TYLERS POV
Araw ngayon ng Sabado maaga akong pumunta sa mansion para magpaalm muna sa anak ko bago ako umalis bukas. Naisipan kong lumabas ng hacienda para bumili ng pang meryenda namin mamaya at ulam, gusto ko sanang isama si Sab ngunit pero tulog pa ito. Kaya mamaya na lamang kami pupunta sa hacienda
Nang malapit na ako sa May guwardiya ay nakita kong May kausap si kuya guard sa labas. Nung una hindi ko makilala ang lalaki Pero nung huli ay nakilala kong si Lance ito kaya lumapit ako sa kanila. "Kuya Guard kamuzta po?
" sir magandang umaga, Ito Pong si Sir kasi kanina pa po ako pinipilit na papasukin ko daw po siya Dahil kaibigan daw po siya ni Sir Tyler.. Ganun po ba? ako na po ang kakausap paglapit niya dito ay agad niya itong tinanong.
" Kamuzta po mister, ano po sana ang sadya natin?" tanung niya dito.
Pag angat Nino ng mukha ay maaamoy niya dito na amoy alak ito.
" gusto kong makausap Si Tyler!" wika ni Lucas
" bakit naman! tsaka lasing kayo, sana dumeretso ka na lamang sa bahay ninyo at magpahinga!" paliwanag dito ni Tyler dahil sa kalasingan ay hindi nito nakilala si Tyler
" hindi ako aalis dito hanggang hindi ko siya nakakausap" matigas parin na pagkasabi nito
"papayagan kita kong hindi ka lasing Lucas!" pagkarinig naman ng huli ay iniangat nito ang mukha at inaninag kung sino ang kausap.kinuweluhan niya si Tyler sa leeg
" Nasaan si Sab?, matagal ko siyang hinanap pero nandito lang pala siya sa inyo!"
"hindi ko alam ang sinasabi mo Lucas kong ako sayo uuwi na ako habang nakakapagtimpi pa ako sayo.Pumunta ka lang dito para nag-eskandalo!" Tyler
"Ilabas mo si Sab at mag uusap kami!"
" wala dito si Sabrina! Kaya umuwi ka na!" pagkasabi niyon ay inutusan na ni Tyler ang guwardiya na ipaalam sa karelyebo nito na huwag na huwag papasukin si Lucas at umalis na siya papunta sa bahay niya. Nagmadali siyang pumunta doon para makausap ito pero wala naman doon Sab pati sasakyan niya ay wala din. dali dali niya idinial ang numero nito. nakailang ring pa ang ginawa niya bago nito sinagot!
" hello Tyler? napatawag ka?" tanong nito
" nasaan ka Sab?."
"umalis saglit pinasundo ako ng Senyora pumunta daw muna ako sa Mansion?"
pagkatapos mag usap sa telepono ay agad na tinahak niya ang daan papunta sa mansion. Pinabilib niya ang takbo ng kabayo niya.
Pagkadating doon ay niyang ipinasok sa kwarta nito iyon at patakbong pumasok sa mansion. Nakita naman niya agad sa sala ang dalawa na nag uusap katabi nito si Zeth. Pagkakita naman nila sa kaniya ay agad siyang binati
" papa!" tumatakbo ito palapit sa kanya at agad siyang niyakap at hinalik halikan sa pisngi
" papa! halika po alam mo po ba? magaling po pala mag games si tita Sab. inubos po namin ang mga zombie!" tukoy nito sa nilalaro
" talaga?" at binuhat na niya si Zeth palapit sa dalawang nag uusap
Nagmano siya sa Senyora at hinalikan sa pisngi
" o apo dito na kayo mag agahan nagpaluto na ako"
" okay po lola"at umupo na sa tabi ni SabTinawag muna niya ang tagapag alaga ni Zeth
" ate pasuyo muna kay Zeth May pag uusapan lamang po kami?"
" Zeth anak mamaya muna tayo mag Pi play ha May pag uusapan lamang kami." tumango naman ito lumapit na sa taga pag alaga niya
" by the way lola, May sasabihin sana ako sa inyo about po kay Lucas?" tumingin sa kanya ang dalawa na nagtataka ang mga mukha
" anong tungkol naman kay Lucas apo?" tanong nito sa kanya
"kanina lang po kasi nasa labas siya at hinahanap sa akin si Sab"
hinawakan niya ang kamay ni Sab habang nagsasalita
" mukhang naghahanap po ng gulo! Pero wag kayong mag alala aayusin ko po ito. tatawagan ko po muna si Jeric" magsasalita sana si Sab pero pinutol ito ni Tyler, minamasahe niya ang kamay nito na hawak niya.
" sino naman itong Lucas apo?" tanong ng matanda
" kaklase po namin siya Jeric noong college"
" bakit naman niya hinahanap itong si Sab?" pinnlakihan sila nito ng mga mata
" boyfriend mo ba siya iha?" si Sab naman ang tinanong niya
"hindi na po lola ex ko na po siya!"sagot naman nito
" ei bakit ka pa niya hinahanap, naku baka hindi nun matanggap ni nakipaghiwalay ka sa kanya?"
" matagal na po kaming naghiwalay lola 6 years na po"
" aba eh napakatagal na pala! nakausap mo ba siya apo, Tyler?"
"opo, lasing po siya kaya pinauwi ko na. malamang magdamag na nag iinom yon!
girlfriend non si Clarisse hindi ko ng alam bakit hinahanap pa niya itong si Sab!"
" ei ganun May girlfriend na pala, nako iha mabuti nang naghiwalay kayo ei maloko pal iyon ei."
" Oh siya, hayaan natin ang Lucas na yan . hindi yan makakapasok dito iha. kay huwag kang mag alala ha?!" panigurado nito kay Sab.
" pero Lola aalis ako bukas, wala ako dito ng tatlong araw baka mag eskandalo na naman iyon sa gate!" pero nilingon niya si Sab sa tabi niya. Tahimik lang ito at hindi nagsasalita. Nang mapansin naman iyon ng senyora ay nagpaalam ito para makapag usap silang dalawa.
" mga apo pupunta muna ako sa kusina titingnan ko kong tapos na bang magluto ng agahan natin Jaan muna kayong dalawa!" at umalis na nga ito. Nag usap naman agad ang dalawa
"Tyler sigurado ka ba na hindi siya makakapasok dito sa hda.?" ilang beses na din kasing tumatawag yon sa akin!"
" ano naman ang sinabi niya?"
" nangangamusta lang naman siya sa akin"
"alam ba niya na buntis ka noon?"
" oo pero nahuli ko kasi siya na May kausap na iba doon sa hotel bago mo ako nakita narinig ko din ang pinag uusapan nila" patuloy niyang pagkukwento
" ang narinig ko lang gusto niyang ipaabot ang baby ko tapos hihiwalayan niya ko!"
" ei g**o pala siya! ipalaglag niya ang baby niyo? sira ulo!"
" tapos ngayon hahanap hanapin ka niya!"dagdag pa niya
" kakausapin ko ang kuya mo na isasama kita sa shooting ko. Babanggitin ko din ang tungkol kay Lucas" pahayag nito
" paano ang pag asikaso ko sa venue?" pag aalala ni Sab. Hinawakan ni Tyler ang kamay niya
" tutulungan kita wag ka mag alala" tinitigan siya nito sa mga mata bilang pagpapakita ng simpatiya
" pero ayoko nang maraming nakakakita o nakakakilala sa akin Tyler hindi ako sanay makipagkwentuhan."
" pwde ka naman manatili lang sa kwarto diba? hindi mo naman na kailangan pang lumabas labas. tsaka kasama mo naman ako kung sakali lang." pangungumbinsi rito ni Tyler
Nagbuntong hininga na lamang si Sab.
Pagkatapos nilang mag usap ay tinawag na sila para mag almusal. Niyaya na siya ni Tyler pati din si Zeth naglakad silang tatlo paminta sa kusina. Si Tyler ang nasa gitna, si Sab naman sa kaliwang kamay nito at si Zeth sa kanan. Unang pinaupo ni Tyler si Sab kasunod si Zeth. Habang ang senyora naman ay nagmamasid lamang sa galaw nila. Napapangiti ito habang kumakain paano? dahil ngayon lang naging masayahin at maalagain si Tyler sa anak niya magmula nang dumating si Sabrina ay malaki ang ipinagbago ni Tyler.