CHAPTER 12

1291 Words
Jema Point of View "Bb kakain muna tayo bago pumunta sa moa arena." Sabi nito. I nodded. Sumakay ako sa kotse. "Saan tayo kakain?" "Kahit saan basta kasama ka." Pinaandar na nito ang kotse. "Edi wow!" Kakatapos lang namin ngayon kumain rito sa isang resto, malapit sa edsa "Bb may sasabihin pala ako sayo." She said while dusting the mouth. "Ano yun?" I asked. "Uhmm . . . Uuwi pala ako ng cebu ngayon." Kumunot ang aking noo. "Ha? As in ngayong araw?" "Yeah mamayang gabi yung flight ko." "What? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Inis kong tanong. "Sorry Bb. Pero don't worry, uuwi din ako bukas ng gabi." Nawala ang pagka-kunot nang noo ko. "Ah . . Akala ko magtatagal ka eh." "Hindi pwede, pag nagtagal ako. Pa'no yung study ko?" "Oo nga noh." Sabi ko. Tumawa ito pagtapos ay tinawag ang waiter. "Bills." Tipid na sabi ni Deanna sa waiter. Tumango yung waiter at umalis. "Sino magbabayad?" I asked. "Me." She said. Bumalik yung waiter na dala na yung bills. Chineck ni Deanna yung bills bago kumuha ng pera sa wallet. Nakita ko ang wallet nito na puro credit card. Mayaman talaga 'tong bata na'to. "Keep the change." Tumingin sakin ito. "Let's go, Bb." Lumabas na kami ng restaurant. "Ako naman ang magdadrive." "Nope ako na, ayoko kitang napapagod." Sabi niya at sumakay na sa driver seat. Wala akong nagawa kundi sumakay sa passenger seat. Sa likod kami dumaan dahil sobrang daming tao sa harap. May daan naman dito para sa mga players eh. Nakita namin ang mga teammates niya. "Oh hi Jema." Bati sakin ni Ponggay. "Hi Jema." Bati rin ni Maddie. Bumati rin sakin yung iba, hindi lahat ng teammates niya ay nandito. Awarding lang naman kasi 'to eh, okay lang kahit wala yung iba. "Dito ka muna sa kanila, dun ako oh." Sabay turo sa upuan. Kung saan nakaupo ang mga players na may individual rewards. Tumango ako, naiwan ako sa mga teammates niya. Deanna Point of View Pumunta ako sa pwesto ng mga may individual rewards. Umupo ako sa tabi ni Celine Domingo. Nakilala ko si Celine dahil kay ate Bea. "Hey Wong! Congrats." Sabi nito. "Congrats din." Tinapik ko ito sa balikat. "Kasama mo si Jema?" She asked. Magkakilala din sila ni Jema and alam niyang girlfriend ko si Jema. "Oo, kasama siya ng teammates ko." "Nag-date kayo noh?" "How do you know?" I asked. "Nakita ko sa ig story mo." Sabi niya. "Ah . . Kaya pala." Nagsimula na ang awarding, una muna nag-award sa mga lalaki bago ang girls. Unang tinawag si ate Rondina, sumunod si ate Jaja tapos ay si Celine. Pagtapos ay si Cheng na sinundan ni Arado ng UE. "Best setter . . Deanna Wong!" Tawag ng announcer. Rinig ko ang palakpakan ng mga tao, lumakad ako at kinuha ang aking reward. Pagtapos ay pumunta sa gilid. Nang matapos ang individual awarding, lumapit ako sa teammates ko. "Congratulation, Deans." Bati sakin ni Jema. Binati rin ako nang teammates ko. "Salamat." "Anong oras daw yung awarding natin?" Tanong ni Ann. "Mamaya pa daw pagtapos nang game 2 ng feu vs la salle." "Matagal pa pala." Sabi ni Ponggay. "Libot muna tayo'ng lahat sa moa." Sabi ni Jema. "She's right." Sang-ayon ni ate Maddie. Naglakad nalang kami dahil magkalapit lang naman ang moa arena tsaka mall. "Guys bawi tayo next season ha." Sabi ni ate Maddie at sumakay na sa kotse niya. Pinagbuksan ko muna si Jema ng pinto nang sasakyan bago sumakay sa driver seat. Six thirty o clock na kami nakarating sa tapat ng dorm nang creamline. "Mag-iingat ka, Bb. Have a safe flight." "Okay Bb. I love you." I kissed her forehead. Lumabas na siya ng kotse, hinintay ko muna siya makapasok sa loob ng dorm bago ko pinasibad paalis ang kotse ko. Eleven o clock ng gabi ako dumating sa cebu, si ate Cy at si mom nalang ang sumundo sakin sa airport. "Kamusta Sachi?" Tanong sakin ni mom, kasalukuyan kami nakasakay sa kotse ni ate Cy. "Okay naman, mom." I said. "Kamusta ang manila? Ganun pa din ba?" Tanong ni ate Cy. Matagal na kasi siya hindi nakakapunta ng manila, busy kasi siya sa pag-aaral at pag-aalaga sa mga anak niya. "Ganun pa rin, mausok pero maganda ang tanawin." Sagot ko. "Nga pala nasan si Dad? Sila Peter?" "Ay naku, ang daddy mo tulog na. Habang si Peter at Joseph inaantay ka dun sa bahay. Sabi ko nga matulog na pero ayaw nila, wala naman daw pasok tsaka darating ka daw." Sabi ni mom habang nakangiti. "Ah . . Mukhang namiss ako nung dalawa." I said. "Hindi lang miss, miss na miss ka." Sabi ni ate Cy. After a few minutes nakarating nadin kami sa bahay namin dito sa cebu. Pagpasok ko sa loob ng bahay, sinalubong agad ako ni Peter at Joseph. "Ate!" Yinakap ako ng mga ito. Niyakap ko rin sila. "Namiss ko kayo." Humiwalay sila. "Namiss ka din namin ate." Sabay nilang sabi. "Boys matulog na kayo, pagpahingahin niyo na muna ang ate Deanna niyo. Pagod yan." Sabi ni mom na nasa likod ko. "Okay mom." Sabi ni Joseph. "Goodnight ate." Humalik muna sila kay mom bago umakyat sa kwarto nila. "Mom aakyat na po muna ako, titignan ko ang mga bata." Sabi ni ate Cy at umakyat na. Si ate Cy kasi ang course niya ay med, alam niyo naman siguro kung gaano katagal ang pag-aaral ng isang med diba? Si ate Cy madalas nandito yan sa bahay nila mom and dad, pilot kasi yung asawa niya and bihira lang umuwi sa kanila. "Deanna umakyat kana sa kwarto mo at matulog." Sabi ni mom. I nodded. Umakyat ako sa kwarto habang bitbit ang isang back pack ko, back pack lang dala ko. Uuwi din naman ako bukas. Jema Point of View Kasalukuyan kami magka-usap ni Deanna sa cellphone, kararating niya lang daw sa kanila. "I miss you." She said in a sad voice. "I miss you too. Bakit kasi umuwi ka sa inyo? May problema ba?" "Wala. Namiss ko lang yung family ko kaya umuwi ako, ang tagal ko rin kasi hindi umuwi dito." "Ah . . Cge Bb matutulog na ko, may training kami bukas." I said. "Okay, Bb. I love you." "I love you too." I ended the call. Tinabi ko na ang phone ko sa side table at nagsimula na magpalamon sa antok. "Jema gising na." I slowly opened my eyes. "Tumayo na dyan, may training pa tayo." "Anong oras na ba?" Tanong ko kay Risa. Siya ang gumising sakin. "Five thirty, six thirty training natin. Bangon na dyan." Sabi nito at naupo muli sa kanyang kama. Dali-dali akong tumayo, kinuha ko ang towel at pumasok agad sa loob ng banyo. Saglit lang ako naligo dahil anong oras na. Shet! Nagpuyat nga pala kami ni Deanna kagabi, halos two o clock na kami nagba-bye sa isa't-isa. "Oh Jema, madaling-madali ah." Sabi ni ate Pau na kakapasok lang sa kwarto. "Paano ate Pau, kagigising niya lang." Sabi ni Risa. "Puyat pa more." Natatawang sabi ni ate Pau. Hindi ko sila pinansin, mas binilisan ko ang pagbihis. "Jema kumain muna ng breakfast bago umalis ah." Paalala ni ate Pau bago sila lumabas ng kwarto ni Risa. Bumaba na ko dala dala ang gym bag ko, dumeretso ako sa kusina. Nadatnan ko si ate Jia na patapos na sa pagkain. "Oh good morning Jema, mukhang kagigising mo lang ah. Maga pa yan mata mo." Sabi nito habang humihigop nang kape. Naghanda ako ng almusal ko, buti nalang hinintay ako ni ate Jia matapos mag-almusal. Sabay kami umalis, sumabay siya sakin. Sira daw gulong ng kotse niya eh. THANKS FOR READING MY STORY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD