“Ang lalim ng iniisip mo, ha,” wika ni Edward kay Zoe habang nakaupo ito sa gilid ng swimming pool at nilalaro ng kanyang paa ang tubig ng pool. Kanina n’ya pa kasi ito hinahanap pero hindi niya makita sa loob ng mansyon. Kaya naisip niya na baka nasa pool area ito kaya agad niyang pinuntahan. “Iniisip ko lang kasi si nanay, Edward. Paano kung pagtangkaan niyang muli ang buhay ni Nanay?” wika niya sa binata na tila ang bigat-bigat ng kanyang presensya. Hindi pa rin kasi mawala sa kanyang isipan ang lahat ng mga sinabi sa kanya ni Lilian. Naupo si Edward sa tabi ng dalaga at napabuntonghininga. “Alam mo, Zoe. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala na nagawa ‘yon ni Tita Aurora, sa nanay mo,” usal niya sa dalaga at napatingin sa langit. Bakas rin siya kanyang presensya ang pangamba na baka

