“Kumusta ang pag-aaral niyo?” basag ni Roman sa katahimikan nina Violete at Zoe habang kumakain ng hapunan.
Tiningnan nito si Zoe at hinawakan ang kamay.
“Kumusta ang pag-aaral mo, Anak?” nakangiting tanong sa kanya ni Roman.
“Okay naman po, Papa.”Tumingin ito sa ama at ngumiti.
“Okay, good.” Binalingan niya naman ng tingin si Violete na parang walang pakialam.
“How about you, Violete?” baling ni Roman.
“Maayos rin po, Daddy," sagot nito at kinuha ang baso na may lamang tubig saka uminom. Pagkatapos ay tumayo ito. “I'm done!” madiing wika nito at saka nagmadaling umakyat ng hagdan.
Hinabol na lang ng tingin nina Roman at Zoe si Violete na parehong may lungkot sa mata.
“Pa, okay lang po ba kayo?” tanong ni Zoe sa Ama nang masilayan ang lungkot sa mata.
Huminga ito ng malalim at masisilayan mo sa kanyang hitsura ang bigat na nararamdaman. Pagkatapos ay binalingan ng tingin si Zoe na may matipid na ngiti sa labi.
“Okay lang ako, siguro napagod lang ako sa trabaho,” wika nito. Pero ang totoo ay iniisip niya pa rin kung okay na ba talaga si Violete.
Ngumiti naman sa kanya si Zoe. “Don't worry, Pa. Kung ano man po ‘yan, I'm sure matatapos rin po ‘yan!” pagpapalakas ng loob na wika nito sa Ama.
“To be honest, hindi ko talaga alam kung galit pa rin sa ‘kin ang kapatid mo hanggang ngayon! Hindi niya pa kasi ako kinakausap simula ng magkasagutan kami,” malungkot na wika nito.
Lumapit si Zoe kay Roman at niyakap niya ito ng mahigpit.
“Magiging okay rin po kayo ni Violete, Pa," malungkot rin na tugon nito.
Tinugunan naman siya ng yakap ni Roman at napangiti. Kahit papano ay napanatag siya dahil sa pagpapalakas ng loob na ginawa sa kanya ni Zoe.
“Maraming salamat, Anak. Mabuti na lang talaga nandito ka. Kahit paano ay napagaan mo ang kalooban ko,” ani ni Roman sa anak.
“Siya nga pala, Anak. Nakausap ko ang mama mo sa telepono, ang sabi niya ay hindi raw muna siya makakasunod dahil marami pa raw siyang aaskikasuhin sa inyo,” sambit ni Roman rito.
Kaya biglang nalungkot ang mukha ni Zoe dahil sa balita ng kanyang Ama.
“Mis na mis ko na po siya, Papa," malungkot na tugon nito sa Ama.
Hinawakan ni Roman ang kanyang pisngi at may ngiti niya itong tinitigan.
“Ako rin, Anak. Miss na miss ko na rin ang Mama mo. Kunting tiis pa, makakasama rin natin siya." Hinalikan niya sa noo si Zoe.
Napapikit naman si Zoe at bahagya na tumulo ang kanyang mga luha mula sa mata. Ngayon lang kasi siya nawalay ng matagal sa kanyang Ina kaya hindi niya mapigilan ang mapaluha dahil sa lungkot.
Pagkatapos ng pag-uusap nila ay umakyat na siya sa kanyang silid. Nakahiga na ito sa kama ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kaya tiningnan nito kung sino ang tumatawag. Subalit nagtaka siya dahil hindi nakarehestro ang number na tumatawag sa kanyang telepono.
“Sino kaya ‘to?” napakunot ang kanyang noo habang tinitingnan ang kanyang cellphone na nagriring. Hindi niya sana sasagutin dahil matutulog na siya, subalit naisip niya na baka importanteng tawag iyon kaya sinagot na lang nito.
“H-hello?” ani niya sa tumawag.
“Thank god, sinagot mo rin,” wika naman ng tumawag.
Biglang kumabog ang dibdib ni Zoe sa pamilyar na boses. Kaya napabangon ito bigla at umupo sa kanyang kama. Pagkatapos ay sumandal sa headboard ng kanyang kama.
“E-Edward?” gulat nitong aniya.
“Yes, wala ng iba,” usal naman nito at napahalakhak ng tawa sa kabilang linya.
“P-paano mo nakuha ang number ko?” kursyunidad na tanong ni Zoe.
“Kay, Glenda. Hiningi ko sa kanya,” sagot naman nito at muling tumawa. “Bakit, ayaw mo ba?”
“H-hindi naman sa gano’n, nagulat lang ako,” wika rin nito at napangiti ng matamis kasabay ang kaunting kilig na dumadaloy na sa buo niyang sistema.
“Tumawag lang naman ako para sabihin sa 'yo na susunduin ulit kita bukas!” pahayag niya kay Zoe.
Kaya hindi na naiwasan pa ni Zoe ang tuluyang kiligin.
“Sige na, matulog kana!” utos nito kay Zoe ng madiin.
“S-sige. Goodnight!” kinikilig na anas nitong. At pakiramdam niya tila may kung anong hayop ang tumatakbuhan sa kanyang dibdib dahil sa lakas ng kabog nito. Bahagya rin siyang napapikit at tumitili ng hindi naririnig ng binata dahil ayaw niya na ipinahalata sa binata ang tunay niyang nararamdaman.
“Goodnight, see you tomorrow,” nakangiting usal rin ni Edward at ibinaba na ang telepono.
Nang ibaba na ni Edward ang telepono ay dito na siya napatili ng mahina dahil sa sinabi ni Edward. At biglang uminit ang malamig niyang mukha kahit napakalakas ng aircon sa loob ng kanyang silid. Nahuhulog na rin kasi ang loob niya sa binata. Kahit na antipatiko si Edward ay alam niya na mabuting tao ito. Pagkatapos ay nahiga na ito at hindi na ito sa kanyang kama at hindi na nito namamalayan na bumibigat na pala ang talukap ng kanyang mga mata. Hanggang sa tuluyan na itong nagsara dahil nilamon na siya ng antok.
________________
Napalikwas ng bangon si Zoe dahil sa tunog ng alarm clock na nakapatong sa tabi ng kanyang lampshade. Kaya kaagad na itong tumayo at dumiritso sa banyo at saka naligo. Excited kasi ito dahil susunduin na naman siya ni Edward.
Nang matapos ay kaagad itong nagbihis ng kanyang uniporme. Nang matapos na siya magbihis ay sinuklay nito ang kanyang mahabang buhok. Bahagya niya ring dinampian ng poundation ang kanyang mukha at kunting tinta ng pulang lipstick sa labi.
“Ayan, tapos na," masayang wika nito habang nakatingin sa salamin.
Kinuha nito ang kanyang bag at nagmamadaling tinungo ang pintuan. Ngunit pagbukas nito ng pintuan ay bumangga siya sa matipunong dibdib ng binatang si Edward.
Kaya nanlaki na naman ang kanyang mata at dahan-dahan inangat ang kanyang ulo para masilayan ang lalaking nasa kanyang harapan. Nang makuperma niya ang mukha ng binata ay bigla itong napaatras dahil sa hiya.
“Ano, tara na?” nakakatunaw na tingin ang pinakawalan niya kay Zoe.
Kaya nagsimula na naman ang pagkabog ng dibdib ng dalaga. Tiningnan nito si Edward mula ulo hanggang paa habang natutulala na naman.
Napakaguwapo kasi nito sa kanyang suot na uniporme. Dagdag pa ang mapanunaw na titig nito habang nakalagay ang isang kamay niya sa kanyang bulsa.
“Zoe, ano? Tatayo ka na lang ba diyan?” basag ni Edward sa katinuan ni Zoe.
Kaya biglang nagulat ang dalaga at biglang nataranta.
“Okay ka lang, Zoe?”
Napatingin si Zoe kay Edward dahil sa tanong nito. Palakas na kasi ng palakas ang kabog ng kanyang dibdib.
“O-oo, okay lang ako?” nauutal nitong sagot at humakbang ng paa para lampasan si Edward. Subalit sinalubong ito ng mukha ni Edward at halos dumikit na ang labi nito sa labi ni Zoe.
Kaya lalong napalaki ang kanyang mata at hindi na nakagalaw.
“A-anong ginagawa mo?” kinakabahang usal niya sa binata.
Ngunit isang matamis lang na ngiti ang binigay sa kanya ni Edward bago ito nagsalita.
“Ano sa palagay mo?” ani niya sa dalaga saka nagpakawala ng nakakamatay na kindat.
Kaya napaatras bigla si Zoe at muntik pang matumba. Mabuti na lang at kaagad na hawakan ni Edward ang kanyang baywang kaya napasubsub siya sa dibdib ng binata.
“Hays, Zoe, kumalma ka nga!” bulong nito sa sarili at napapikit na lamang dahil sa kaba na bumabalot sa kanyang sistema.
Samantalang si Edward ay nag-eenjoy dahil napayakap sa kanya si Zoe. Kaya hindi na rin napigil nito ang lalong mahulog sa dalaga.
“Ang aga naman ng landian niyo! Dito pa talaga sa loob ng bahay!” basag sa kanila ni Violete.
Kaya nagulat ang dalawa at bigla silang naghiwalay at kapwa nahiya sa isa’t-isa.
“Ano, tatayo na lang ba kayo diyan?” madiing wika pa ni Violete habang naniningkit na naman ang kanyang mata sa galit.
Kaya inayos na si Zoe ang sarili at saka tumakbo pababa ng hagdan. Sinundan naman siya ni Edward at naiwan si Violete.
“Inuubos mo talaga ang pasensya ko, Zoe!” galit na bulong nito saka naglakad na rin pababa ng hagdan.
Habang nakasakay sila sa kotse ni Edward ay wala man lang nagsasalita sa kanilang tatlo hanggang sa makarating sila ng eskuwelahan ay walang ingay na lumabas sa kanilang mga bibig.
“Girl, bakit na umuusok na naman ‘yang ilong mo?” tanong ni Aliyah kat Violete habang naglalakad sila paakyat sa kanilang classroom.
“Paanong hindi uusok ang ilong ko, ang aga-aga nilalandi na naman ni Zoe si Edward!” singhal nito sa kaibigan.
“Wait, Girl! Ang pagkakaalam ko ay hindi mo naman siya lover ‘di ba?”
“Alam mo, Aliyah? Minsan nagtataka na talaga ako sa inyong dalawa ni Vida. Kaibigan ko ba talaga kayo?" inis na turan niya kay Aliyah at umarko ang kilay niya rito.
“Of course, we’re friends,” pagkukunwari nitong wika kay Violete.
“What ever!” singhal nito at bigla na lang iniwan si Aliyah.
Subalit ngumiti lang ng mapait si Aliyah sa kanya habang naglalakad palayo.