Nanlaki na naman ang mga mata ni Zoe ng maramdaman niyang bumagsak ang kanyang katawan sa sahig. At isang malakas na tinig ang umalingawngaw sa kanyang harapan habang dinuduro pa siya ng kanyang hintuturo “Lumayas ka sa pamamahay ko! Hindi ko kailangan ang anak na tulad mo?!” galit na galit na sigaw ni Roman kay Zoe. Hindi agad nakapagsalita si Zoe sa ginawa sa kanya ni Roman. At naramdaman niya na lang na lalong lumalakas ang pagbuhos ng luha sa kanyang mga mata. “Kung alam ko lang na magiging ganito ka. Hindi na sana kita kinuha sa Nanay mo!” madiing usal pa nito. Gumapang si Zoe at hinawakan ang mga binti ni Roman habang humagulhol na iyak. “Papa, ‘wag niyo po akong palayasin. Maawa po kayo sa ‘kin!” Hindi man lang siya tinaponan ng tingin ni Roman. Kitang-kita ng kanyang dal

