Habang tahimik na naglalaba si Zoe ay bigla siyang tinawag ng isa sa kanilang mga katulong kaya napalingon siya sa pinangyarihan ng tinig. “Ma’am Zoe, tawag po kayo ni Madam,” wika nito sa dalaga. “Bakit raw?” naiinis nitong sagot habang nagkukusot ng damit. “Hindi ko rin po alam, Ma’am,” sagot rin nito. “Nasaan sila?” “Kumain po sila, Ma’am,” wika p nito. Napabuntong hininga ang dalaga at binitawan ang kanyang ginagawa. Hinugasan niya muna ang kanyang kamay at saka pinunasan. Pinunasan na rin nito ang buhol-buhol na pawis na namuo sa kanyang noo. Nang matapos ay naglakad na siya papunta sa kanila. Naabutan niya na kumakain sina Aurora at Violete at kapwa seryoso ang kanilang mukha. “Pinapatawag n’yo raw ako?” seryosong tanong niya na may halong inis. Uminom ng kape si Auro

