Nagising ng maaga si Zoe para pumasok na sa eskuwela. Humarap siya sa salamin at namamaga pa rin ang kanyang mga mata. Nakita niya rin na may kaunti siyang pasa sa kanyang pisngi kaya naman ay nagsimula na naman tumulo ang kanyang luha. “Ano ka ba. Bakit ba hindi ka pa tumigil sa katutulo?” bulong nito sa kanyang sarili habang nakaharap pa rin sa salamin. “Tama na nga ‘yan, Zoe. Kailangan mong magpakatatag para makatapos ka ng pag-aaral at matupad ang mga pangarap mo,” muling usal niya. Pagkatapos ay pinahid niya ang luha sa kanyang mga mata. “Kaya mo ‘yan, Zoe,” pagpapalakas ng loob niya sa kanyang sarili. Kinuha niya ang tuwalya na nakasabit sa gilid ng kabinet n’ya at agad na pumasok sa banyo. Hinubad niya ang lahat ba saplot sa buo niyang katawan at binuksan ang shower. Subalit ha

