Umuusok na naman ang ilong ni Violete sa galit habang nakatingin sa magkahawak na kamay nina Zoe at Edward. “Kailan ka ba mawawala sa buhay namin, Zoe?” bulong niya sa kanyang sarili habang nanggigigil kay Zoe. “Hindi ako makakapayag na makuha mo ulit ang simpatya ni Edward. Lalo na ngayon na okay na ulit kami. Hindi na ako papayag, Zoe.” “Okay, class! Bukas ulit,” pahayag ng kanilang guro. Pagkatapos ay agad na itong lumabas ng kanilang silid. Pasado alas-singko na kasi ng hapon at oras na para mag-uwian ang mga estudyante. Kaya naman ay tumayo na rin sina Zoe at Edward. Inayos nila ang kanilang mga gamit at sabay na lumabas ng kanilang silid. Tumayo na rin si Violete at mabilis na inayos ang kanyang mga gamit. Pagkatapos ay palihim niyang sinusundan sina Zoe at Edward habang nanlili

