CHAPTER 11

1363 Words
Jema Point of View Nandito ako sa apartment, naabutan ko ang aking kapatid na lumalamon. "Lamon pa." "Grabe ka naman ate, ang harsh mo sakin!" Umacting ito na parang umiiyak. "Naku! Tigilan mo ko sa pagdra-drama, Mafe. Baka pabayaran ko lahat ng kinain mo dito." Sabi ko at umupo sa couch. Nagtanggal ako nang sapatos. "Excuse me ate, nung isang araw ka lang umuwi dito at isa pa, ako ang nag-grocery nung nakaraan." "Heh! Kinain mo nga yung chocolates ko na naiwan sa refrigerator eh." Sabi ko sabay bato ng medyas sa mukha niya. Whahahahah!!! "Ano ba yan ate?!" Hinagis nito sakin pabalik. "Ang baho!" "Edi wow!" Tumungo ako sa aking kwarto. Kumuha ako ng towel sa drawer at pumasok sa loob ng banyo. After fifteen minutes natapos nadin ako maligo, bumaba na ko muli. "Ate!" "Bakit?" Tanong ko kay Mafe nang tuluyan ako makababa. "Flowers oh, para sayo." Inabot nito sakin. Tinanggap ko naman ito. "Kanino galing?" "Ewan, iniwan lang dyan sa labas eh. Muntik ko na nga matapakan, tignan mo baka may letter." Sabi nito at muling naupo. Chineck ko at tama nga ito, may letter nga. Binuklat ko ang letter. Dear: Bb Jema Hi Bb, sorry talaga sa nangyari kanina. Masyado kasi akong nataranta, alam mo naman. Strict si Coach Oliver, mas strict pa kay Coach Tai. Promise babawi ako sayo, labas tayo bukas. Sunduin kita ng maaga sa apartment mo, mga eight o clock. From: Deanna Wong ng buhay mo. Nakangiti ako habang binabasa ang letter. "Ate para kang tanga." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Mafe, nilapag ko sa gilid ang flower pero binulsa ko na yung letter. Baka makita pa ni Mafe, chismosa pa naman yun. "Mafe nagluto kana?" Nakangiti kong tanong. "Hindi pa, wala ng lulutuin eh." "Ha? Akala ko ba nag-grocery ka nung nakaraan?" "Kaya nga pero naubos na eh pero may delata dyan." Sabi nito. "Ah okay. Ayun nalang ulamin natin, gabi na eh. Nga pala si Jovi hindi ba uuwi?" "Uuwi daw pagtapos ng ginagawa niya." Sagot nito. "Ano bang ginagawa niya? Alam mo ba?" Tanong ko. "Hindi eh." Sagot nito. Tumango nalang ako at tumungo sa kusina para mag-saing. Deanna Point of View Hinintay ko muna makuha yung flowers bago ko pinasibad paalis ang aking kotse. Nag-red light kaya naman huminto ako, saktong nag-vibrate ang aking phone kaya tinignan ko ito. "Hi Bb. Thank you dito sa flowers, i love you." Text galing kay Jema. "I love you so much, Bb. Date tayo bukas." I reply. Tinabi ko muna ang aking phone dahil nag-green light na. Pinaandar ko na ang aking kotse. Balak ko makipag-date kay Jema bukas tapos isasama ko rin siya sa moa arena, 2 o clock pa naman yung awarding eh. "Oh Deans, saan galing?" Tanong ni ate Maddie pagbaba ko ng kotse. "Kay Jema ate, hinatiran ko lang ng flowers." "Wow sweet." "Ikaw saan galing? Bakit nasa labas ka?" I asked. "Nakipagkita lang ako kay Zoey." Tumango ako. "Tara pasok na tayo." Pumasok na kaming dalawa sa loob, naabutan namin yung iba na nanonood, yung iba naman ay nag-mobile legends. Maaga ako gumising para magluto ng kakainin namin ni Jema, balak ko kasi pumunta kami ng antipolo. Balita ko maganda daw dun ngayon kaya dadalin ko siya dun. Siya ang unang makakasama ko na pupunta dun. "Walang training at walang pasok dahil saturday pero bakit ang aga mo magising?" Tanong ni ate Maddie. "Aalis kasi kami ni Jema, dadalin ko siya sa antipolo." "Eh awarding mamaya eh."Sabi nito at naupo. "Mamaya pa naman yun tsaka didiretso na kami dun, isasama ko siya." "Ah . . Diba uuwi ka sa inyo mamayang gabi?" She asked. "Gabi pa yun, nine o clock pa yung flight ko." "Alam ni Jema?" "Sasabihin ko pa lang tsaka bukas din ng gabi uuwi din ako." Tumayo ito at hinawakan ako sa balikat. "Kaya mo yan, Deans." Pagtapos ay umalis na ito. Alam kasi niya yung dahilan kung bakit uuwi ako ng cebu mamaya. Jema Point of View Gumising ako bandang six thirty, syempre kumain muna ako ng breakfast tapos ay naligo na ko. Mabilis ako natapos maligo pero natagalan ako dahil sa pagpili ng damit. Ang ending ay nagsuot ako ng pants tsaka black na blouse. Wala akong mapili eh. Naglagay lang ako ng foundation sa mukha tapos lipstick. Simple lang. ? "Good morning ate. Wow bihis ah, san punta?" Tanong ni Mafe pagkababa ko. "May lakad ako. Kumain kana ng breakfast, nagluto ako." Sabi ko habang inaayos ang t-shirt na suot ko. "Tapos na ate." Sagot nito at binuksan ang tv gamit ang remote. Umupo ako sa tabi ni Mafe, tinext ko si Deanna. "Bb good morning." Mabilis naman akong nakatanggap na reply. "Good morning din, Bb. Papunta na ko diyan, wait for me." "Okay, Bb. Take care." I reply. Hindi na ito nag-reply pa, baka nagdadrive na. "Ate akala ko ba aalis ka?" Tanong ni Mafe. "Kaya nga, hinihintay ko lang yung girlfriend ko." "What? May girlfriend ka?" Tumango ako. "Bakit hindi mo pinapakilala samin?!" "Wag ka nga sumigaw." Saway ko dito. "Sino girlfriend mo ate?" Excited niyang tanong. "Wag ko na sabihin, baka agawin mo pa." "Grabe ka naman ate. May sheena na ko noh!" Sabi nito sabay flip nang hair niya. "Nga pala kamusta na kayo ni Sheena? Maayos naman ba kayo?" Matagal na rin kasi ako walang balita sa relasyon ni Sheena at nang kapatid ko. "Okay naman ate." Sagot nito. Sasagot sana ako pero biglang may bumusina na kotse sa labas. Putek! Mas nauna pa lumabas sakin si Mafe. Lumabas din ako nakita ko si Deanna na nakasandal sa kotse niya. Shet! Ang ganda niya. ? "Ohmygoshhh!! Si ate Deanna." Natauhan ako ng sumigaw si Mafe. Bago pa makalabas ng gate si Mafe ay hinila ko na siya. "Hi Jema." "Ate siya yung jowa mo?" Gulat na tanong ni Mafe. "Pag-pasensyahan mo na 'tong kapatid ko, hindi ko lang napainom ng gamot kaya ganito." Sabi ko. "Hi Mafe, nice to meet you." "Hi ate Deanna, pwede pa-picture? Idol na idol kita." "Sure." Tinulak ako ng kapatid ko at nagmamadali itong lumapit kay Deanna. Deanna Point of View Ang cute ng kapatid ni Jema, ang kulit. "Ang cute ng kapatid mo, Bb." Sabi ko habang nagdadrive. Nakita ko sa rear mirro na sumimangot ito kaya natawa ako ng bahagya. "Bakit tumatawa ka?" "Wala, Bb. Ang cute mo kasi pag nakasimangot ka." "Buti pa yung kapatid ko pinuri mo, samantalang mas cute ako sa kanya, maganda pa nga eh." Humagalpak ako ng tawa. "HAHAHAH!" "Bakit hindi ba totoo?" Nakita ko ang seryoso nitong mukha sa rear mirror. "Bb naman. Joke lang eh pero seryoso, cute yung kapatid mo." I said and smiled. "Edi siya nalang yung jowain mo." Kunot noong sabi nito at tumagilid. "Heheheh! Joke lang Bb." Hindi ako nito pinansin, buti nalang at nag-red light. Humarap ako dito. "Uy Bb, joke lang." Sinundot ko ang tagiliran nito pero hinampas nito ang kamay ko. "Ouch Bb!" Grabe! Ang bigat talaga ng kamay niya. "Buti yan sayo. Panget mo!" "Mahal mo naman." I smirked. "Edi wow!" Tinawanan ko ito at pinaandar na ang kotse dahil green light na. "Saan pala tayo pupunta?" "Kahit saan basta kasama kita." I winked at her tapos muling tumingin sa daan. "Saan nga?" Tanong muli nito. "Sa antipolo tapos mamaya pupunta tayo sa moa arena." "Bakit?" Tanong nito. "Awarding." "Ay oo nga pala, second runner up nga pala kayo. Congrats." Sabi nito. "Thanks pero lumabas talaga tayo para i-celebrate natin yung pagiging best setter ko." Sabi ko at ngumiti. "Best setter ka?" Gulat niyang tanong. I nodded. "Yes, sinabi sakin ni Ponggay." "Wow! Congrats Bb." Niyakap ako nito pa-side. I kissed her forehead. "Thank you, i love you." "I love you so much." She said. Buong byahe namin ay nakayakap siya sakin. Nine o clock kami nakarating sa antipolo. Lakad lakad lang kami tapos nung mapagod kami, bumalik kami sa loob ng kotse. "Nagugutom ka?" I asked. Tumango ito. Kinuha ko sa backseat ang pack lunch na dala ko. Dalawa ang ginawa ko dahil dalawa kami tsaka gutumin ako. Nang matapos kami kumain, naglakad muli kami. THANKS FOR READING MY STORY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD