CHAPTER 7

1214 Words
Deanna Point of View "Guys itong game natin kailangan natin maipanalo, lalo na't aalis na si Jho." Sabi ni ate Maddie. Nandito kami ngayon sa dugout, naghahanda para sa game namin sa FEU. "Para kay ate Jho ang laro ngayon!" Sabay-sabay naming sabi sabay taas ng kanang kamay. Lumabas na kami ng dugout, nakita namin na maraming ateneo community ang nasa laro. Hinanap ng mata ko si Jema pero wala ito, hindi ko siya makita. Where is she? Hindi ba siya manonood? "Deans warm up na!" Ate Maddie said. Pumunta ako kay Jaja at sabay kaming nag-warm up. Ginawa din namin yung ibang drills habang ini-interview si ate Mads. Wala akong nagawa kundi mapa-iyak nalang. Umabot nga ng fifth set ang laro pero natalo naman kami. Shit! Ang sakit. Wala akong nagawa para maipanalo ang game namin. Nang matapos namin makipag-shake hands sa FEU, tumakbo ako papunta kay ate Jia at niyakap siya. "I'm sorry ate Jia." I said while i'm crying. "It's okay, Wong. Ginawa mo ang best mo kaya wag mo sisihin ang sarili mo." Ate Jia said. Umuwi kami sa dorm na walang nagsasalita. Hindi man lang namin naibigay yung champion kay Coach Tai, lalo na kay ate Jho. "Girls it's okay. Don't be sad na, oh siya aalis na ko. Mula bukas hindi na ako ang coach niyo, si Coach Oliver na. Goodluck sa inyo." Sabi ni Coach Tai at umalis na. "Ate Jho sorry ah." Ponggay said. "Guys wag niyo sisihin yung sarili niyo, okay lang kahit hindi tayo nag-champion atleast lumaban tayo." Ate Jho said and smiled. "Guys pahinga na tayo, may training pa tayo bukas." Sabi ni ate Maddie at umakyat na. Umakyat na silang lahat, naiwan ako mag-isa dito. Nag-vibrate ang aking phone. From: Jema Don't be sad na, Deans. Nakita kita kanina na umiiyak, para kang tanga. [Received: 9:30 PM] Jema Point of View Nakakaawa naman si Deanna. Sayang hindi ko man lang siya na comfort. Dami kasing tao eh, baka pag nakita na magka-usap kami. Ma-issue na naman kami. Tinext ko ito at mabilis naman nag-reply. From: Deanna Hindi kita nakita kanina. Bakit hindi mo ko nilapitan? [Received: 9:32 PM] To: Deanna I'm sorry, ang dami kasing tao. [Sent: 9:35 PM] Biglang pumasok si ate Jia sa kwarto. "Si Risa?" "Nag-text sakin kanina ate, late daw siya makakauwi. Dami niya daw trabaho eh." "Ay ganun? Ka-text mo si Bata?" Hmm . . Pa'no niya nalaman? "Ah . ." "I'm sure magka-text kayo, lagi naman kayo magka-text nun eh." Tumawa ito at lumabas na ng kwarto. Lagi ba? Hmm . . Ewan! Maaga akong gumising, balita ko kasi sa ateneo daw kami magte-training. Sumabay nalang ako kay ate Pau dahil uuwi rin naman siya agad pagtapos ng training. Habang nasa kotse kami, tinext ko si Deanna. "Good morning." Text ko kay Deanna. Nang nasa loob na kami ng ateneo, nagreply ito. "Good morning." Hindi na ko nag-reply dahil nandito na kami sa tapat ng BEG. Bumaba ako ng kotse at kinuha sa likod ng kotse ang gym bag ko. "Let's go, Jem." Sabi ni ate Pau. Pumasok kami sa loob, naabutan namin yung lady eagles na inaayos yung net at mga bola. Hinanap ng mata ko si Deanna pero hindi ko siya nakita. Where is she? Hindi ba siya magte-training. Umupo kami sa bleacher kung saan nakaupo ang teammates ko. "Jema nakita ko yun ah." Sabi ni ate Michele. "Ano yun?" I asked. "Hinahanap mo si Wong noh? Hahahah! Kasama niya si Ponggay, nasa dorm pa sila." Natatawang sabi ni ate Jia. Tumango nalang ako. Inasar nila ako ng inasar, lalo na nung dumating na si Wong at Ponggay. Deanna Point of View Nakita ko sila ate Jia kaya naman nilapitan ko ito. "Hi ate." Bumeso ako rito. Nag 'hi'din ako sa iba. "Hi Jema." "Ayieee, Hi daw Jema." Asar ni ate Pau. "Ha? Hehehe! Hi." Sabi ni Jema. I winked at her. "Ayieeee!!" Inasar nila si Jema dahil namula ito ng kumindat ako sa kanya. Hahahah! I like her talaga—ay mali! I love her na pala. Siya lang yung babae na kakakilala ko palang pero naging gusto ko na agad. Kakaiba kasi si Jema, as in kakaiba talaga siya. Maya't-maya dumating na si Coach Tai, kasama si Coach Oliver. Naupo kaming mga lady eagles, may sasabihin daw si Coach Tai eh. "So Girls si Coach Oliver na ang bago nyong coach, hindi na ako. Pero don't worry, pupuntahan ko kayo dito minsan. Tsaka madalas din ata ako dito kasi ako ang coach ng creamline." "Hi new Coach!!" Sabay-sabay namin sabi. "Hello Girls! So kilala nyo naman ako diba? May unting paalala lang ako sa inyo. Mahigpit si Coach Tai, right? So mas mahigpit ako sa kanya and iba ako magsalita kaya yung mga sensitive dyan, sorry sa inyo." Coach Oliver said. May sinabi pa samin iba si Coach Oliver. Pagtapos ay nag-warm up na kami. "Deans si Jema ang partner mo sa warm up." Nakangising sabi ni ate Maddie. Nilapitan ko naman si Jema. "Ayieeee!!!" Asar ng teammates ni Jema samin. "Ako muna." I said and dumapa. Hinatak nito ang dalawang kamay ko. "Ouch! Dahan dahan naman." I said. "Sorry." Dinahan-dahan naman nito ang paghatak sa dalawang kamay ko. Nang matapos kami mag-warm up, drills naman. Nagse-set ako sa kanya at siya naman ang nag-spike. "Water break! Five minutes." Sabi ni ate Aly. Kinuha ko agad ang gatorade sa gym bag ko at ininom yun. Jema Point of View Kinalkal ko ang aking gym bag. "s**t!" Nakalimutan ko yung gatorade ko sa ref. Badtrip naman oh! "Hm . ." Nag-angat ako ng tingin. "Ano yan?" Tanong ko kay Deanna. "Gatorade, don't worry bago yan." Tinanggap ko naman ito. Hindi na ko mag-iinarte, kaibigan naman kami. Tsaka hinihingal na ko, nakakapagod kaya mag-spike. "Salamat." Binuksan ko at ininom. "Sweet naman ni Deanna." Sabi ni Kyla at ngumisi. Tumawa lang si Deanna at umalis na. Umupo sa aking tabi si Kyla. "Ang sweet nyo ah. Kelan lang ba kayo nagkakilala?" "Nung nakaraan lang." "Anong meron sa inyong dalawa?" She asked. "Friend." Tipid kong sagot. "Friend lang ba talaga?" Makahulugan nyang tanong. "Friend lang kami." "Pero you like her?" Napaisip naman ako sa tanong nito. "Girl crush ko siya, kakaiba siya." I said and smiled. "Paanong kakaiba? Alien ba si Deanna?" Takang tanong nito. "Basta." "Balik na!!" Ate Ly said kaya pinuntahan ko na si Deanna. Tulad ng kanina ay tiga set ko siya at ako naman ang iispike. "So guys tune up daw sabi ni Coach. Ang matatalo manlilibre ng lunch." Sabi ni ate Ly. Tumango naman ang lady eagles. Pumwesto na kami at sinimulan ang laro. Hanggang third set lang kami kaya paunahan makakuha ng dalawang set. Nakuha ng lady eagles ang first set. Talo ang lady eagles kaya naman sila ang manlilibre. "San tayo?" Nakangiting tanong ni ate Jia. "Buffet!!" Sigaw ni ate Ly. Malungkot na tumango ang ALE. Hahahah! Ubos allowance nang mga 'toh. "Ah . . . Deanna si Jema sayo sasabay." Sabi ni ate Jia kaya nagulat ako. "Ha? Hindi ah, kay ate Pau ako sasabay." Sabi ko. "Sakin kana lang sumabay, may sasabihin ako sayo eh." Sabi ni Deanna. Wala akong nagawa kundi sumabay na sa kanya. Baka mahalaga yung sasabihin niya eh. THANKS FOR READING MY STORY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD