Alas-kuwatro pa lang ng madaling araw ay gising na si Zoe. Naligo na rin at pagkatapos ay sinuot ang uniporme na binigay sa kanya. Tumingin siya sa salamin at inayos ang sarili. “Kaya mo ‘to, Zoe. Kung ito ang paraan para mabuhay ka ng maayos ay gawin mo,” bulong nito sa harap ng salamin. Hinawakan niya rin ang kanyang pisgi at ang ulo na nananakit pa dahil sa paghila ng kanyang buhay ni Aurora. “Matatapos rin lahat ang paghihirap mo, manalig ka lang,” muling usal pa nito sa kanyang isipan. Pagkatapos ay kinuha ang panali niya sa buhok at itinali niya ang kanyang buhok. Dumiretso agad siya sa agad siya sa kusina at kinuha ang panlinis sa sahig. Binanlawan niya itong maigi at kumuha ng fabric conditioner saka inilagay sa timba ng may tubig. Sinimulan niya na ang pagmop ng sahig habang

