“Class, listen!” pahayag na kanilang Guro. “Magkakaroon tayo ng cooking competition sa susunod na lingo. Kaya kung sino man ang gustong sumali ay magpalista na sa ating secretary dito sa inyo klase,” mahabang pahayag ng kanilang Guro. Natuwa naman si Zoe dahil sa pahayag ng kanilang Guro. Mahilig kasi ito magluto kaya nais niyang sumali sa patimpalak. “Kung sino man ang mananalo sa patimpalak natin na ito ay magkakaroon certificate at cash na nagkakahalagang isang milyong peso!” dagdag na pahayag pa nito sa kanyang mga estudyante. Nanlaki agad ang mata ni Zoe dahil sa narinig. Naisip niya na kung siya ang mananalo ay makakapagpadala siya ng pera sa kanyang Ina at puwede na iyon makapagsimula nang isang maliit na negosyo. Kaya biglang tumayo si Zoe at kaagad na pumunta kay Glenda par

