"BAKIT ako, Ser? Si Lenlen ang laging nandito. Siya rin ang nagpapapasok sa bahay n'yo ng ibang tao. Matagal na ba niyang kilala 'yon? Ako, sa tagal ko sainyo, wala akong ibang taong pinapasok dito," at umiyak na si Ate Shaleng. "Hindi ko sinabing ikaw, Shaleng. Naghahanap ako ng sagot kaya nag-uusap tayong tatlo ngayon," pantay na sabi ni Sir JC. "Nagtatanong ako, hindi nagbibintang." Lampas nine AM na, nasa bahay pa rin si Sir JC. Hindi na makaalis dahil nawawala ang rolex watch. Mukha hindi ito aalis ng bahay na walang nakukuhang malinaw na sagot. Nasa sala kanina si Lenlen at abala sa pagsubo kay JD nang tawagin siya ni Sir JC. Si Ate Shaleng naman na nasa kusina at abala sa paghahanda ng lulutuin, inutusan nitong sumunod agad sa kuwarto. Pagkapasok nilang dalawa, siya ang unang tin

