CHAPTER 9

1262 Words
Deanna Point of View Hapon na nung umalis si ate Jho sa dorm. Syempre malungkot kami, si ate Bea naman ay bukas daw uuwi sa kanila. Si ate Bea kasi undecided pa kung maglalaro pa siya sa season 81 kaya naman aalis muna siya rito sa dorm. Pero babalik siya kapag maglalaro pa siya tsaka hindi muna siya magte-training. "Mamimiss ka namin ate Jho." Sabi ni Dani at niyakap ito. "Kayo naman, magkikita pa naman tayo." Natatawang naiiyak na sabi ni ate Jho. "Oo nga ate Jho pero mamimiss ka namin dito sa dorm." Sabi naman ni Pongs. "Drama niyo guys, cge aalis na ko." Sabi ni ate Jho at sumakay sa kotse ni kuya Nico. Si kuya Nico ang boyfriend ni ate Jho. Bumalik na kami sa loob. "Umalis na si Jho?" Tanong ni ate Bea. "Uy tinatanong." Asar ni ate Maddie. "Issue kana naman." Sabi ni ate Bea at nilamukos ang mukha ni ate Maddie. "Guys uuwi na kami." Sabi ni ate Ly. "Ate Ly hindi muna ako uuwi ng dorm, sa apartment muna ako tutuloy tutal wala naman pala daw tayo'ng training bukas." Sabi ni Jema. "Oh siya cge, gusto mo ihatid kita?" Tanong ni ate Ly kay Jema. "No ate Ly, ako nalang maghahatid sa kanya." Singit ko. "Bait mo talaga, Wong." Ngumiti lang ako. Nagsi-alisan na sila ate Ly. "Guys ihahatid ko lang si Jema." Hinila ko na si Jema palabas ng dorm. "Bakit ba gusto mo ko ihatid?" "Para malaman ko kung saan ka nakatira." Sabi ko at pinagbuksan siya ng pinto nang kotse. Pumasok naman siya, sinara ko yun at umikot para pumasok sa driver seat. "Wait lang." I texted my dad. "Hi Dad. Uuwi po ako sa linggo dyan." Pagtapos ko mai-text ang aking daddy, pinaandar ko na ang kotse. "Saan pala ang aparment mo?" "Sa *************" Tumango ako at nagfocus sa aking pagdadrive. Jema Point of View Tinititigan ko si Deanna habang nagdadrive siya, hanggang sa makarating kami sa apartment. Tumigil ang kotse sa mismong harap. "Salamat." Lalabas na sana ako ng kotse kaso hinawakan niya ang isang kamay ko. "Why?" "I love you." Nakatitig ito sa aking mga mata. Natawa naman ako. "Deanna kung ako sayo, wag ako ang pagtripan mo. Dahil wala akong balak sabayan ka sa trip mo." "I'm serious, Jema." Napalunok ako. Ano bang trip nito? Naku bata! Nakaka-fall ka talaga. "Deans salamat sa paghatid. Papasok na ko at yang sinasabi mo, alam kong nagbibiro ka kaya tigilan mo ko sa ganyan mo." "Ganyan ba talaga ang tingin mo sakin lagi?" Malungkot niyang tanong. "Deans alam mo kasi hindi pwede yang sinasabi mo." "Bakit hindi pwede?" Tumataas na ang boses nito. "Deans almost one week palang tayo magkakilala tas yan ang mararamdaman mo agad. Oh no! Imposible yan sinasabi mo." "Oo para sayo imposible pero para sakin posible at yung sinasabi ko sayo, totoo yun." Pagtapos niyang sabihin iyon, hinatak niya ang aking batok at hinalikan ang aking labi. Natulala ako, totoo ba 'to? Humiwalay ito sakin pero ako ay tulala pa rin. Hindi pa rin ako makapaniwala. Totoo bang hinalikan ako ni Bata? ? Pinagdikit niya ang aming noo. "I love you Jema, kung para sayo imposible yung nararamdaman ko, para sakin posible yun at yun ang nararamdaman ko sayo. I'm not joking." Tumulo ang luha nito. Oh s**t! Seryoso nga ito. "Don't cry." Pinunasan ko ang kanyang luha gamit ang aking thumb. "I'm sorry, akala ko kasi nagbibiro ka lang." Umayos ito ng upo at ngumiti. "Cge lumabas kana. Okay na ko, nasabi ko na sayo yung nararamdaman ko. Sana pagtapos ng araw na'to walang magbago satin dalawa." Tinignan ko ito ng seryoso. "Yung nararamdaman ko, hindi mo man lang ba ako tatanungin?" "Ano bang nararamdaman mo?" She asked. I sighed before I speak. Deanna Point of View "Ano bang nararamdaman mo?" I asked. She sighed before she's speak. "I love you, Deans but i'm scared." Nagulat ako pero mas naguguluhan ako. "Why are you scared?" "I don't know basta natatakot akong mahalin ka." I grabbed both her hand. "Jema i love you so much at kung natatakot ka na mahalin ako, please erase your scared . . . O kaya hayaan mo nalang ako mahalin ka." "Deans alam mo ba na kahit gusto kita iwasan, hindi ko magawa. Kahit gusto kita burahin sa aking utak, hindi ko magawa. Ganun kita kamahal na kahit alam kong masasaktan lang ako sayo, pinagpapatuloy ko pa rin." "Jema please, hayaan mo lang ako mahalin ka. Okay na ko dun." I said while I am crying. Niyakap ako nito. "Hindi kita hahayaan. Tutal nagka-aminan na din tayo'ng dalawa, mag-mahalan nalang tayo." I smiled. "Talaga?" "Yes." "Tayo na?" Gulat kong tanong. Tumango siya at hinalikan ako sa cheek. Masaya akong gumising. "Good morning guys!" "Blooming ka, Deans ah." Sabi ni Ponggay. "Anong meron?" Tanong ni ate Bea na galing sa kusina. "Si Deanna blooming." Syd said. "Hindi ah." I sit down on the couch. "Maganda lang talaga ang gising ko." "Nga pala Deans, chineck muna ba phone mo?" Tanong sakin ni Ponggay. "Hindi pa, bakit?" "Kanina kasi tunog nang tunog yun eh." Sabi nito. Biglang pumasok siya sa isip ko. "Guys balikan ko lang sa kwarto yung phone ko." Tumakbo ako pa-akyat sa kwarto namin ni Ponggay. Chineck ko agad yung phone ko. "Good morning Bb." "Gising kana, Bb?" "Bb gising na!" "Mamaya na nga lang Bb, mukhang tulog ka pa eh." Yan agad ang bumungad sakin pag-check ko sa phone. "Good morning, Bb. Kagigising ko lang, sorry." Text ko sa kanya. "Ikaw kumain kana?" Text ko muli sa kanya. Bumaba muli ako at this time dala ko na ang phone ko. "Guys wala ba tayo'ng training?" "Meron, Deans. Kaso mamayang hapon pa." Ate Maddie said. "Ah ganun?" I sit down on the couch. "Oo, bakit?" Dani asked. "Wala. Ate Bea umalis na?" I asked. "Yes, kaninang umaga pa. Sinundo siya ni tita Det." Sagot ni ate Maddie. I nodded. Jema Point of View Maaga akong gumising dahil balak ko pumunta sa adamson kaya naman six o clock palang ay gising na ko. Wala kaming training ngayon dahil wala si Coach Tai, nasa seminar na naman siya. Bago ako naligo tinext ko muna si Deanna. "Oh Jema, san punta?" Tanong ni Risa na kakapasok lang. "Adamson, makiki-training ako dun." Sagot ko at nag-suklay. "Ah . . Balik ka agad ah, sabay-sabay tayo magla-lunch." I nodded. Nang matapos ako magbihis at mag-ayos, lumabas na ko ng dorm namin. Syempre nagpaalam muna ako kay Captain bago umalis, baka hanapin ako eh. "Good morning, Bb. Kagigising ko lang, sorry." "Ikaw Kumain kana?" Habang papasok ako sa kotse, binabasa ko ang reply ni Deanna sa text ko sa kanya. "Tapos na po, Bb." Pinaandar ko na ang kotse. Nasa kalagitnaan ako ng traffic nang tumawag si Deanna. "Hello Bb?" "Hi Bb, Nasan ka?" She asked. "Pupunta ako ng Adamson, Bb. Makiki-training ako." I said. "Ganun? Cge Bb. Mag-iingat ka, i love you." "I love you more, Bb." I said. I ended the call. Halos eight thirty na ko dumating sa Adamson, umalis ako sa dorm ng seven. Hyst! Grabe kasi ang traffic, buti nalang late lang ako ng fifteen minutes. "Hi ate Jema!" Bati sakin nila. I smiled and nilapitan si Coach Air. "Hi Coach." "Hi Jema. Anong sumapi sayo at napadalaw ka dito?" I laughed. "Wala kaming training Coach kaya makiki-training ako, pwede ba?" "Cge, mag-warm up kana." I nodded. Nilapag ko ang aking gym bag sa bleacher at sinabayan sila Chiara na kasalukuyan nagwa-warm up. THANKS FOR READING MY STORY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD