CHAPTER 13

910 Words
Deanna Point of View Maaga ako nagising kaya naman naisipan ko mag-jogging, tutal sa subdivision naman kami nakatira. Nag-stretching muna ako bago nagbihis ng pang-jogging. Mamaya nalang ako maliligo. Pagbaba ko wala akong nadatnan na tao, mukhang tulog pa silang lahat. Four thirty palang naman kasi. Ala singko ako bumalik sa bahay, nadatnan ko si Dad na umiinom ng kape. "Good morning po." Bati ko rito. Tinignan ako nito ng seryoso. "We need to talk." Kinakabahan ako habang lumalapit dito. "Tungkol po saan?" Naupo ako sa harap nito. "Anong meron sa inyo ng babae na yun?" "Sinong babae po?" Tanong ko kahit alam kong si Jema ang tinutukoy nito. "Jema Galanza . . . Anong meron sa inyong dalawa?" "Dad." Yan ang tanging kong nasabi. Kinakabahan ako sa pagtingin ni dad, minsan lang maging ganito ka-seryoso siya kaya naman hindi ako sanay. "Inuulit ko, Deanna . . . Anong meron sa inyo ng babae na yun?" Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Dad she's my girlfriend." Ang seryoso nitong mukha, napalitan ng galit. "Are you crazy, Deanna?!" "Dad mahal ko siya." Lakas loob kong sabi. "Hindi kita pinalaki para pumatol sa kapwa mo babae, Deanna!" "I know dad." Napayuko ako. "Pero dad hindi ko mapipigilan ang nararamdaman ko, i'm sorry dad pero ganito talaga ako. Bisexual po ako." Nag-angat ako ng tingin. "Hindi kita matatanggap, wala akong anak na bisexual." Pagtapos ni dad sabihin iyon, umalis na ito sa aking harapan. Masakit marinig sa kanya na hindi niya ko tanggap, lalo na't ama ko siya. Pinunasan ko ang aking luha at tumungo sa aking kwarto. Kakatapos ko lang maligo, inaayos ko na ang aking gamit. Imbes na dapat hapon yung flight ko pauwi ng manila, pina-aga ko na. *TOK!*TOK!*TOK!* "Pasok po." Bumukas ang pinto, pumasok si mom and ate Cy. "Anak?" "Mom bakit po?" Lumapit silang dalawa sakin. Naupo sa left si ate Cy and sa right side naman si mom naupo. "Anak pag-pasensyahan muna ang iyong ama, nabigla lang yun. Alam mo naman sa chinese diba? Hindi nila tanggap ang mga katulad mo." "Naiintindihan ko mom." Ngumiti ako ng pilit. "Deanna matatanggap ka rin ni daddy. Siguro hindi sa ngayon, pero matatanggap ka rin niya. Maghintay ka lang, basta kami tanggap ka namin." Sabi ni ate Cy at inakbayan ako. Niyakap ko silang dalawa, nakita ko ang dalawa kong kapatid pa na lalaki na nakatingin samin, nasa pinto sila. Nginitian ko itong mga 'to at sinenyasan na lumapit. Lumapit sila at naki-yakap samin. "Mahal na mahal ka namin ate, maging sino ka man tanggap ka namin." I smiled. Sana pati si dad maging ganyan sakin. Maghihintay ako hanggang sa matanggap niya ko. Jema Point of View Katatapos lang ng training namin, tinignan ko yung phone ko kung may reply na si Deanna sa text ko pero wala pa rin. "Lungkot natin mareng Jema ah." Sabi ni Laura. "Hindi pa nagre-reply si Deanna eh. Pag ganitong oras may reply na yun eh." "Edi puntahan mo nalang sa dorm nila, baka tulog pa." Sabi naman ni Kuttika. "Wala siya dun, nasa cebu siya." Sabi ko at naupo. "Ah . . Hintayin muna lang, baka tulog pa. Mabuti pa mag-shower na tayo." Sabi ni Laura at hinatak ako. Nang matapos ako mag-shower bumalik na kami sa dorm, kasabay ko ulit si ate Jia. "Jema kakain na." Sigaw ni ate Jia mula sa kusina. Pumunta ako sa kusina. Habang kumakain ako, patingin-tingin ako sa cellphone. Naghihintay sa reply ni Deanna. Hyst! twelve o clock na pero wala pa rin siyang reply. Namimiss ko na siya. "Mukhang may hinihintay si mareng Jema ah." Rinig kong sabi ni Coleen. "Hahahah! Hindi ba nagre-reply si Bata?" Tanong ni ate Ly. "Hindi nga ate Ly eh, mukhang busy na busy." Sabi ko at sumubo ng kanin. "Halata nga malungkot ka eh." Sabi ni Kyla. Puro sila kwentuhan habang kumakain, tanging ako lang ang hindi umiimik. Hinihintay ko pa rin kasi yung reply ni Deanna. Kasalukuyan akong nasa kwarto nang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may tumatawag. "Hi Bb!" Si Deanna. "Tinext kita kanina ah, hindi ka nag-reply. May problema ba?" "Wala, Bb. Nasan ka pala?" "Nasa dorm." Sagot ko. "Gusto kita makita, Bb. Pwede kaba lumabas ng dorm niyo?" "Ha? Nakauwi kana?" Tumayo ako at sumilip sa bintana. "Yes Bb." Sagot nito. Nakita ko ito, nakasandal sa kotse niya. "Wait lang, lalabas ako." Binaba ko ang tawag at bumaba. "Jema san punta?" Tanong ni ate Ivy. "Labas po. Nasa labas si Deanna." Sabi ko at tuluyan ng lumabas sa dorm. Sinalubong agad ako ng mahigpit na yakap ni Deanna paglabas ko. "I miss you." Humiwalay ako dito. "I miss you pero hindi nag-reply sa text ko." "Sorry na, Bb. Na lowbat kasi ako, ngayon lang ako nakapag-charge." She said. "Nga pala bakit ang aga mo umuwi? May problema ba?" Tanong ko pero umiling ito. "Wala, Bb. Namiss lang kita kaya pina-aga ko yung flight ko." "Deanna!" "Ate Jia!" Nag-yakapan silang dalawa. "Kamusta Deanna? Balita ko umuwi ka daw ng cebu ah." "Oo ate pero bumalik din ako agad." Hinigit ako ni Deanna. "Namiss ko kasi 'tong Bb ko." "Aysus! Ang harot ah. Pumasok kayo sa loob, dun kayo mag-lambingan." Sabi ni ate Jia. Tumango naman kaming dalawa ni Deanna, pumasok kami sa loob ng dorm. Binati siya ng teammates ko at binati niya rin pabalik, tumungo kami sa kwarto. Ang ingay nila sa baba eh. THANKS FOR READING MY STORY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD