Maaga na naman nagising si Edward para sunduin muli sa mansyon nila si Zoe. Pakanta-kanta pa ito habang naliligo. Hindi rin nito napigilan ang mapasayaw habang kumakanta at bumubuhos sa kanyang katawan ang tubig na galing sa shower.
Nang matapos na ito ay kinuha niya ang towel na nakabit sa may pinto at pinunasan nito ang kanyang sarili. Pagkatapos ay lumabas ito at humarap sa salamin habang nakatapis.
“Ang pogi mo talaga, Edward!” bulalas nito sa kanyang sarili at nakuha pa nitong kumindat habang nakangiting mag-isa.
“Hmmm, alin kaya dito ang isusuot ko?” bulong pa nito habang namimili ng kanyang uniporme sa kanyang kabinet.
Nang makapili na ito ay nilagay niya muna ito sa ibabaw ng kama at saka sinuot ang pangloob nitong damit. Namili rin ito ng boxer short at saka brief at pagkatapos ay isinuot. Saka binalik ang paningin sa kanyang uniporme na nasa ibabaw ng kanyang malaki at malambot na kama.
Napakanta na naman ito habang sinusuot ang kanyang uniporme at ikinakabit ang mga butones nito. Muli na naman itong napaharap sa salamin at kinuha ang suklay.
“Napakapogi mo talaga, Edward,” pangiti-ngiti nitong anas sa harap ng salamin. “Siguradong matutulala na naman sa 'yo si Zoe, kapag nakita ka,” pabirong usal nito at napangiti ng bahagya.
Tiningnan nito ang kanyang relong pambisig at pasado alas-sais na ng umaga. Kinuha nito ang kanyang pabango at pinaligo niya ito sa kanyang sarili. Pagkatapos ay inamoy nito ang kanyang hininga kung mabango. Nang mayron itong naamoy ay ngumanga ito at pinuslitan niya rin ang kanyang bibig.
“Puwe! Ang pait mo pala.” Napadura ito habang nakakunot ang mukha dahil sa lasa ng pabango na pinuslit niya sa kanyang bibig. Pagkatapos ay muli niya itong inamoy. “Hmmm, puwede na!” masayang wika nito.
Kaya kinuha na nito ang kanyang mga gamit sa eskuwela at saka lumabas ng kanyang silid. Tinatawag pa ito ng kanilang kasambahay para mag-almusal subalit tinanggihan niya ito dahil nagmamadali na ito papunta sa mansyon nina Zoe.
Sumakay ito sa kanyang mamahaling kotse at mag-isa siyang nagmaneho. Nasa tamang edad na rin kasi siya kaya mayro'n na siyang license kaya mabilis na niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan.
Pasakay na sana si Zoe at Violete sa kanilang sasakyan nang biglang dumating ang kulay puting kotse. Kaya napatingin ang dalawa sa direksyon ng kotse at hinintay kung sino ang lalabas mula rito.
“Guys, let's go! Dito na kayo sumakay.” Binuksan nito ang pintuan sa hulihan ng kotse niya.
Mabilis naman pumayag si Violete subalit hindi ito pumasok sa hulihan. Dumiritso ito sa tabi ng drivers seat katabi ni Edward.
“Zoe!” tawag niya dito habang nakatitig pa ito sa kanya.
Natulala kasi si Zoe ng makita nito si Edward. Napakaguwapo kasi nito sa kanyang suot. Kaya hindi naiwasan ni Zoe ang mapahanga kay Edward.
“Zoe, anu ba! Tatayo ka na lang ba diyan?” inis na naman na turan ni Violete sa kanya.
Kaya nagulat si Zoe at napalunok ng kanyang laway. Nakangiti rin na nakatingin si Edward sa kanya.
“I-ito na,” natataranta nitong sagot at nagmadaling pumasok sa pintuan na binuksan ni Edward.
Napataas na naman ng kilay sa kanya si Violete at muli na naman nitong tinaliman ng tingin si Zoe. Samantalang si Edward naman ay walang mapaglagyan ang kanyang tuwa dahil sa inasal ni Zoe. Kaya nagmadali na rin sumakay sa kanyang kotse si Edward at saka pinaandar ang sasakyan patungo sa kanilang eskuwelahan.
“Okay, we’re here!" anunsyo ni Edward pagkatapos ay tinanggal na nito ang kanyang seat bealt.
Kaya inayos na rin ni Zoe ang kanyang sarili at sinukbit ang kanyang bag. Bubuksan na sana nito ang pinto ng kotse subalit ng ito ay hahawakan niya na ay bigla na lang itong bumukas. Kaya napatingin ito sa bumukas ng pinto at tumambad sa kanya ang guwapong mukha ng binata habang matamis itong nakangiti sa kanya.
“S-salamat!” nahihiyang wika nito at napatingin sa kawalan upang makaiwas sa mapanunaw na titig ng binata.
“At ako, hindi mo ba pagbubuksan?” basag naman ni Violete kay Edward. Kaya nagmadali rin ang binata na buksan ang pintuan ni Violete. Tinarayan pa nito si Edward dahil sa inis.
Pagkababa nina Violete at Zoe ay ni-lock na rin ni Edward ang kanyang kotse at sabay-sabay na silang naglakad. At habang naglalakad sila ay may biglang tumawag sa pangalan ni Zoe. Kaya napatingin si Zoe sa gawi kung saan narinig ang tinig.
“Zoe, sabay na tayong pumasok!” ani Glenda sa kanya. “Naalala mo ba ako?” tanong nito kay Zoe.
Oo, naman!” sagot rin ni Zoe.
Dumating na rin ang mga kaibigan ni Violete at hinila nila si Violete para sumama sa kanila.
Si Edward naman ay masayang nakasunod lang kina Zoe at Glenda.
“I'm, Glenda.” Iniabot nito ang kanyang kanang kamay kay Zoe tanda ng kanyang pagpapakilala.
“Zoe. Zoe, ang pangalan ko.” Iniabot rin nito ang kanyang kanang kamay at ngumiti.
“Oo, kilala na kita. Nakita kita sa canteen kahapon, and nakita ko rin if what did Violete to you,” malungkot nitong wika kay Zoe.
Napangiti naman si Zoe sa kanya.
“Okay lang ‘yon, ang mahalaga hindi naman ako nasaktan,” sagot rin ni Zoe rito. “Salamat nga pala sa ginawa mo kahapon, ha!” sambit naman ni Zoe sa kanya.
“Naku, wala ‘yon. Ayaw ko lang kasi makakita ng gano’ng attitude,” sagot naman nito at sinulyapan ang papalayo na si Violete kasama sina Aliyah at Vida habang nagtatawanan.
Kaya napatingin rin si Zoe sa kanila habang may lungkot sa mata.
Naging magkasundo kaagad sina Zoe at Glenda. At masaya naman silang pinapanood ni Edward habang kumakain na sila sa canteen.
“Sabi ko na, eh! Dito lang kita makikita,” bulalas na naman ng kaibigan ni Edward na si Macky.
“Bakit ba? Ano bang kailangan mo?” nakangiting tanong naman nito kay Macky subalit hindi mapatid ang paningin niya kay Zoe.
“May practice tayo mamaya, kaya kita hinahanap. Ilang araw ka nang hindi sumusipot. Nagtatanong na rin si coach Ryan tungkol sa 'yo."
“Sabihin mo sa kanya pupunta ako,” sagot lang nito. Ngunit nakatingin pa rin ito kay Zoe habang nakatayo sila sa gilid ng pinto.
Natatawa naman sa kanya si Macky dahil pasilip-silip lang ito kay Zoe. Dala ng kapilyuhan ay sinipa niya ang puwetan ni Edward kaya natumba ito at kaagad itong napansin ni Zoe dahil sa ingay na likha ng kanyang pagkakabagsak sa sahig. Pinagtitinginan na rin kasi ito ng ibang estudyante na kumakain rin.
“Pasawa—” Magsasalita pa sana si Edward para pagalitan si Macky subalit bigla na lang tumakbo ang pilyo habang tumatawa pa ng malakas.
Kaya tumayo na lang ito at pinagpag ang sarili saka tumingin kay Zoe na nakatingin rin sa kanya. Kaya wala na itong nagawa kung hindi kawayan si Zoe at saka nagmamadaling umalis.
“Hays, buwesit ka talaga Mack! Lagot ka sa ‘kin kapag nakita kita!” inis na asik nito.
Samantala natawa naman ng bahagya si Zoe kay Edward at napansin ‘yon ni Glenda.
“May gusto sa ‘yo si Edward, noh?” bulalas na tanong nito at sinundot nito ang baywang ni Zoe.
Nagulat naman si Zoe sa tanong ni Glenda sa kanya. Kaya hindi napigilan ang pamumula ng kanyang mukha.
“Sabi ko na nga ba, eh! Ayeeeh,” muling bulalas nito at napahagikhik ng tawa.
“Oy, hindi! Inaasar lang ako n’on!” depensa niya naman.
“At, ikaw? May gusto ka rin sa kanya?” muling tanong nito.
Kaya natigilan si Zoe sa pag-inom ng juice at bigla itong naubo dahil nasamid na pala ito.
“Ano ka ba, Glenda! Wala akong gusto sa kanya,” sagot rin nito. Subalit biglang kumabog ang kanyang dibdib at pakiramdam niya subrang init na ng kanyang mukha.
“Wala naman masama kung magkagusto ka sa kanya. Wala naman ‘yon girlfriend, eh,” anas pa nito kay Zoe.
Kaya napangiti bigla si Zoe sa sinabi ni Glenda at napaisip.
Pagkatapos ng klase nila ay niyaya ni Glenda si Zoe na panuurin ang laro ni Edward. Pumayag naman si Zoe kaya pumunta na sila sa basketball court ng kanilang eskuwelahan. Naroon din si Violete at ang kanyang mga kaibigan habang chinicheer-up nila si Edward.
Samantala panay naman ang ikot ng paningin ni Edward sa mga nanonood. May hinahanap kasi itong tao na gusto niyang makita. Sumilay ang ngiti nito sa labi ng makita na nito ang tao na kanina niya pa hinihintay. Si Zoe.
“Galingan mo, Edward!” sigaw ng mga kababaihang mga estudyante na nanonood sa kanila. Nagsisitilian pa ito habang pinapanood si Edward.
Kaya hindi na naman napigil ni Zoe ang mainis. At lalo na itong dumagdag ng masilayan ang mukha ni Zoe habang nakangiti pa itong nakatingin kay Edward.
“Panira ka talaga, Zoe!” bulong na naman nito habang naniningkit ang mga mata sa inis.
Tiningnan nito si Edward at nakita nito kung paano nginitian ng matamis si Zoe. Kaya napakuyom na naman ito ng kanyang kamao habang nanginginig ang buo niyang kalamnan.
“Are you okay, girl?” basag sa kanyang sistema ni Aliyah. Napansin kasi nito na tila hindi na naman maganda ang aura ni Violete.
Ngunit hindi ito sumagot. Nakatingin lang ito ng matalim kay Zoe. Kaya kinalabit muli ito ni Aliyah at doon lamang bumalik ang buo niyang sistema.
“What are you saying?” tanong nito kay Aliyah hindi niya kasi narinig kung anong sinabi ni Aliyah dahil iba naman ang nasa kanyang isipan. Ang pagka-inis nito kay Zoe.
“I said. Are you okay?” muling ulit na tanong ni Aliyah.
Napalunok muna ng laway si Violete bago sumagot sa kaibigan.
“Yes, I'm okay? Why did you ask?” pagtatakang tanong naman nito sa kaibigan.
“Parang hindi ka kasi mapalagay diyan, kanina pa nagpapakitang gilas sa pagpa-shoot ng bola si Edward, tapos hindi mo naman tinitingnan,” usal nito kay Violete.
“Sino ba kasi ang tiniting—” Magsasalita pa sana si Aliyah pero bigla niyang nakita si Zoe habang mapait na nakatingin si Violete rito. Kaya hindi na lang ito nagsalita.
“May nakita lang ako na biglang sumira ng araw ko!” asik nito habang nakatitig pa rin ng mapait kay Zoe.
“I see!” sabat naman ni Vida na kanina pa nakamasid sa kanilang dalawa.
“Kaya pala kanina ka pa diyan hindi mapalagay, dahil nandito ang sister mo,” wika ni Aliyah.
“Talaga? Where is she?” kursyunidad naman na tanong ni Vida. Kaya tinuro naman ito ni Aliyah sa kanya.
“So, pretty talaga ng sister mo, Girl!” pang-aasar na turan ni Vida.
Kaya nag-init lalo ang ulo ni Violete at bigla na lang itong umalis at iniwan ang dalawa nitong kaibigan.
“Hoy! Girl, wait sasama kami.” Susunod sana sina Vida at Aliyah subalit nagalit si Violete at dinuro nito ng madiing banta ang dalawa.
“Don't you ever follow me!” nanlilisik ang mata ni Violete sa galit. Saka dinuro ang dalawa.
Kaya hindi na sumunod sina Aliyah at Vida kay Violete. Subalit bigla na lang sumilay sa labi nila ang ngiti ng isang traydor na kaibigan.
Panay naman ang pakitang gilas ni Edward kay Zoe. Bawat tira nito ay shoot pagkatapos ay isang matamis na kindat ang pinapakawalan niya kay Zoe. Kaya hindi na naman napigil pa ni Zoe ang pamumula ng kanyang mukha.