Deanna Point of View Maaga ako gumising dahil may susunduin akong tao sa airport . . . Susunduin ko si ate Nicole and lalabas kami nila Cy. Hindi ko alam kung bakit pumunta dito si ate Nicole sa manila, samantalang may klase pa siya. Actually nga dapat tapos na yun mag-aral kaso gusto niya pa daw mag-aral kaya nagma-master siya. "Deanna!!" Sinalubong agad ako ng yakap niya. "Anong ginagawa mo dito ate? Biglaan ang pagpunta mo dito ah." "Eh boring sa cebu." "Eh paano yung pag-aaral mo?" I asked and pinagbuksan siya ng pinto ng kotse. "Saglit lang ako dito, mga two weeks." "Kanino ka tutuloy? Doon kila ate Miya ulit?" Tanong ko at sinimulan na paandarin ang kotse. "Oo, wala naman akong iba na tutuluyan dito sa manila." "Okay madam, nga pala lalabas tayo nila Cy mamaya, kasama si

