CHAPTER 14

1244 Words
Deanna Point of View Three Weeks Later . . . . . Ala singko palang ay gising na ko, may training kami eh. Tapos ngayon pa yung first monthsary namin ni Jema. May class pa ko buti nalang hanggang one o clock lang yung klase ko, makakanood pa ko ng game ni Jema. May laro kasi sila sa PVL and second game nila ngayon vs banko perlas. I'm sure maraming tao dun. Buti nalang kasama ko si Cy at Mafe. Si Cy malonjao ay isa sa mga bestfriend ni Jema and bestfriend ko na rin ngayon. Pinakilala siya sakin ni Jema nung pumunta kami sa laguna, pinakilala kasi ako ni Jema sa magulang niya at sa iba niya pang kamag-anak. "Deans monthsary niyo ni Jema ah, anong balak mo?" Tanong ni Ann. "Kakain nalang kami sa labas tapos pasyal lang saglit then uwi na." Sabi ko habang kumakain ng sandwhich. "Ganun? Walang surprise na magaganap o pakain?" Singit ni Ponggay. "Naku! Puro ka pagkain, Ponggay. Eh hindi ka naman tumataba." Sabi ko at tumayo. Nilagay ko sa sink ang pinagkainan ko. Kinuha ko ang aking phone at tinext si Jema. "Good morning Love. Happy monthsary and i love you so much." "Wow sweet." Sabi ni Ponggay habang nakasilip sa phone ko. Hay! Chismosa talaga. Umakyat na ko sa aking kwarto para maligo dahil five thirty na. Six thirty training namin. "Guys ngayon daw darating yung ibang recruit ni Coach Oliver." Rinig kong sabi ni ate Maddie habang pababa kami. "Yes Cap!" Rinig kong sabi ni Syd and Ria. Parehong maliit, whahahah! Nag-vibrate ang aking phone, hudyat na may text. "Good morning din love. Happy monthsary and i love you more." Aga niya magising ah, siguro may training sila. Ganyan naman lagi eh, kahit laban may training pa rin. "Nag-breakfast kana? Wag mo kakalimutan kumain ah." Reply ko dito. Sinuksok ko na muli sa gym bag ko ang aking phone. "Guys una na ko." Paalam ko at lumabas na ng dorm. Sumakay ako sa aking kotse at pinaandar papunta sa BEG. Jema Point of View "Fifteen minutes break!" Sigaw ni Coach Tai. Tinungo ko agad ang gym bag ko at kinuha doon ang gatorade ko. "Happy monthsary sa inyo ni Deanna." "Thanks ate Ivy." Bumati rin yung iba kong ka-teammates. "Anong balak niyo? San celebration?" Ate Jia asked. "Kakain lang sa labas ate. Kung hindi tumapat sa monday yung monthsary namin, balak sana namin pumunta sa tagaytay." "Edi pumunta nalang kayo dun sa sabado o kaya sa linggo." Sabi ni Coleen. "Oo nga tapos sama kami." Sabi ni Nicole. "Bawal yun, exam nila next week eh. Magre-review yun." Sabi ko at binalik yung gatorade sa bag pagtapos ko uminom. "Edi sa next monthsary niyo nalang." Sabi ni ate Ly. "Kaya nga ate Ly." Sabi ko. "Balik na!" Sigaw ni Coach Tai. Bumalik na kami sa kanya-kanya namin ginagawa kanina. Nandito na kami sa Fil oil flying-V centre, kararating lang namin. Nandito kami ngayon sa dugout, maya pa labas namin. Inaayos pa daw yung mga camera. "Love manonood ka ba?" Text ko kay Deanna. Binigyan ko kasi sila ni Mafe at Cy ng ticket, gusto ko kasi manood sila. Dapat si Deanna lang kaso hindi naman manonood yun ng mag-isa, mahiyain yun eh. "Opo love, on the way na kami nila Cy at Mafe dyan." Reply nito. "Sinundo ka nila?" "Guys maya-maya daw lalabas na tayo." Sabi ni ate Ly. "Okay cap!" Sabay-sabay namin sabi. "Hindi love. Magka-text lang kami ni Cy, kasama niya na daw si Mafe." Reply niya. "Ah okay, love. Ingat sa pagda-drive." Tinago ko na phone ko sa gym bag. Maya't-maya lumabas na kami, warm up muna kami habang ini-interview si ate Melissa at ate Alex. Deanna Point of View "Lodicakes!" Tumingin ako sa aking likod. "Kanina pa kayo dito?" Tanong ko sa kanila nang makalapit sila sakin. "Hindi ah, kararating lang namin." Sabi ni Cy. "Tara pasok na tayo, malapit na ata magsimula yung game." Sabi ko. Tumango naman silang dalawa at pumasok na nga kami sa loob. "Bakit si Sheena hindi mo sinama?" Rinig kong tanong ni Cy kay Mafe. "Busy yun." "Ganun? Sayo Deanna, papayag kaba na wala ng oras sayo yung girlfriend mo?" Tanong sakin ni Cy. "Hindi." Naupo kami. "Pero minsan dapat mo rin siya intindihin. Lahat naman kasi ng tao nagiging busy." "Ah . . Si Sheena kasi wala ng oras kay Mafe." "Sinong Sheena?" Tanong ko. "Girlfriend ni Mafe." Sagot ni Cy. "May girlfriend ka?" Tanong ko kay Mafe. She nodded. "Oo ate, Deanna. Yung babaeng kasama ko nung nakaraan sa apartment." "Ah . . Akala ko kaibigan mo lang yun." Sabi ko. "Ayun yung girlfriend mo oh." Sabay turo ni Cy kay Jema na kasalukuyan nagwa-warm up. "Margarett!!" Sigaw ni Mafe kaya napatingin ito sa gawi namin. Nginitian ko ito at sinuklian niya ng malapad na ngiti. "Goodluck." I mouthed. Kanina pa nagsimula ang game, nakuha ng banko perlas ang set one, set two nakuha ng creamline. Bali set three na ngayon. Nagugutom ako. "Cy, Mafe bili tayo sa labas." "Dito nalang ako, kayo nalang." Sabi ni Mafe. Lumabas kami ni Cy at bumili ng makakain, marami naman nagtitinda dito sa labas. Pagtapos ay binalikan na namin si Mafe. "Oh." Inabot ko kay Mafe ang isang chicharon tsaka zesto. Habang kumakain ako ay nakatingin lang ako kay Jema. Hmm . . . Ang galing talaga ng Bb ko. Biruin mo binlock siya ni ate Amy at Fhen pero nalusutan pa niya. "Ang galing talaga ng girlfriend mo." Sabi ni Cy. "Hindi papatalo yan lalo na't ex niya yung bla-block sa kanya." Sabi ni Mafe. "Ha? Sinong ex?" Tanong ko. Nagkatinginan naman ang dalawa, nakita kong pinanlakihan ni Cy si Mafe nang mata. Jema Point of View Natapos ang laro umabot ng fifth set, kami ang nanalo. Buti naman kasi nung first game namin sa kanila, sila yung nanalo eh. "Coach pwede ba hindi muna ako sasabay? Monthsary namin ni Deanna eh, lalabas kami." Paalam ko kay Coach Tai. "Haopy monthsary, cge enjoy!" "Thanks Coach!" Pumunta na ko sa parking lot, nandun daw sila Deanna, Cy at Mafe eh. "Wazzup mareng Jema! Galing mo kanina ah." Sabi ni Cy. "Hi love." Bati ko kay Deanna at niyakap ito. "Grabe! Ako yung unang nagsalita pero yung nasa likod ko yung kinausap." Rinig kong sabi ni Cy kaya hinampas ko ito sa balikat. Hinalikan ako ni Deanna sa left cheek pagtapos ay inakbayan ako. "Uy kuya Cy! Hatid muna ko sa ust, kakausapin daw ako ni Coach Reyes." "Oh siya Jema ihahatid ko na 'tong maganda mong kapatid. Mag-iingat kayo, enjoy!" Umalis na sila sa aming harapan, hinarap ko naman si Deanna. "Let's go?" Tumango ito at pinagbuksan ako nang pinto. "Tahimik mo ata." Sabi ko dito at hinawakan ang kamay niya. "Tahimik naman talaga ako." Sabi niya. "Hm . . Saan tayo pupunta?" Tanong ko at yumakap sa braso nito. "Nagugutom kana ba?" "Hindi pa naman." Sagot ko. "Punta tayo sa manila zoo?" "Hm . . Cge." Tagal ko na rin hindi nakaka-punta ng manila zoo, huling punta ko ata dun nung eleven yearsold pa ko. Unang pinuntahan namin sa loob ng manila zoo ay yung unggoy. "Love ikaw oh." "Mukha ba kong unggoy?" She asked kaya tumawa ako. "Joke lang." Sabay peace ko. Next na pinuntahan namin ay yung ahas, nagpa-picture pa kami. Hehehe! Remembrance, first monthsary namin 'to eh kaya dapat meron remembrance. THANKS FOR READING MY STORY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD