CHAPTER FIFTHY TWO

1286 Words

Nabulabog ang kabuuan ng mansyon ni Edward dahil sa sigaw ni Zoe. Naikot na niya ang kabuuan nito subalit hindi niya pa din makita ang kanyang Ina. “Bakit ka ba sumisigaw, Besti?” naalimpungatang turan ni Leny. Natutulog pa kasi ito ng mga oras na iyon. Bumangon lang siya ng marinig ang sigaw ni Zoe habang tinatawag ang nanay niya. “Kanina ko pa kasi tinatawag ang nanay pero wala siya,” nag-aalala nitong usal. Hindi na rin maipinta ang kanyang itsura dahil nawawala ang kanyang Ina. Kinakabahan na rin siya dahil mukhang tama ang kutob niya na maagang umalis ang kanyang Ina para pumunta sa mansyon ng mga Rodriguez. “Hindi ka—” hindi na napatapos ni Leny ang kanyang sasabihin dahil bigla na lang tumalikod sa kanya si Zoe at mabilis na tinungo ang silid ni Edward. Bigla na lang pumasok

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD