Galit na galit si Aurora dahil hindi napatay ng kanyang pinsan na si Lito sina Zoe at Lilian. “Bobo! Kasimple-simple ng pinapagawa ko sa ‘yo, hindi mo pa nagawa ng tama!” galit na galit ng singhal niya sa kanyang pinsan na si Lito. Halos hindi maipinta ang kanyang itsura dahil sa galit at pagkadismaya. “Ginawa ko naman ang trabaho ko, Aurora. Pero biglang dumating ang mga parak,” katwiran niya habang nakakuyom at nag-iigting rin ang panga dahil sa pagkabigo. Ibinato ni Aurora ang hawak niyang kopita na may lamang wine sa harap ni Lito kaya nabasag ito. Pagkatapos ay napasapo siya sa kanyang ulo at napasigaw ng malakas. Nagalit naman si Lito sa ginawa ni Aurora. Ngunit wala siyang magawa dahil malaki ang utang na loob niya dito. Pera ni Aurora ang nagpapatakbo sa kanyang negosyo na

