Pabalibag na tinapon ni Aurora ang kanyang cellphone matapos marinig ang lahat nang sinabi sa kanya ni Violete. Kasabay ang malakas na singhal nito habang nanlilisik ang mga mata dahil sa galit.
“Hayop ka, Lilian! Hayop ka! Kung alam ko lang na babalik ka pa sa buhay namin, sana noon pa lang ay pinatay na kita!” sigaw nito habang nagwawala sa galit.
“Hindi ako papayag na makuha mo ang pamilya ko. Kung kinakailangan kong sumamba sa lahat ng demonyo para lang mawala kayong mag-ina sa buhay namin, gagawin ko ‘yon!” muling sigaw nito na puno ng galit ang kanyang mga mata. Namumuo na rin ang mga luha mula sa kanyang mga mata dahil sa galit na nararamdaman.
Nakita nito ang picture frame nilang tatlo nina Violete at Roman, kaya kinuha niya ito habang nagsisimula na ang pagtulo ng luha mula sa galit na nakapaloob sa kanya.
“Hindi ako makakapayag na muling sirain ni Lilian ang pamilya natin, Roman. Dahil handa akong pumatay at mamatay maprotektahan ko lamang ang pamilyang pilit kong pinaglalaban!” madiing asik niya dito at hinimas ang litrato ng kanyang mag-ama.
Hinimas rin nito ng kanyang kamay ang litrato ni Violete at saka kinausap na parang nasisiraan ng ulo.
“Don't worry, Baby. Darating na si Mommy, at gagawin ko ang lahat para protektahan ka laban sa mag-inang ‘yon!” madamdaming wika niya dito at niyakap ng mahigpit ang litrato kasabay ang muling pagbuhos ng luha na puno na galit.
Kumuha ito ng wine habang nanginginig ang mga kamay at binuksan. Nanginginig niya itong isinalin sa kanyang hawak na kopita. Uminom ito na parang tubig at nang maubos ay nagsalin ulit ito at muling nilagok.
Ngunit kahit nahihilo na ay hindi pa rin humuhupa ang kanyang galit. Hanggang sa tumawa itong mag-isa at naglakad patungo sa kanyang kama habang pasuray-suray.
“Hindi mo ako maiisahan, Lilian!” anas nito at humalakhak muli ng tawa habang dala-dala ang kanyang hawak na kopita na may lamang wine. Nagkakadaliko-liko na rin ang kanyang takong dahil sa kalasingan.
“Malapit na akong bumalik, Baby!” baling nito sa litrato nilang tatlo na nakapatong sa lampshade habang tumutulo ang luha at nanlilisik pa rin ang mga mata. “Gagawin nating miserable ang buhay nila!” muling singhal nito at tinapon ang kopita na hawak sa dingding kaya nabasag ito at biglang nagkalat ang mga bubuong sa baba pati na ang kulay pulang wine.
Hindi na rin maipinta ang kanyang hitsura dahil magulo na ang kanyang buhok. Nagkalat na rin ang kanyang eyeliner sa mata at nagmistulang itim na ang palibot ng kanyang mata.
Kahit hirap na sa pagtayo dahil sa kalasingan ay pinilit pa rin nitong tumayo at humarap sa salamin. Kinakauusap nito ang salamin na para na itong nasisiraan ng ulo.
“Ano ba ang kulang sa ‘kin, Roman? Bakit ba hindi mo maibigay na buo ang pagmamahal mo sa ‘kin?” madamdaming tanong nito at hinawakan ang kanyang mukha habang tumutulo ang luha.
“Ginawa ko ang lahat, gumawa ako ng paraan para maibsan ang pangunglila mo sa Anak! Pero hindi pa rin sapat ‘yon?” Dahan-dahan itong napaupo at napasalampak sa sahig habang tuloy ang paghihinagpis ng kanyang damdamin.
Humagulhol pa rin ito ng iyak habang napapasabunot sa nakapuyod nitong buhok. Hindi na rin narinig nito na kanina pa pala kumakatok ang kanyang secretary dahil naririnig niya ang mga sigaw ni Aurora mula sa labas ng pinto. Subalit hindi niya ito mabuksan dahil hindi na ito makatayo dahil sa kalasingan. Kaya binuksan na lang ng secretary ang kanyang pintuan at tumambad sa kanya ang hitsura ni Aurora na parang bata na inagawan ng candy.
Napatingin rin ito sa paligid dahil nagkalat ang basyo ng mga basag na baso at nagkalat rin ang kulay pulang wine sa sahig.
“Madam!” gulat na sigaw ni Marie, isang pilipina at nagtatrabaho rin sa kanilang kompanya. Kaya napatakbo ito patungo kay Aurora dahil sa pag-aalala.
“Madam, kumapit po kayo sa ‘kin.” Kinuha nito ang kanang braso ni Aurora at pinaakbay niya ito sa kanya.
“K-kaya kong tumayong mag-isa, Marie! B-bumalik ka na sa trabaho mo!” nauutal-utal nitong wika kay Marie.
“Hindi ko po kayo puwedeng pabayaan, Madam.” Inalalayan nitong makatayo si Aurora. Subalit iwinaksi ni Aurora ang kanyang kamay at sinigawan siya.
“Hindi ko kailangan ang tulong mo!” singhal nito at bumitaw sa pagkaka-akbay kay Marie kaya bigla itong natumba sa sahig.
“Hindi niyo na po kaya, Madam! Hayaan niyo po na tulungan ko kayo,” pagkukumbinsi rito ni Marie.
Ngunit humaguhol na naman ng iyak si Aurora. Kaya natigalgal si Marie at natulala na lamang sa inaasta ni Aurora.
“Saan ba ako nagkamali, Marie? Lahat binigay ko sa kanya, sinunonod ko ang lahat ng gusto niya!” lumuhang wika nito na punong-puno ng hinanakit sa asawa.
Kaya hindi na rin napigil pa ni Marie ang tumulo ang luha dahil sa awa sa kanyang amo. Hinimas niya ito sa likod na may nadaramang awa kay Aurora.
“Sana pinatay ko na lang siya noon, sana pinatay ko na lang si Lilian noon!” mulling singhal nito habang panay ang hagulhol ng iyak.
Hindi naman makapagsalita si Marie dahil sa mga sinabi ni Aurora. At gumuhit na rin sa kanyang mga mata ang lungkot nang masilayan ang pinagdadaanan ng kanyang amo.
Hanggang sa muli niya na itong inalalayan upang makatayo para makahiga na sa kama. Nang masiguro niya na maayos na itong nakatulog ay iniwan niya na ito. Malungkot niya itong sinulyapan ng tingin bago tuluyang lumabas ng silid ni Aurora.
“Hindi talaga mabibili ng pera ang pagmamahal,” bulong nito sa sarili habang napapabuntonghininga ito.
Hindi naman makatulog si Roman ng mga oras na ‘yon. Pumunta ito sa kanyang opisina sa loob ng kanilang bahay. Naupo ito sa kanyang swivel chair habang napapabuntonghininga at nakita nito ang nakapatong na bote ng whisky kaya tumayo ito at kumuha ng baso. Pagkatapos ay nilagyan niya ito ng ice tube at saka sinalinan ng whisky. Tinitigan muna niya ito saka pinaikot-ikot ang ice tube sa loob ng baso.
Pagkatapos ay tinungga niya ito at sumandal sa kanyang upuan, habang nilalaro ito ng kanyang likod kaya panay ang galaw nito habang malalim ang kanyang iniisip. Tumungga ulit ito ng alak at inikot ang upuan sa kanyang likuran. Kaya tumapat siya sa larawan nina Violete at Zoe na nakadisplay sa kanyang likuran na nakapatong sa kanyang kabinet.
“Masama ba akong ama?” tanong nito sa kanyang sarili habang nangungulap na ang mga mata dahil sa luha na gusto ng kumawala.
Tumayo ito at tinungo ang mga litrato. Kinuha niya ang litrato ni Violete at hinimas ito.
“Hindi mo alam kung gaano kita kamahal, Anak. Lahat sana ng ito ay para sayo.” Binuka nito ang kanyang kamay at inikot ang paningin para ituro ang kabuuhan ng buong paligid.
Kinuha rin nito ang litrato ni Zoe at kinausap rin.
“Kayong dalawa lang ay sapat na para sa ‘kin!” nagsimula ng tumulo ang kanyang mga luha na kanina pa nagbabadyang bumuhos. “Ito lang ang maipapangako ko sa inyo. Magiging mabuti akong Ama at gagawin ko ang lahat para sa inyong dalawa.” Niyakap nito parehas ang larawan na hawak.
Pagkatapos ay bumalik ito sa kanyang table at naupo sa kanyang swivel chair. Naglagay ulit ito ng ice tube sa baso at sinalinan ng whisky saka nilagok. Nang maubos na ito ay tumayo na ito at sinara ang ilaw saka lumabas at sinarado ang pinto. Dumiritso na ito sa kanyang silid at saka nahiga. Mabilis naman itong nakatulog dahil umiipekto na ang alak na kanyang nainom.