Habang kinukumutan ni Roman si Zoe para makapagpahinga ay biglang bumukas ang pinto. At nang tingnan nila kung sino ang pumasok ay biglang nanlaki ang mga mata ni Zoe. At naalala na naman nito ang ginawa sa kanya nina Aurora at Violete. “Nagdala lang ako ng mainit na sabaw ng bulalo para kay Zoe, mainam ‘to para lumabas ang pawis niya sa katawan at tuluyan na siyang gumaling,” pagkukunwari nitong aniya. Natuwa naman si Roman dahil naalala ng kanyang asawa na dalhan ng sabaw si Zoe. Subalit si Zoe ay nakaramdam ng panginginig ng kalamnan dahil sa galit. Pero hindi niya na lang ito pinahalata kay Roman para walang gulo sa kanilang pamilya. Kaya naman ay mas minabuti niya na h’wag na lang magsalita. Kinuha ni Roman ang dalang tray ni Aurora at pinatong sa kama ni Zoe kaya bumangon rin s

