Kinagabihan nagluto na nga ng hapunan nila si Tyler habang si Sab naman ay naglilinis ng bahay. Hindi naman ganun kalakihan ang bahay ni Tyler pero May tamang garahe at May sala para sa mga bisita.
Nagkukwentuhan naman sila habang ginagawa ang gawain nila
" Tyler bakit pala hindi ka pa nag asawa ei anim na taon na si Zeth Siguro naman meron ka namang natitipuhan kahit papano diba?." tanong niya dito
" meron din naman Sab, pero ikaw yata ang destiny ko?."
" naniniwala ka pala sa destiny"
" kung nag asawa ako noon., Siguro mas maganda pa sayo at marunong sa gawaing bahay!,!" wika nito
" nang iinsulto ka?" maangas na tanong ni Sab
" sinagot ko lang naman ang tanong mo!"Tyler
" ei seryoso nga ako sa tanong ko"
"gusto mo talaga malaman?" tyler
"oo" matipid na wika ni sab
"ayaw ni Zeth sa pinapakilala ko sa kanya. Ikaw lang yata ang nakagaanan niya ng loob, paano parehas kayo na mga bata pa
isip!" nainis naman si Sab sa sinabi nito
" bata mag isip pala ha! wag ka lalandi sa akin hah!" binato niya ito ng labahan na damit.
"kainin mo yang niluto mo!" nakasimangot na sabi ni Sab.
" ito naman biro lang ei!"
" biro nga sayo ei sa akin parang sinabi mo na wala akong alam sa mundo ah!"
" sorry na nga!" Tyler
"tse!" at nagpatuloy ito sa pagliligpit ng sofa ng matapos na ay umupo siya sa mesa. Habang si Tyler naman ay nag gigisa ng sauce para pasta.
Nakaisip naman ng kalokohan si Sab. lumapit ito kay Tyler. Niyakap niya si Tyler mula sa likod nito. Inamoy amoy niya ito at pinasadahan ng kamay ang dibdib nito pababa sa Six packs abs nito.
" hmmm... ang dami namang abs."
" umalis ka Jaan Sab. nagluluto ako" pagtataboy nito kay Sab
"ano ngayon kung nagluluto ka?"
" nagugutom na ako kaya umalis ka muna Jaan." hindi naman nagpapigil si Sab. Habang hinahalo nito ang nilulutong sauce ay hinalikan niya sa labi si Tyler smack kiss lang naman baka kasi matapunan siya ng niluluto nito.
"Sabi ko umupo ka na muna! wag ka nga makulit!!" naaasar na ito sa kanya
"okay uupo na nga" wika ni Sab na nababagay ang ngiting tagumpay sa labi nito. Nagmamadali na si Tyler hinugasan na niya ang pasta para maihalo na sa sauce nito.
" tulungan kita?" pagkukusa ni Sab
" wag na nga umupo ka na lang Jan pwde ba wag ka magulo?"
" ginugulo ba kita?"
" ay hindi Sab, ang bait mo nga ei!" pagtanggi naman nito. Niyakap niya uli ito mula sa likod
" sige magpapakabait na ko mahal kong irog!" napatawa naman si Tyler sa tinuran niya
" bakit ka napatawa?"
" paano? napakamakaluma naman niyang sinabi mo irog? hindi ba sinisinta ko?" sabay silang napatawa
habang tumatawa si Tyler ay pinaghahalo na nito ang pasta at sauce.
" wow ang sarap naman niyan! saan ka natuto niyan sinisinta ko?" at nagtawanan na naman sila.
Pagkatapos nito maihanda ay magkatabi na silang umupo at kumain sinusubuan siya ni Tyler.
"teka kuha muna ko ng tubig baka mabulunan tayo!" wika ni Sab Pagkabalik nito ay hindi na ito sa upuan umupo kundi sa kandungan ni Tyler, napatigil naman ng pagsubo ang huli. Pinaglambitin ni Sab ang dalawang kamay sa leeg niya at hinalikan siya sa labi.
" kumokuon tuyo Sab! reklamo nito sa kanya na hindi mabigkas ng maayos ang mga salita
" alam ko" nagpatuloy lang ito sa ginagawa.
" pumikit si Tyler sa inakalang hahalikan uli siya ni Sab pero hindi. ang isa pala ay tinititigan lamang siya ng didilat na sana siya ay muli siya nitong hinalikan. Hinawakan nito ang Kaha***n niya. na nagising na.. Nagmulat ng mata si Tyler nakita niya si Sab na tawa ng tawa.
" bakit ka tumatawa?" tanong niya rito
"bakit bawal ba tumawa?"
" ikaw maluko ka ha! " halika dito pinagkikiliti siya nito sa beywang humagalpak na naman siya ng tawa
" tama na Tyler. kain na tayooo!!!"
Niyakap na lamang siya ng huli at nagpatuloy sila sa pagkain.
Nang matapos na ay ngtootbrush na sila ng sabay natulog na nag alarm naman si Tyler para bukas ng madaling araw kailangan maaga pa sila makaalis bukas. Nakahiga na sila ng magtanong si Tyler
" Sab, pakasal tayo? payag ka?"
" kailangan ba magpakasal?" humihikab na ito kaya niyakap niya ito ng mahigpit.
" Nais ko lang ng may kasiguraduhan na hindi mo ko iiwan" ani Tyler
" depende sigurado. hindi mo ko tatakbuhan niyan?"
" so payag ka na magpakasal tayo?"
" bakit hindi diba?" at tuluyan na ngang pumikit ang mga mata nito.
" sigurado ka ba?" wala nang narinig na sagot si Tyler nang tingnan niya ay nakatulog na pala ito. Kaya niyakap na lamang niya ito ng mahigpit at sabay na silang nakatulog.
Sana ganito na lamang tayo lagi Sab. Hindi ako papayag na makuha ka ni Lucas sa akin at tuluyan nang pumikit ang mga mata niya.
Kinabukasan
ay ginising ni Tyler si Sab. para mag ayos na. Inakala naman ni Sab na ibang tao ang kaharap niya ngayon dahil sa porma ni Tyler Naka Jag maong jeans ito na pinaresan ng pulo na puti na pumuputok ang muscle nito sa braso. Napabalikwas ng tayo si Sab. Napatingin siya ng maigi kay Tyler Nananaginip ba siya? parang napakaguwapo naman yata nito ngayon? siguro nga panaginip lang iyon kaya natulog uli siya?
" Sab dali na, magkape ka muna bago tayo umalis." napabalikwas siya ng Oo nga pala aalis sila ngayon. Naghikab siya at nag una't ng kamay hinanap kaagad niya si Tyler pero wala na ito sa tabi niya.
Inayos na niya ang higaan nila at pumunta ng kusina banyo para mag mumog. Pagkatapos niyon ay narinig niya si Tyler.
"Sab, bangon na kasi at aalis na tayo!." tawag. nito sa kanya
Paglabas nang banyo ay napakurap kurap uli siya. papalapit sakanya ang gwapong lalaki wala itong balbas. Napanganga siya habang nakatitig dito.
" itikom mo yan baka mapasukan ng langaw!" sambit nito. Tiningnan niya ang kabuuan nito. Hinawakan niya ito sa pisngi at kinurot ito, totoo ka ba? nasaan si Tyler at May tiningnan siya sa likuran nito.
" ako lang to Sab, Tara aalis na tayo. nainom mo na ba ang kape Mo." bumalik lang siya sa katinuan ng buhatin siya nito
" hindi hindi na, ibaba mo ko naniniwala na Akong si Tyler ka.! " sambit ni Sab
Kukuha lang ako ng jacket.
" nasa akin na. Tara na Sab at maaabutan tayo ng traffic mamaya."
" okay!" maikling sagot niya.