Masayang naglalakad sina Tyler at Sab sa kwarto nila nang May humarang sa kanila na nakatakip ang mukha at binangga ang balikat ni Tyler.
"sir okay lang po ba kayo?" tanong ni Tyler
"Sorry bro" banggit nito at naglakad na parang lasing. magsasalita pa sana si Tyler nang pinigilan siya Sab
" Lasing yon Tyler, hayaan mo na lang" giit nito
" parang hindi naman ang lawak nang daan oh!"
" sssh tama na, akyat na tayo" napalingon pa ng isang si Tyler sa lalaki ngunit wala na ito. Kaya naisip niyang tama si Sab wag nalang patulan.
Habang nagpatuloy sila sa paglalakad ang may tatlong lalaki pa silang nakasalubong sa isang minuto lang nawalan ng malay si Tyler naiwan siyang nakahiga sa sahig samantalang si Sab ay nilagyan ng panyo sa bibig at nawalan din ng malay kinuha siya ng tatlong lalaki.
Nagising naman si Tyler ng makarinig siya ng ingay sa paligid niya.
"ahhh! ang sakit ng ulo ko!' sabay hanap kay Sab nang hindi niya ito makita ay nataranta siya. nakita niya si Mr. Calvez
" Mister Calvez nakita mo po ba si Sab?" tanong niya dito
" hindi Tyler diba magkasama kayo kanina?"
" oo pero", inalala niya ang nangyari kanina
" May nakabangga akong isang lalaki at sunod ay ang tatlong lalaki."
" naku! baka kinidnap si Sab!" gulat na sambit nito
" sa cctv, kailangan natin makita kong tama ang hinala ko Mr Calvez!" Nagpanic na si Tyler Tinawagan niya agad si Jerick
ngunit ilang tawag na ang ginawa niya ay nagriring lamang ito.
" sh*t , Jerick sagutin mo!"
sunod na tinawagan niya sa hda.
"kring, kring, kring!"
" hello apo napatawag ka yata?"
lola nawawala po si Sab May dumikot sa kanya dito sa hotel!" garalgal ang boses niya
"apo! baka umalis LNG kong saan si Sab apo!" pagpapakalma ni Abueva sa kanya!
" si Zeth po lola, Nanjan LNG po ba?"
" wala apo umalis sila pumunta sa bayan kasama ang yaya nito"
" lola nasa peligro ngayon ang dalawa. baka si Lucas ang may pakana nito. maganda pa po siguro kung pauwiin mo n po si Zeth!"
" sige apo, tatawagan ko na ang yay nito! tatawag ako agad!"
" okay po lola!"
MANSION/ HDA. DE VILLA
Hinihingal na dumating ang yaya ni Zeth sa mansion sa Gate pa lamang ay umiiyak ng ito
" Senyora!,senyora, patawad po! Tyler sir sorry po!" Sambit nito ng biglang tumunog ang cellphone nito sa bulsa niya .Nabitawan niya ito ng makitang numero ito ng senyora. Hindi na niya ito pinulot at tumakbo na papunta sa kwarto ng senyora. Pagkadating niya doon ay iyak ito ng iyak
" huminga ka muna! aling Norma anong nangyari sa iyo? at nasaan si Zeth?" nangangamba na din ito
" kasi po dinukot si Senyorito Zeth ng apat na lalaki. naglalaro lang po kami saglit sa nadaanan naming parke tapos bumili lamang po kami ng ice cream ng biglang pinagdadampot nila si Senyorito at ako isinakay po kami sa sasakyan nila ngunit ako po ay iniwan nila Jaan lang po sa labasan senyora."pag sasakay nito
" naku tama nga si Tyler kailangan ko n siyang tawagan, halika muna sa sala!" tinawag naman nito ang ibang katulong at inutusang kuhanan ng tubig ang yaya ni Zeth.
"" apo, umiiyak na din ng senyora!. Tyler pati si Zeth ay kinuha nga ni Lucas! ang kawawa kong apo!."
"lola, tatawag n po ko sa mga pulis."
"tama yan apo. Sana ay wag nilang saktan ng dalawa.!" umiiyak na wika nito
Samantala nagising si Sabrina dahil sa iyak ng bata.Pagkabangon niya si Zeth iyon. Niyakap niya ito at pintahan
" ssshhh Zeth wag ka na umiyak.!andito si Tita Sab." niyakap niya ito hanggang tumahan na. Tiningnan niya ang paligid nasa isang kwarto sila. pero wala namang bintana. Kinarga niya si Zeth na humihikbi pa ng kaonti.
" nasaan kaya tayo?"
" i don't know tita! I want to see papa.!" sssh. " hahanapin tayo ng papa mo. wag ka lang matakot ha kasama mo naman ako,okay"
"okay!" mabilis na sagot nito ng ikot ikot siya my closet doon pinakatitigan niya ang mga gamit na naroroon,
"mga damit ko to ah! paano ako napunta dito? at May nakita din siyang bag. "teka ito Yong bag na ibinigay sa akin noon ni Lucas hindi kaya kinidnap niya kami?" napamura siya
" sh*t! bakit kami nandito? bahay to ni Lucas! naalala ko na! ang walang hiyang iyon?" Pumunta siya sa pinto ng kwarto g iyon at nagsisigaw!
" Lucas palabasin mo kami ni Zeth!" ilang pagkalampag pa ang ginawa niya bago May bumukas sa pintuan napaatras siya. Bumungad sa harap niya si Lucas at May malaking ngiti sa mga labi nito!
" Sa wakas nagkita kita din tayo isang pamilya?" wika nito. Umalingawngaw naman iyon sa tenga ni Sab?
" i-isang pamilya? nababaliw ka Lucas!, pwede ba i uwi mo na kami sa mansion hindi mgandang biro ang sabihin mong pamilya tayo!" sigaw ni Sab
" mukhang malaki na ipinagbago mo Sab, matapang ka na ngayon ah.!" lumapit ito sa kanya at pinasadahan ng likod ng kamay nito sa pisngi niya!
" at malaki na din ang ipinagbago ng katawan mo!Nagsawa sawa talaga si Tyler sayo.!"
tahimik lamang na nakikinig si Sab dito
"kung hindi ka niya itinago sa akin ngayon sana magkasama pa tayo dito ngayon at malamang kasal na tayo ngayon!. Hindi sana ako nagdusa ng anim na taon sa kakahanap sa inyo!" giit nito
" hindi niya ako itinago Lucas!" at kung iniisip mo na anak mo si Zeth nagkakamali ka! noong araw na nahuli kitang May kausap na iba!." umiiyak na si Sab at narinig ko ang pag uusap ninyo!" n gusto mong milaglag ng batang dinadala ko!" tumahimik ito habang nakayuko ng ulo
" oo inaamin ko na gusto ko Yong gawin! at Oo na May kausap ako noon pero iniwanan ko na yon bumalik sa kwarto natin. pero Pagkadating ko doon nakita kitang buhat buhat ni Tyler! tingin mo Sab! kung ikaw ng mas sitwasyon ko hindi ka ba magagalit?!" singhal uli nito sa kanya. samantala si Zeth naman ay napaiyak sa pagsigaw ni Lucas. Binalingan naman ito ni Lucas. Ikaw tumahimik ka wag n huwag kang iiyak dito!! naintindihan mo?" dinuro duro pa nito si Zeth kaya lalo itong umiyak..
" patahanin mo yan! nakakairita kanina pa ang iyak niyan!!!" sigaw nito
" hindi mo anak si Zeth Lucas nahihibang ka na!" lumingon ito sa kanya
"malalaman natin yan pagdating ng DNA nating tatlo!" sigaw nito! " pinlano niya pala ito para ipa DNA kaming tatlo. " karga karga niya si Zeth habang pinapatahan ito.
" he is not my papa, right tita Sab?" tanong nitong
" yes baby hindi siya ang papa mo!, gutom ka na ba?" tumango naman ito
" look there oh! May pagkain sa maliit na lamesa" pinakain niya ito hanggang mabusog ang bata pagkatapos kumain ay nilinisan niya ito sa CR at pinatulog!