Pagpasok na pagpasok pa lang nila sa mansyon ni Edward ay naabutan nila na nanonood ng balita si Leny. Kitang-kita sa balita na nagkakagulo ang mga reporter sa mansyon ng mga Rodriguez para makakuha ng impormasyon tungkol sa nangyaring pamamaril sa Anak ni Roman. At nang makita ni Leny sina Lilian at Zoe ay sinalubong niya agad ang mga ito na bakas sa mukha ang sobrang pag-aalala. Niyakap niya agad si Zoe ng mahigpit nang masilayan niya ang nakakaawa nitong itsura. “Kumusta ka, Besti? Nasaktan ka ba?” natatarantang tanong nito. “Nag-alala ako ng husto sa inyo nang mapanood ko ang balita,” muling usal niya. Bahagyang ngumiti lang si Zoe sa kaibigan na tila wala pa rin sa kanyang sarili. “Ahm, Leny. Puwede bang ihatid mo muna siya sa kanyang silid,” pakiusap ni Lilian kay Leny. Mab

