Jema Point of View
Natapos ang training ng ten o clock, nakabalik ako sa dorm ng eleven. Sakto ang balik ko dahil naabutan ko si ate Alex na naghahain palang ng pagkain namin.
"Wow! Fresh pa rin kahit galing training." Sabi sakin ni ate Jia.
I smiled.
"Ganun talaga pag queen falcon, parang ako." Sabi ni ate Pau sabay flip sa kanyang buhok.
"Ehem! Mahangin kana naman, Pau." Sabi ni ate Mel.
"Edi wow!" Ate Pau said.
*Baby don't stop!* A/N: (Sorry sa ringtone)
"Excuse lang po."
Lumayo ako sa kanila at sinagot ang tawag ni Deanna.
"Hello?"
"Hi Bb!" Masaya nitong wika.
"Oh Bb, bakit napatawag ka?"
"Wala lang, namimiss kita."
"Kakakita lang natin kahapon ah." I said.
"Kahapon pa yun eh."
"Teka, wala ka bang klase?" I asked.
Alam ko kasi may klase siya ngayon eh.
"Meron pero hindi ako pinapasok ng professor ko." Narinig kong tumawa ito.
"Bakit naman?"
"Late na ko pumasok eh, nine thirty class ko sa kanya pero dumating ako ng ten o clock."
"Siraulo ka! Isusumbong kita kay ate Jia mo." Malaki kasi takot nito kay ate Jia eh.
"Uy wag! Bb, nagbibiro lang ako."
"Ano?"
"Wala akong pasok, cancel. Maya pang two pasok ko." She said.
"Ah . . Sigurado ka?"
"Oo Bb."
"Jema kain na!"
"Cge Bb, kakain muna ako. Bye!"
I ended the call. Pumunta na ko sa dining area. Naabutan ko silang kanya-kanyang kuha ng pagkain.
Natapos ako kumain, kami nalang ni ate Jia ang naiwan dito. Kami ang incharge sa paghuhugas ng kinainan.
"Jema."
"Bakit ate Jia?" I asked.
"Anong meron sa inyo ni Deanna?"
Nagulat ako sa tanong nito. "Ha?"
"Naku! Kayo na ni Deanna noh?"
Nahihiyang tumango ako. "Oo ate."
"Congrats." Tinapik nito ang balikat ko.
"Hindi ka galit?" I asked.
"Nope, masaya nga ako para sa inyo. Basta ingatan mo yung bata ko ah, wag na wag mo sasaktan."
I smiled. "Pangako ate."
"Don't promise, gawin mo." She stood. "Tara, maghugas na tayo."
I nodded. Sinimulan na namin hugasan lahat ng pinggan.
Deanna Point of View
"Uy Deans! Nandito ka lang pala." Hinihingal na sabi ni Ponggay.
"Bakit tsaka bakit hingal na hingal ka?" I asked.
"Tumakbo ako eh, by the way nag-text sakin si Coach Tai. Ikaw daw ang best setter and bukas daw yung game ng feu vs la salle kaya pupunta ka dun bukas, bukas rin kasi ang awarding."
"Ako lang?" Nakapout kong tanong.
"Syempre lahat tayo pero pwede na rin hindi pumunta yung iba. May award din tayo eh."
"Ay oo nga pala noh." Sabay kamot sa aking ulo.
"Oh cge Deans, alis na ko. May date kami ni Kobe." I nodded.
Umalis na ko sa library, bumalik muna ako sa dorm. Habang naglalakad ako pabalik sa dorm, nag-vibrate ang aking phone, hudyat na may text.
"Congrats, Deans." Text galing kay ate Jia.
Hmm . . . Alam niya na agad na best setter ako? Matanong nga.
"Bakit ate?"
Nang makarating ako sa dorm, naabutan ko si Ann tsaka Syd. "Oh, wala kayo'ng pasok?"
"Waley!" Sabay nilang sagot.
"Ah . ." I nodded.
Maya't-maya nag-reply na si ate Jia. "Alam ko na ang relasyon niyo ni Jema."
I smiled. "Thanks ate."
"Deans libre ka naman." Ann said.
"Ano?" I asked.
"Pizza!!" Nakangiting sigaw ni Syd.
I laughed. "Okay, tara."
"Saan?" Ann asked.
"Ewan, san niyo ba gusto kumain ng pizza?"
"Kahit saan basta ikaw magbabayad." Sabi ni Ann sabay tawa.
"Sira!" Sabi ko.
"Sa shakey's nalang." Napatingin kami sa pinto.
"Oh Dans, wala kang klase?" Tanong ni Ann.
"Na-cut . . May emergency daw si professor." Dani said and sit on my side.
"Edi okay! Sama ka, manlilibre ng pizza si Deanna!" Aya ni Syd.
"Cge. Tara na Deans."
Hyst! Basta mga pagkain, hindi tumatanggi 'tong mga 'to.
Nang matapos kami kumain sa shakey's, hinatid ko na sila pabalik sa dorm at tumungo na sa aking klase.
Four pm natapos ang aking klase kaya naman nagmamadali ako pumunta sa beg, buti nalang may damit ako pang-training sa kotse at nasa kotse ko rin yung gym bag ko.
Hindi ko na kailangan umuwi ng dorm. "Deanna, bakit late ka?" Tanong ni Coach Oliver pagpasok ko palang sa BEG.
"Sorry coach, katatapos lang po kasi ng klase ko." Paumanhin ko.
"Ganun? Cge magbihis kana, faster!"
I nodded before i go to the shower room. Mabilis lang ako nagbihis tapos chineck ko ang aking phone.
"Shit." Mahina kong bulong nang makita ang three missed calls at fifteen message, lahat galing ito kay Jema.
*TOK!*TOK!*TOK!*
"Deans paki-bilisan!"
"Yes Coach!"
I off my phone. Lumabas na ko ng shower room at nagsimula mag-warm up solo.
"Fifteen minutes break!" Sigaw ni Coach Oliver.
Pinuntahan ko agad ang aking gym bag, imbes na uminom ako. Kinuha ko muna ang aking phone.
"Bb sorry, ngayon lang ako nakapag-reply. Late na natapos ang klase ko tas may training pa kaya hindi ako nakapag-reply agad sayo. Sorry talaga, Bb. Babawi ako sayo, promise." Text ko sa kanya.
"Uy ang sweet." Sabi ni ate Maddie.
Alam na kasi ng teammates ko na mag-jowa na kami ni Jema. Tuwang-tuwa nga sila eh. Three days palang kami mag-jowa ni Jema.
Speaking of my dad, problemado pa din ako. Hindi ko alam kung paano ako sa kanya aamin, i'm sure magagalit siya. Baka nga paghiwalayin niya kami ni Jema.
I love Jema kahit mabilis naging kami. Kahit na first relationship ko si Jema, gagawin ko ang lahat para hindi kami mag-break. Dahil gusto ko siya ang first at the same time, gusto ko siya rin yung last.
Jema Point of View
Nakakainis si Deanna! Three days palang kami mag-jowa pero ganun na siya agad.
"Oh bakit naka-kunot yang noo mo?" Tanong ni ate Jia na kakapasok lang sa kwarto namin.
"Oh ate, may kailangan ka?" Tanong ko.
"Ako ang unang nag-tanong, Jema." She said at umupo sa kama.
"Uhm . . Si Deanna kasi ate Jia, kanina pa ko text nang text pero hindi man lang nagre-reply."
"Baka naman busy." She said.
"Sana naman ate mag-reply siya. Nakakainis kasi kapag ganun." I said.
"Hahahah! Hay na ko, Jema. Immature pa yan si Deanna kaya kailangan mo magtiis. Wala eh no choice ka, bata pa yang jowa mo eh."
Immature? Bata? Hindi na bata si Deanna, graduating na nga siya next year eh.
"Ate Jia naman eh, hindi na bata si Deanna." Sabi ko.
"Hindi nga bata pero isip bata. Jema alam mo ba na . . . " Ngumiti ito. "First girlfriend ka ni Deanna? First ka niyang naging jowa, wala siyang naging kasintahan maliban sayo."
"Ha? Hindi ba naging sila ni Ricci?" I asked.
Sa pagkakaalam ko kasi naging sila, issue kasi dati sila. At trending na trending sila sa twitter noon, lalo na nung lumabas yung upfront. Ang sweet pa nga nila dun eh.
"Hindi ah, na-issue lang sila."
"Akala ko naging sila, yun kasi ang sabi dati sa twitter."
"Hahahah! Alam mo naman ang tao? Mapaggawa ng issue." Sabi nito.
Biglang nag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito at tinignan. Hay salamat, nag-reply din.
"Sino yan?" Rinig kong tanong ni ate Jia.
"Si Deanna ate." Sagot ko habang nagre-reply sa text ni Deanna.
"Ah okay. Cge aalis muna ako, may date kami ni Miguel eh." She said and stood.
"Enjoy your date." I said.
She nodded and lumabas na. Tinawagan ko si Deanna. Nasa training pala siya at late narin nakarating sa beg dahil natagalan daw yung klase niya.
THANKS FOR READING MY STORY