. Natawa naman ako ng makita ko itong mamula. "Yieee! Kinilig siya." "Hindi ah." Namumula nitong sabi. "May crush ka sakin noh?" "Hindi ko alam na may pagka-mahangin ka pala, Ms. Wong." Taas kilay niyang sabi. "Joke lang." Sabay peace ko. "Labas tayo bukas." Aya ko. "Date ba yan?" Nakangisi niyang tanong. "Friendly date." I smiled. "Friend ba tayo?" Tanong nito. "Hmm . . Can we be friends?" I asked and smiled. "Kiss mo muna ako." Ngumuso ito. "Charot!" "Can we be friends?" I asked again. "Yes." Nilahad niya ang kanyang kamay. Tinanggap ko naman ito. "Queen Falcon." Nag-bitaw na kami. Jema Point of View "Hindi na ko Queen Falcon." "Bakit naman?" She asked. "Dahil maganda ako." I laughed. "Hangin mo din." "Hindi kaya, maganda talaga ako." Sabay belat. "Alam mo i like you." Naramdaman kong uminit na naman ang aking pisngi. s**t! Nakaka-two points na 'tong si Deanna. "Dami mong alam." Sabi ko. "Namumula kana naman. Bakit kaya hindi mo nalang aminin sakin na may gusto ka?" "Hindi ako aamin sayo dahil wala naman akong gusto sayo." Mataray kong sabi. "Hahahah! Pikon ka pala, Jema." Sabay tawa niya. Maya't-maya tumigil ito sa pagtawa at tinignan ako ng seryoso. "Jema i challenge you." "Anong challenge?" I asked. "Tsaka ko na sasabihin sayo, pagtapos ng game namin sa sturday, sasabihin ko sayo." Tumango ako. Sumulyap ito sa kanyang orasan. "Jema paki-sabi kay ate Jia may klase ako. Cge papasok na ko, malapit na mag-one eh." Akala ko aalis na ito pero bigla itong humalik sa aking pisngi at umalis na parang walang ginawa. Uminit na naman ang aking pisngi. s**t! Nakaka-three points na siya. Hmm . . . Babawian ko siya. Kala niya ha! ? "Oh Jema, bakit namumula ka?" Tanong sakin ni ate Jia na kakarating lang. "Wala. Nga pala ate pumasok na si Deanna." "Ah ganun? Kain muna tayo bago tayo umuwi. Treat ko." "Yown!" Sabi ni ate Alex. I nodded. Umorder kami ng pagkain. Syempre dahil libre ni ate Jia, unti lang ang inorder ko. Nakakahiya eh. Nag-vibrate ang aking phone habang kumakain kami, tinignan ko iyon. From: Deanna Hey Jema! Don't forget to watch my game. [Received: 1:05 PM] To: Deanna Yes ms. Setter. [Sent: 1:05 PM] Tinapos ko na ang aking pagkain. Pagtapos namin kumain ay umalis na kami. THANKS FOR READING MY STORY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD