Habang kumakain ng almusal sina Zoe, Lilian, Edward at Leny ay may bigla na lamang silang narinig na boses. Kaya naman ay sabay-sabay silang napatingin sa direksyon ng tinig. Bumungad sa kanilang paningin ang isang magandang babae na completo ang kolorete sa kanyang mukha. Magara ang kasuotan nito at may mga nakakasilaw na alahas na suot. Nakaarko rin ang kilay nito habang pinapasadahan ng tingin ang tatlong bisita ni Edward. “Hindi mo man lang ako nainform na may mga bisita ka pala sa pamamahay ko, Edward,” taas kilay nitong bati sa kanyang anak na si Edward. Nagulat at biglang nanlaki ang mga mata ni Edward dahil napaaga ang uwi ng kanyang Ina. Alam niya na uuwi ito, pero hindi niya sukat akalain na mapapaaga ito ng dating. Kaagad siyang tumayo at nilapitan ang Ina saka hinalikan sa

