Galit na galit na umuwi sa kanilang mansion si Violete. Binalibag nito ang kanyang dalang bag habang sumisigaw kaya nagkalat ang mga gamit niya sa sahig. “Buweset ka talaga sa buhay ko, Zoe!” malakas na singhal nito na yumanig sa kabuuhan ng kanilang mansion. Nanlilisik rin ang kanyang mga mata habang nakakubli ang kanyang kamao. “Lahat na lang ng para sa ‘kin ay nakuha mo na!” asik pa nito. “Ano bang nangyayari sayo?” gulat na tanong ni Aurora sa kanya. Nag-aayos kasi ito ng mga gamit niya sa kanyang silid nang may marinig siya ng sigaw sa baba. Kaya nagmadali itong bumaba habang natataranta. “My god! Bakit nagkalat ang mga gamit mo sa sahig?” muling tanong nito habang nanlalaki ang kanyang mga mata. “Sinong hindi magagalit, Mom! Si Zoe ang top one sa klase namin, paano nangyari

