LUCAS POV
"Aminado ako na noong College ako ay napakaloko ko sa babae, basta lumapit sa akin wala akong tinatanggihan kahit May asawa pinatulan ko parin. Nasa Cebu ako nagbabakasyon, nagrerebelde kasi ako sa mga magulang ko. Sa isang sikat na hotel ako noon. wala akong ginawa kundi mag inom, magpakaaliw sa mga babae. dahil naisip ko ano ang gagawin ko sa perang meron ako kong hindi ko i enjoy ang buhay ko! nasa maliit na bar ako noon ng makita ko ang isang babae na nagpapakalasing din umupo ako sa tabi niya. Hanggang sa magkwento ito sa nangyari sa buhay niya, nag inom kami hanggang malasing. maaga pa lamang ay lasing na kaming dalaw. Niyaya ko siya sa room ko at doon kami nagpakasaya, nagpakasasa sa sarili hanggang makatulog kami. Mag aalalas Diyes noon nang tumawag si mama sa akin. nais daw akong kausapin ni papa dahil hindi na ako pumapasok sa eskwela isang taon na lang daw sana tapusin ko na ang pag aaral ko at bahala na daw ako sa buhay ko. Sa galit ko ay napasigaw ako! nagising naman ang babaeng nasa kama ko, sinabi ko sa kanyang aalis ako kaya ihahatid ko na siya sa room niya. agad kaming nagbihis na dalawa. Hindi naman kalayuan ang room niya kaya naihatid ko siya kaagad.Pagkapasok namin ay agad kaming naghalikan. Sa hindi inaasahan biglang bumukas ang ang pinto ng room niya at iniluwa niyong ang isang lalaki hindi ko namukhaan, lalo na nang pagsusuntukin ako nito. Hindi pa ito nagsawa sa kakasuntok sa akin ng sabihin nito
" lumabas ka dito habang nagtitimpi pa ako! hayop!"
Dali dali akong tumayo kaso natumba ako. Kinaladkad ako nito sa labas, itinulak ako sa May pinto. At pabalibag na isinara iyon.. Habang nasa labas ako ay marami ang nakatingin sa akin mayroon pang nagmagandang loob pero hindi ko iyon hinayaan, nakarating ako sa kwarto ko na duguan ang aking mukha kaya naligo ako. Pagkatapos maglinis ay inayos ko na ang mga damit ko at paika ilang dumeretso sa main lobby para isauli ang susi.. May gusto pa sana itong sabihin pero umalis na ako... Sa di kalayuan naman ay nakita ko si Tyler na kakasakay lamang sa taxi.Pumara na din ako ng taxi para magpahatid na din ng airport. Hindi ko alam na nandito din pala siya... Pagkadating ko ng bahay sa Manila ay kinausap ako ni papa. tama nga si mama.Ang gusto nito ay makapagtapos lang ako ng pag aaral.. pagkatapos naming mag usap ni papa ay nagpakatino nga ako. Ilang buwan ang lumipas nakilala ko si Sab. Kapatid ni Jerick. Sa kanya na umikot ang mundo ko. Kaya ng May pagkakataon ako kinuha ko na ang loob niya. Isang gabi ng nagyaya ang mga kaklase ko na mag celebrate. Kinuha ko ang loob niya hanggang sa maging kami nga at May nangyari sa amin... Linggo at buwan ang lumipas nagimbal ako sa sinabi niyang buntis siya. Hindi ko napaghandaan iyon. Ni hindi ko na maalala kong bakit kami bumabyahe ngayon. Unang pumasok sa isip ko nangako at kanila papa na magtatapos ako at kukuha ng masteral isang taon na lang. Hindi pa talaga ako handa sa baby.
"Sab, ganito hindi pa tayo handa para diyan!" bungad ko kay Sab ng dumating kami sa hotel.
" Lucas alam na ito ni mama at papa, sa katunayan umalis ako doon kasi pinalayas ako ni papa!. gusto ko din makapagtapos sana. Pero naguguluhan na ako Lucas!!" umiiyak na si Sab habang binabanggit niya ito. Hinawakan ko siya sa mga balikat niya at
" Sab gaya ng sabi ko pwde pa tayong gumawa ng madami niyan basta nakapagtapos na tayo o di kaya kapag stable na ang mga pagkukunan natin ng pangangailangan natin. Oo May pera ang mga magulang ko per ayoko umasa sa kanila!" paliwanag ko
" Lucas, anak mo din naman to ei!" Pagmamakaawa ni Sab sa akin
" Ayoko muna tala niyan Sab. !" giit ko sa kanya. At lumabas na ako ng room namin. Lingid sa kaalaman ni Sab ay umalis ako pumunta ako sa malapit na bar doon May nakilala akong babae. Na-enjoy kami hanggang malasing, lagpas alas kwarto na noon madaling araw. Niyaya ko si Clarisse na pumunta sa hotel kung saan naroroon din si Sab. Kukuha na sana ako ng isa pang kwarto para sa amin ng magbago ang isip ko kaya nag usap kami sa baba.
"dito lang ba tayo sa labas?" tanong niya sa akin
" hi-hindi kukuha tayo ng isa pang room!" Turan ko sa kanya
" ano pa ang hinihintay natin?"nagmamadali na ito
samantala sa di kalayuan sa pwesto namin natanaw ko si Sab na dala dala ang bag niya kaya naisip ko
" kung nais niyang ituloy ang dinadala niya bahala siya basta ako ayoko pa ng responsibilidad" sa isip isip ko kaya nang malapit na siya sa pwesto namin sinabi ko kay Clarisse na nabuntis ko si Sab. dito naman uminit ang ulo niya
"paano yan? buntis na si Sab sigurado pipilitin ka niyang magpakasal, ano na pala ang labas ko niyan isang kabit?"
"pipilitin ko siyang ipaabort ang dinadala niya kapag ginawa niya yon, sisisihin ko siya bat niya ginawa yon at hihiwalayan ko na siya." Nakita ko ang bulto ni Sab na nakikinig sa amin. Mabuti nga iyon! Nakita ko din siya sa di kalayuan na nag lalakad na papuntang gate. Kaya niyaya ko si Clarisse na umakyat na sa kwarto namin. Pagkadating doon hinawi ko ang kurtina at at tiningnan si Sab. Nang malapit na siya sa b****a ng hotel May isang lalaki g naka-hood na nakabangga siya. Inalo siya nito sa pag iyak maya maya pa ang bumagsak si Sab. Nakita ko ang lahat, tinanggal ng lalaki ang hood niya! Doon nakita ko ang mukha niya!
"Lintik na Tyler bat napunta yan dito!" lalabas pa sana ako ng room ng makita ako ni Clarisse kakalabas lamang nito ng banyo at walang saplot sa inis ko mas pinili ko ang hindi umalis. Sa galit ko kay at Sab ay pinili ko na lamang na maspakasaya!"
REALIDAD
natigil ako sa pagbabalik tanaw ng makita ko sa monitor na naghahalungkat si Sab sa closet ko. Alam ko marami pa siyang gamit doon. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Kung hindi dahil kay Tyler siguro walang May nangyari sa amin ni Clarisse, hindi sana ako nakatali sa kanya ngayon, Labis ang pagsisisi ko noon
"anim na taon, hindi kita mahanap hanap Sab! ngayon hindi naman kita pwedeng angkinin at alam ko asawa mo na si Tyler at ako din ay nakatali na kay Clarisse, pero mapatunayan ko lang na anak ko si Zeth kukuhanin ko siya sa inyo!!"