Palabas na sana ng bar sina Edward at Marco habang pasuray-suray ng lakad dahil sa kalasingan nang may nakabangga si Edward na isang lalaki. Lasing rin ang kanyang nakabangga kaya nagalit ito at agad na kwenelyuhan si Edward. “Hey, hey, hey! Easy lang, Pre!” awat naman ni Marco sa lalaking nakabangga ni Edward. Si Edward naman ay itinaas ang kanyang dalawang kamay bilang pagpapakumbaba. Pero ayaw magpaawat ng lalaki at agad na tinulak si Edward kaya napasubsob siya sa mga upuan sa loob ng bar. “Sira ulo ka, ha! Kikilalanin mo ang babanggain mo!” madiing turan ng lalaki kay Edward habang nanlilisik ang mata sa galit. Dinuro niya pa ng kanyang hintuturo si Edward. Napatakbo naman si Marco para tulungang makatayo si Edward. “Baliw ka ba? Nakita mong lasing ang tao, tinulak mo! Nagha

