Mula sa Hacienda ay lutang pa rin si Sabrina kaya ang sakit ng ulo ay itinulog na lamang niya 5 oras din ang magiging byahe nila... Lumingon siya sa driver seat. umiling iling niya ang ulo niya. Natitig talaga siya ng mabuti kay Tyler. Gwapo pala ito kapag walang bigote. at nakapagpagupit nang buhok. Kung kaklase ito nang kuya Jerick niya. Bakit ngayon lang niya ito napansin? Umupo siya ng tuwid at kinausap ang driver.
" Mamang driver nasaan po si Tyler?" lihim ang ngiting tinanong niya ito
" Sabrina tumigil ka nasa daan tayo." seryosong turan ni Tyler. Hindi na niya napigilan ang sarili
" May ganyang kaguwapuhan ka palang tinataglay Tyler bakit ngayon lang kita napansin?"
" sa iba ka lang kasi nakatuon ang pansin mo."
"ganun ba yon? siguro dahil matanda ka na ei." biro niya dito hindi naman ito umimik
" May madadaanan tayo mamaya na fast food chain order na lang tayo. Baka gutumin ka." pahayag nito
" okay lang ako, May kasama akong gwapo ngayon kaya pakiramdam ko busog na busog ako!" tumingin siya kay Tyler na seryoso sa daan. Pero napuna niya na ngumiti ito kahit papaano..
"saan pala ng punta natin? saan ang photo shoot niyo? sa Shangri-La daw ang tutuluyan nating hotel. May lilinawin pala ako sayo Sab?"
" ano yon?" kuryusong tanong niya sa kausap
" Nagseselos ka ba?"tanong nito
"ako? hindi pa naman bakit mo natanong?"
" kasi narinig mo to g sinabi ni Sir Calvez diba?"
"ayos lang ako wag mo ko alalahanin" panigurado ni Sab.
" Okay pero kung may magiging problema sabihan mo na lang ako." saglit itong lumingon sa kanya
" nag thumbs up naman siya dito"
at nagpatuloy na sila sa byahe. Habang nasa byahe sila. Lingid sa kaalaman nila ay May manakasunod sa kanila sa di kalayuan. ....
Lucas POV
" May relasyon nga kayong dalawa.
Anim na taon Sabrina. Para akong baliw na kakahanap sa iyo. Nandito ka lang palang sa Hda. De Villa. at Tyler matagal mo ding itinago si Sab sa akin." Mangiyak ngiyak na sambit ni Lucas. Puno ng pait ang boses nito.
Nagpapasalamat ako kay Jerick na naikakasal na, nagsilbi siyang angel par sa akin at sa ating tatlo Sab, Matagal din akong niloko ni Tyler. ang batang lagi niyang kasama ay anak pala natin, mag antay lang kayong dalawa Kapag napatunayan kong ang anak ko si Zeth kukunin ko siya sa inyo."
Sambit nito na hindi na makapaghintay sa susunod na mangyayari.
Kailangan niya makausap si Clarisse or asa gagawin niyang plano. Ang una ay kukuha siya ng DNA test samples ni Zeth si Clarisse n ng bahalan doon.. Pero kinakabahan siya sa possibleng mangyayari. Si Clarisse ay patay na patay sa kanya baka maging sagabal ito sa magiging plano niya.. Ilang oras din ang ibiniyahe niya para lamang matyempuhan si Sab. May Tatlong oras na ang lumipas nang huminto muna saglit ang kotse nila Tyler sa isang fas food chain kaya huminto din muna siya. Pagkatapos bumili ni Sab ay siya na ang pumalit sa driver set ito yata ang magmamaneho. Nang makaalis na ay pinaharurot niya ang sasakyan para lampasan ang dalawa. walang lingon lingon ay nag overtake siya sa dalawa.. Mahalata ang pagkagulat sa mukha ni Sab.. Talagang sinadya nya iyon para mapansin siya ng mga ito. Nang makalagpas na ay nagpatuloy lamang siya sa pagmananeho. Dediretso siya ngayon sa kaibigan niya na Abogado. kakausapin niya ito tungkol sa gagawing pag papa DNA kay Zeth.. Pero bago iyon uuwi muna siya sa bhay niya para makapagpahinga, matulog at makakain.
Samantala huminto muna sila Tyler at Sab sa kalsada dahil namutla si Sab dahil sa nag overtake sa kanila napakabilis ng takbo nito nawala sa focus si Sab at muntikan pa silang madisgrasya.
" Sab okay ka lang ba?" niyakap niya ito at pinipisil pisil ang kamay nito
" sira ulong yon! gusto yatang magpakamatay!!!" galit na wika ni Tyler ng mahimasmasan na si Sab ay pinainom niya ito ng tubig
"Sabihin mo sa akin . anong nararamdaman mo?" Pag aalala nito
" Si Lucas, Tyler siya Yong nagmamaneho nung dumaang sasakyan!" nanginginig din ang mga kamay nito. "
"ssssh sigurado ka?" tanong niya dito
"Siya talaga ang nakita ko Tyler!" ambot ni Sab
" Sssh tahan na, wala na siya kung siya man Yong nakita mo. Wala na" pagpapakalma ni Tyler sa kanya.
" ako na muna ang nagda-drive. Kailngan na din natin makarating ng maaga sa Hotel para makapagpahinga ka." Nag aalala man para kay Sab ay Itinuon ni Tyler ang pansin sa pagmamaneho. Mas binilisan na niya. Alas Syete ng umaga ay nasa Maynila na sila. May kaonti mang trafic ay kay pang makarating sa Hotel ng alas Otso. Tiningnan niya si Sab tulog ito. Tumunog ang celphone niya. Sinagot niya iyon ng makitang numero iyon ni Mister Calvez.
" hello po Mister Calvez,!"
"yes po actually nasa Manila na po ko baka Nanjan na po ako around 8 o'clock, Yes po. Okay salamat po!" pagkatapos ng tawag ay pinaandar n niya uli ang sasakyan. Ginising naman niya si Sab.
" Sab gising ka na malapit na tayo sa hotel" gising niya dito
" Good morning" bati nito habang nakatingin sa kanya ng maigi.
" kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya dito.
" okay naman na ako!" nasa Maynila na pala tayo! daan tayo kanila kuya?"
" pag May bakanteng oras o pag uwi natin"
"sige, nakakamis pala ang traffic na ganito doon sa hda. nababagot na ako."
" paano nagkukulong ka lang sa bahay ko"
" oo nga ano?" sang ayon naman nito
" malapit na pala tayo sa hotel Tyler. hmmm maganda siguro doon. Aba! sosyalin ang pig ko ngayon sa hotel ako ng tatlong araw. " kinikilig pa na sambit nito.
" malapit na tayo nagugutom ka ba? doon na tayo kakain kakatawag lang ng manager ko!"
" oo para akong biglang ginutom"
15 minutes later ay nasa hotel na sila,
ang mga receptionist ay nakatingin kay Tyler at nagpapacute cute na dito. Tiningnan lang niya ang mga ito nag biglang magsalita si Tyler
" miss May ID ba kayo para sa visitor. May kasama kasi ako, she will be staying in my room for 3 days. Nakita niyang bumulong ang isa sa mga receptionist
" ay mag girlfriend na pala.!"
"baka Naka babatang kapatid parang hawig naman sila ei"
" sige na bigay mo na Yong visitors ID."
" ito po sir!"
" thank you!" pagpapasalamat ni Tyler sa mga ito.
Habang naglalakad naman ay tinukso niya ang isa
" Tyler ang gaganda naman nila ano?" wika niya dito
" mas maganda ka pa sa kanila! sila lalong gumanda kasi ng make up."
" mag make up din kaya ako?"
" pwde mo itry, baka lalo pa akong mahulog sayo!" kinikilig na wika nito
" tse! nambobola ka na naman." anong number ba ang room mo?"
"#348!" basa ni SAb!!
nang makarating na ay tinawagan agad ni Tyler ang manager niya.
"sir nandito na po kami sa room ko!
" kayo! May kasama ka. Tyler?" Baki hindi mo sinabi sa akin na May kasama ka pala! " sige po mag aayos muna kami sir nang gamit namin lalabas na lamang po kami mamaya.