Masayang nagtatawan na pumasok sa kuwarto sina Aurora at Violete. “Nakita mo ba ang itsura niya, Mommy?” tumatawang ani ni Violete sa kanyang Ina. “Grabe, para siyang basang sisiw pinabayaan ng kanyang Ina!” usal pa nito. “I told you, Baby. Lahat gagawin ko para sa ‘yo.” Lumapit ito sa anak at marahang hinaplos ang buhok nito habang nakangiti. Inikot niya rin ang kanyang mga mata sa kabuuhan ng mukha ni Violete na may ning-ning sa mata. “Thank you so much, Mom.” dagdag pa nito sa Ina at muli niya itong niyakap na may matamis na ngiti. “Nag-uumpisa pa lang tayo, Baby! At siguradong mag-eenjoy ka ng husto sa mga susunod kong gagawin sa kanya,” madiing wika nito sa anak. Samantala, nangangatog pa rin ang mga tuhod ni Zoe ng mga oras na iyon. Marahan siyang umupo sa kanyang kama habang

