“Ladies and gentlemen, we are now approaching Manila where the local time is four pm. Please ensure all electronic devices including laptop computers and computer games are turned off.” Announcement ng isa sa Stewardess ng eroplano na sinakyan ni Aurora.
“I'm coming!” mapait na ani ni Aurora habang nakaupo sa VIP seat ng eroplano. Taas noo nitong sinuot ang kanyang mamahaling sunglasses habang nakasandal sa upuan.
Hanggang sa muli na naman nag-announce ang Stewardess na malapit na silang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport. Kaya inayos na nito ang sarili. Kinuha niya sa kanyang bag, ang mga mamahalin niyang make-up at nag-ayos ng kanyang mukha. Nang makababa ng eroplano at makuha ang kanyang mga malita na dala ay naglakad na ito palabas ng Airport.
Kaagad naman siyang sinalubong ng kanyang driver.
“I'm back, Manila!” usal nito habang nakatanaw sa buong paligid at nilalanghap ang hangin na dumadampi sa kanyang mukha.
“Hindi pa rin nagbabago ang amoy mo! Amoy usok ng mga bulok na sasakyan,” bulong ulit nito. Pagkatapos ay muling ngumisi ng mapait.
“Humanda sa ‘kin ang Anak mo, Lilian! Hindi ako makakapayag na maagaw niya ang para sa anak ko! Ipapatikim ko sa kanya ang buhay na masgugustuhin niya pang mawala na lamang siya sa mundo!” madiing wika nito habang nakasakay na sa kanilang kotse.
“Pagsisihan mo na pinayagan mo ang anak mo na sumama kay Roman, Lilian! I will make her life miserable, I assure you!” madiing banta nito.
Makalipas ang isang oras ay nakarating na ang sasakyan ni Aurora sa kanilang napakalaking gate. Bumusina ang driver niya para pagbuksan sila ng guwardya. Nang makapasok na at tumapat sa kanilang pintuan ang sasakyan ay dali-daling lumabas ang driver ng kotse at mabilis niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan. Pagtapos ay bumaba na si Aurora at saka tinanggal ang suot na sunglass.
Inikot nito ang paningin sa kabuuhan ng mansyon habang mapait pa rin na nakangisi. Ibinaba na rin ng mga katulong nila ang mga malita na dala niya.
“Manang, nariyan ba ng Sir niyo?” tanong nito sa kanilang mayordoma na si Manang Elsa.
“Wala pa po, Madam!” nakayukong sagot nito.
“Okay, Manang. Sige na, ipasok niyo na ang mga gamit ko sa silid namin ni Roman.
“Masusunod po, Madam.” Kaya tumulong na rin ito para maipasok ang mga dalang gamit ng kanyang Amo.
Nagsimula nang humakbang ang mga paa ni Aurora papasok ng kanilang mansyon. Taas noo itong pumasok habang iniikot ang paningin sa loob ng mansyon.
Samantala, habang kumukuha ng tubig si Zoe sa loob ng refrigerator ay biglang dumating si Violete. Kumuha rin ito ng juice sa loob ng refrigerator. Tiningan nito ng masama si Zoe pero hindi na pinansin ‘yon ni Zoe. Nang ibalik na ni Zoe sa loob ng ref ang pitsel na may lamang tubig ay bigla na lang siyang binuhusan ni Violete ng malamig na Juice. Kaya nagulat ito at napanganga.
“Opps, sorry! Nakaharang ka kasi sa daraanan ko!” madiing wika nito habang mapait na nakangisi kay Zoe.
Tiningan naman ito ni Zoe ng masama habang nagugulat pa rin sa ginawa sa kanya ni Violete.
“Nananadya ka ba talaga?” madiing tanong ni Zoe rito. At bigla itong nakaramdam ng lamig sa katawan dahil sa lamig ng juice na bumuhos sa kanyang katawan.
“Bakit, may angal ka?” asik nito habang nakatitig kay Zoe ng masama.
“Sumusubra ka na, ha!” tinulak nito si Violete kaya bahagya siyang napaatras.
Subalit lalong nagalit si Violete kaya ginantihan niya rin Zoe. Tinulak niya rin si Zoe ng malakas kaya natumba si Zoe sa sahig.
“Ano ba! Hindi ka ba talaga titigil?” singhal ni Zoe.
“Hindi! Hindi ako titigil hangga’t hindi ka umaalis sa pamamahay namin!” madiing wika nito habang nanlalaki ang mata sa galit.
“What is happening here?” basag sa kanila ng isang boses babae.
Kaya sabay silang napatingin sa direksyon ng tinig.
“Oh, my god! What had you’ve done, Violete?” gulat na tanong nito kay Violete dahil nakita nito na nakasalampak si Zoe sa sahig at basang-basa.
Kaya nagulat rin si Violete sa naging reaksyon ng kanyang ina.
“Mom!” gulat na sambit nito sa Ina.
“Mom?” gulat na bulong rin ni Zoe. “Ibig sabihin, siya ang nanay ni Violete?” muling usal nito sa sarili habang naguguluhan.
“Tell me! Tinulak mo siya, ha?” nanlalaki ang mata nitong tanong kay Violete.
Ngunit hindi sumagot si Violete at ngumisi lang ito ng mapait. Lumapit si Aurora kay Zoe at tinitigan ang mukha ng dalaga. Hinawakan nito ang baba ni Zoe habang may lungkot sa mata. At nang masilayan nito ang mukha ng dalaga ay biglang nanariwa sa kanya ang ginawa ng kanyang Ina.
Kaya biglang dumilim ang mukha nito at isang malutong na sampal ang idinampi niya sa mukha ni Zoe. Kaya nanlalaki ang mata ni Zoe at napasapo ito sa kanyang pisnge dahil sa gulat.
“Masakit ba, Zoe?” pang-aasar na wika pa ni Violete at humakalhak ng tawa.
Tumulo na rin ang luha ni Zoe dahil sa ginawa ni Aurora.
“Ano po bang ginawa ko sa inyo?” lumuluhang wika niya kay Aurora.
Ngunit sinampal ulit siya ni Aurora bago nagsalita.
“Ikaw, wala! Pero ang malandi mong Nanay, mayro'n!” singhal nito kay Zoe.
Kaya napatingin si Zoe sa kanya ng masama. At sinagot si Aurora.
“Ano pong ibig niyong sabihin?” naguguluhang wika nito.
Ngunit lalo lamang nang-init si Aurora at sinagawan si Zoe.
“Tanga ka ba? Hindi ba obvious? Kaya ka nga nabuhay dahil nilandi ng Nanay mo ang asawa ko!” galit na galit nitong singhal kay Zoe.
“Pero wala naman po akong kinalaman sa inyo!” giit rin ni Zoe habang tuloy pa rin sa paghikbi.
Gigil na pinisil ni Aurora ang baba ni Zoe, habang nanlilisik ang mata sa galit.
“Wala ka ngang kinalaman dito, pero ikaw ang pagbabayarin ko sa kasalanan ng Nanay mo!” mulling singhal nito na may halong pagbabanta.
Wala naman magawa si Zoe dahil sa takot nito kay Aurora. Si Violete naman ay tuwang-tuwa habang nakikita na sinasaktan ni Aurora si Zoe.
“Mom, stop it! Dad, is coming,” tarantang wika nito sa Ina.
Kaya mabilis na pinunasan ng kamay ni Aurora ang mukha ni Zoe para pahirin ang luha na kumalat dito. Niyakap niya rin si Zoe para kunwari ay nag-alala siya dahil nadulas ito.
“A-anong pong ginagawa niyo?” gulat na tanong ni Zoe.
“Subukan mo lang magsumbong sa Papa mo, hindi lang ito ang aabutin mo!” madiing bulong nito sa tainga ni Zoe.
Kaya natakot si Zoe at nanginig ang kanyang kalamanan.
“Anong nangyayari dito? Zoe, bakit nakaupo ka riyan sa sahig?” basag ni Roman sa kanilang sistema. At nakita nito na yakap-yakap ni Aurora si Zoe.
“Aurora, what happen?” gulat na wika ni Roman.
“Hindi ko alam, Honey. Nakita ko na lang si Zoe na nakaupo riyan habang umiiyak. Nadulas raw siya," sagot nito kay Roman at kinurot ang tagiliran ni Zoe hudyat na hindi dapat siya magsumbong.
Binaling ni Roman ang tingin niya kay Zoe. At siya ang tinanong nito.
“It’s that true, Zoe?” madiing tanong ni Roman kay Zoe.
Nanginginig na tumingin si Zoe kay Aurora. Ngunit pasemple itong nilakihan ng mata ni Aurora. Kaya yumuko na lamang ito bago nagsalita.
“Opo, Papa. Kukuha lang po sana ako ng juice, pero bigla po akong nadulas!” natatakot na wika nito.
“See, Hon. I told you, nadulas lang siya. She will be okay,” pagkukunwaring usal ni Aurora.
Subalit si Violete ay hindi mapakali. Nanginginig rin ito dahil baka magsumbong si Zoe kay Roman.
“Pa, papasok na po ako sa silid ko,” malungkot na wika nito at bahagyang tumulo ang kanyang luha.
“Okay, sige. Ihahatid na kita, next time mag-iingat ka, ha. Paano Kung hindi lang ‘yan ang inabot mo?” nag-aalalang wika ni Roman.
Itinayo na rin ni Aurora si Zoe, kaya inalalayan na ito ni Roman paakyat sa kanyang silid. Naiwan naman si Aurora at Violete habang mapait na tumatawa.
“Bravo, Mommy!” nakangiting wika ni Violete sa Ina at napapalakpak pa ito ng kamay. “I can't believe na mapapaniwala mo si Daddy,” hindi makapaniwalang usal nito.
“Ang galing kong umarte, ‘di ba?” usal nito habang mapait na nakangisi.
“Kaya nga, Mommy. Siguradong magtatanda na si Zoe, Mom!” masayang ani nito sa Ina at bakas sa kanyang labi ang mapait na ngiti.
“Nag-uumpisa pa lang tayo, Baby! Sisiguraduhin ko na mapapaalis natin siya rito,” usal pa ni Aurora.
“Thank you, Mommy. Welcome back!” nakangiting wika nito at lumapit sa Ina para yakapin ng mahigpit. “I miss you so much, Mom.”
“I miss you so much too, Baby!” sagot rin nito habang masaya silang dalawa na nagyayakapan.