Nakarating naman ang balita kay Roman nang tawagan ito ng mga pulis. Kaagad siyang napasugod sa presento dahil sa pag-aalala kina Zoe at Lilian. Tumulo ang luha niya nang madatnan niyang ang kalunos-lunos na itsura ng mag-inang, Zoe at Lilian habang kinakausap ng mga pulis. Ngunit nang makita siya ni Lilian at biglang nagbago ang itsura nito sa kanya. Sinugod siya agad ng sampal ni Lilian. “Hayop ka. Anong ginagawa mo rito?” galit na salubong niya sa lalaking patuloy niya pa ring minamahal. Hindi nakakibo si Roman. Nakatayo lang siya habang sunod-sunod ang luha na pumapatak sa kanyang pisngi. “Kapag napatunayan ko na si Aurora ang may pakana nang lahat ng ito, mananagot siya!” galit na galit na singhal niya. Nagulat naman si Roman sa sinabi ni Lilian kaya napatanong siya rito.

