Walang mapaglagyan ang saya nararamdaman ni Edward habang nagmamaneho siya ng kanyang sasakyan. Pangiti-ngiti pa ito habang inaalala ang ginawa niyang paghalik kay Zoe. Masaya rin siya dahil kahit paano ay maayos ang lagay ni Zoe. Hanggang sa makarating siya sa kanyang mansyon ay naalala niya pa rin ang matamis na labi ng dalaga. Nang makahiga na siya sa kanyang kama ay agad niyang kinuha ang kanyang cellphone. Hindi na siya makapaghintay na tawagan siya ni Zoe kaya siya na lang ang tumawag sa dalaga. Hindi pa rin makapaniwala si Zoe na binigay niya sa binata ang kanyang unang halik. At kahit nakahiga na siya ay hindi pa rin mawala ang kilig na kanyang nararamdaman. Kinuha niya ang cellphone na binigay sa kanya ng binata at tiningnan at hinanap ang numero ni Edward. “Tawagan ko kaya

