Deanna Point of View Gumising ako ng maaga dahil nga may training kami, siguro mga alas kwatro palang gising na ko. Naligo ako at kumain saglit tapos ay tumungo na sa BEG. Gusto ko na pagpawisan para mamaya mas lalo akong pagpawisan. (A/N: Baliw lang teh?) (Oo, baliw na baliw kay Jema.) Nilapag ko sa bleacher ang gym bag ko, ako palang ang tao dito. Hm . . Maya-maya pa darating yung iba, sobrang aga pa naman kasi. I sit on the bleacher. "Good morning, Bb. Don't forget eat your breakfast." Nilagay ko sa gilid ng gym bag ko yung phone ko then nagsimula na ko mag-warm up tapos ginawa ko din yung iba't-ibang drills ng setter. Bandang five thirty dumating si Luigi, nakapang-training ito tsaka may dala rin na gym bag. "Good morning, Deans. Aga mo ah." Bati niya. "Anong ginagawa mo dito

