Tanghaling tapat ng maisipan ni Tyler na kausapin si kuya Jeric ni Sabrina
kring!! kring!!
"hello?" sabi ng kabilang linya
"Kuya Jerick?!" simula ni Tyler dito
" baliw! ma kuya kuya ka Jan Tyler! nandito ka lang ei naihampas na kita!! haha" tawa nito
" liligawan ko si Sab kuya!!! " pang aasar pa nito lalo sa kausap
"sira! pano mo liligawan yan kung kayo na? hindi pwede tutol ako sa inyo!
" liligawan pa nga lang ei! basted na agad ako sayo!" napakamot kamot sa Iya sa buhok niya
" pare wag mo nang ligawan pakasalan mo na LNG, hahhaha!!!" at napatawa ito ng napakalakas
" kasal agad? hindi pa nga namanhikan?! kuya naman ei hahaha!"
" tawagin mo akong kuya? walang hiya ka magkaedad lang tayo!! noh" pamimiloposo nito kay Tyler
" kelan mo ba balak pakasalan si Sab? next year na lang kayo para hindi sukob" pahayag ni Jerick
" grabe ka naman pare manliligaw pa lang ako! next year na agad ang kasal? pwde bang mamanhikan muna ako? hindi ka nagmamadali niyan ah" reklamo naman nito
" nako Tyler wag ako! Bakit napa Oo mo na ba?" tanong nito
" baka nga magkapangkin ka na sa akin ei!" pagyayabang ni Tyler
" sira ka talaga! paano? next year na lang kayo? mauuna muna kami ni Juniza. Tsaka mauuna kami magkakabuo no? parating na nga ei!hahhaha mahina ka talaga!" tawanan naman silang dalawa
" Maiba ako? kamusta naman si Sab diyan? muling hinanap siya sa akin ni Lucas. Kinuha pa nga ang number ni Sab sa phone ko!"
" ibig sabihin ba niyan tinatawagan niya dito si Sab?" tyler
" wala ba siyang ginawa diyan sa hda?." tanong uli ni Jerick
" yon na nga gumawa ng eksena doon sa labas ng gate. naglasing pa," turan ni Tyler
" ei anong nangyari ngayon?"
" ayon na nga kaninang umaga lang hinahanap si Sab sa akin! wala na talagang ginawang tama yon isang yon.! tama lang n itinago natin si Sab sa kanya! biruin mo May Girlfriend na hahanap hanapin pa si Sab!" iritado ng pahayag ni Tyler
" ganun talaga mahal daw niya si Sab!"
"sira siya kung matino sana siya indi sana taken na niya si Sab ngayon."
" buti na nga lang ei pinapunta mo dito si Sab pare! aalagaan ko siya para sa iyo."
" pero bro! Si Zeth ingatan mo pinagkakamalan siya ni Lucas na anak nila. Kaya yan nasa Bataan dahil ayon ang inaakala niya kaya pakiingatan sila pareho" pagbabala nito kay Tyler.
"bye the way bro isasama ko muna sa Manila si Sab para mas safe siya kay Lucas."
" sigurado ka na niyan??"
"Yes, bro magbibilin na lang ako kay lola sa posibleng mangyari. Palagyan ko din ng CctV sa guard house" wika niya
" sige bro, Salamat sa pag aalaga at pagmamahal mo kay Sab hindi na din pala ako magtatagal sa telepono may meeting ako mamaya!" paalam nito sa kausap kaya nagpaalam na din si Tyler
Pagkatapos niya makausap si Jerick ay pumasok na siya sa mansion. Habang papasok siya sa sala ay nakita niya si Sab sa may sala. May kausap ito sa telepono nito!
" hello?"
" hello Sab?!"
"ikaw na naman,pwde ba tigilan mo ko!" papatayin na sana niya ito ng muling magsalita
" nasaan ang anak natin?" tanong nito
" wala tayong anak pwde ba?" Giit ni Sab dito
" nakita kita na kasama si Tyler siya ba ang pinalit mo sa akin?" wala ka na doon! papatayin na sana iyon ni Sab ng pagbantaan siya nito!
"kukunin ko siya sayo, kahit na magkasama na kayo ni Tyler! tandaan mo yan!" pagkasabi niyon ng kausap ay ibinaba na ni Sab ang cellphone niya. Ngunit muli itong ng ring
" kring kring kring!"
Nang dadamputin na sana iyon Ni Sab. ay nagulat siya ng si Tyler ang sumagot at matalim na tumingin sa kanya.
" hello! Lucas!!" sagot nito si Sab naman ay aagawin sana ang cellphone kay Tyler
" Tyler? sabi ko na nga ba magkasama kayong dalawa! ipakausap mo sa akin si Sab.!" at pinatayan na siya ni Tyler ng cellphone at binalingan si naman Sab.
" kelan pa siya tumatawag sayo Sab!" galit ito " O baka naman namimiss mo pa siya kaya hindi mo man lang magawang unlock siya sa cellphone mo!" galit na wika nito
" binlock ko na siya ilang beses na. pero bumibili siguro ng bagong sim"
" edi ikaw ang magpalit ng bagong sim! nalalagay sa panganib kayong dalawa ng anak ko." lumapit ito sa kanya.
"sasama ka sakin sa photo shoot ko!"
" hindi pwede Tyler alam mo namang ng aasikaso ako sa venue ni Kuya ei."
" nakausap ko na siya!" matigas nitong pahayag
" pero 3 days yon! anong gagawin ko doon?"
" pwde ka naman sa room lang, alam ko ayaw mong nakikisalamuha sa iba!"
" yon naman pala ei, dito na lang ako, hindi naman na siguro makakapasok ni Lucas dito sa mansion"
Ngunit parang wala itong narinig. Umalis ito at nagpaalam sa anak niya at sa lola niya ganun na din ang ginawa niya. Nagpaalam na din siya sa mga ito at uhmalis na nga sila
Tahimik lamang sila habang binabaybay nila ang daan