Pagkatapos nang kanilang klase ay pumunta sina Zoe at Edward sa isang mamahaling restaurant. Isang romantic place na restaurant ang napili ni Edward. Mayroon din mga banda na tumutugtog ng mga love song. Kaya napahanga na naman si Zoe sa lugar na ‘yon. “Ang ganda naman ng lugar na ito, Edward!” nakangiting wika nito kay Edward habang umiikot sa paligid ang kanyang mga mata. Bahagya naman natawa sa kanya si Edward habang pinagmamasdan niya si Zoe. “Nagustuhan mo ba?” nakangiting tanong niya sa dalaga. “Oo!” matipid na usal ni Zoe at ngumiti ito ng matamis sa binata. Tinawag ni Edward ang waiter at kaagad silang nag-order ng kanilang kakainin. At habang kumain sila ay biglang tumayo si Edward at inilahad nito ang kanyang isang kamay para yayain si Zoe na sumayaw. “Can we dance,

