KUNG si Ate Shaleng ay maagang umalis ng unit, si Sir JC naman ay maagang umuwi. Mga thirty minutes pa lang yata pagkaalis ng cook ay dumating na ito. Kung hindi lang si Ate Shaleng agad ang hinanap ni Sir JC pagkapasok sa unit, naisip ni Lenlen na baka nagkasalubong pa sa lobby ang dalawa. Karga niya si JD at nanonood sila ng educational videos nang maabutan ni Sir JC. "Umalis ng five PM, Sir," sagot ni Lenlen sa tanong nito. "Walang iniwang message para sainyo." Siya ang ginagawang messenger ng cook dati. Mas madalas ay tungkol sa cash advance ang message kay Sir JC. "Ano'ng oras papasok bukas?" si Sir JC na naupo sa tabi niya. Tahimik na kinuha si JD at kinarga. "Wala ring sinabi, Sir JC." Nasa TV ang mga mata ni Lenlen. Pagkaalis pa lang ni Ate Shaleng, buo na ang desisyon ni Lenle

