“Class, Listen!” anunsyo nang kanilang guro na babae. “I would like to intruduce to both of you, your new classmate. Zoe Mendoza Rodriguez,” pahayag ng kanilang guro sa loob ng kanilang silid at itinuro kung saan banda nakaupo si Zoe. “Come, Zoe. Magpakilala ka na sa bago mong mga kaklase,” utos nito kay Zoe.
Kaya nagsipalakpakan ang kanyang mga kaklase at gano’n din si Edward. Subalit si Violete ay hindi man lang pumalakpak at nakuha pa nitong taliman ng tingin si Zoe. Tumayo na rin si Zoe at magalang na nagpakilala sa kanyang mga kaklase. Nabanggit rin ng kanilang guro na kapatid siya ni Violete kaya hindi na naman napigil ang pagkainis ni Violete kay Zoe.
“Girl, kapatid mo pala siya? Infiernes ha, she’s pretty like you,” turan naman ng kaibigan ni Violete na si Aliyah.
“Isa ka pa!” galit na anas nito at tinaasan ng kilay si Aliyah.
“Why? You don't like her, ba?” maarteng wika nito sa kaibigan.
“Shut-up! Kung kaibigan kita, dapat galit ka rin sa kanya!” untag niya kay Aliyah kaya nanlaki ang mata ni Aliyah dahil sa gulat kay Violete.
“Fine, fine.” Itinaas nito ang dalawang kamay na naghuhudyat na sumasang-ayon siya sa kaibigan na si Violete.
Lalo pa itong nainis dahil panay ang sulyap ng tingin ni Edward kay Zoe habang nakangiti pa. Kaya lalong nanginig ang kanyang kalamnan sa galit kay Zoe at napakubli ang kanyang kamao.
_______________
“Hey, bro!” untag ng kaibigan ni Edward na si Macky. “Bakit hindi mo siya lapitan, baka matunaw siya kakatitig mo!” bulalas pa nito.
Ngunit nginitian niya lang ang kaibigan at muling binaling ang paningin kay Zoe na kumakain sa canteen. Subalit biglang kumunot ang noo nito nang makita na papalapit si Violete dito kasama ang dalawa nitong kaibigan na si Aliyah at Vida.
“Hey, bro! Where are you going?” pahabol na tanong ni Macky dahil biglang nagmadali si Edward na umalis para puntahan si Zoe.
“So, your're here!” madiing wika ni Violete.
Kaya napatigil sa pagsubo ng cake si Zoe at tiningnan nito si Violete.
“So, pretty pala nang kapatid mo, Violete,” bulalas ni Vida kaya nagalit na naman si Violete.
“Shup-up, Vida! I don't need your opinion!” singhal niya sa kaibigan.
“Opps, sorry!” pang-aasar pa nitong wika at tinaasan ng kilay si Violete habang nakatalikod ito sa kanya at nakaharap kay Zoe.
Kaya kinalabit ni Aliyah ang kamay ni Vida para tumahimik na lang.
“Violete, please. Ayoko ng away,” pagmamakaawa ni Zoe rito.
“At sinong nagsabi sa 'yo na aawayin kita?” madiing anas nito kay Zoe.
“Kung gano’n, ano ang kailangan mo?” tanong naman ni Violete sa kanya.
“Para ibigay 'to.” Kinuha nito ang dala na milktea ni Aliyah at binuhos sa ulo ni Zoe.
Kaya napanganga sa gulat ang dalawa nitong kaibigan at gano’n rin si Zoe.
“Sa susunod na humarang ka sa daraanan ko, hindi lang ‘yan ang aabutin mo!” banta pa nito kay Zoe.
Subalit biglang dumating si Edward at hinubad ang suot nitong uniform at pinunas sa ulo ni Zoe.
“Sumusubra ka na talaga, Violete!” singhal nito na ikinagulat ni Violete.
“E-Edward!” gulat nitong wika na may panginginig ang boses.
Samantala, nagsimula na rin ang pag tulo ng luha ni Zoe dahil sa ginawa sa kanya ni Violete. Pinagtitinginan na rin sila ng mga ibang estudyante na kumakain rin sa canteen habang nagbubulungan pa ito.
“I can't believe na nagawa mo ‘to sa sarli mong kapatid, Violete!” galit na anas ni Edward.
Kaya natigalgal si Violete at hindi nakapagsalita. Natauhan na lang ito nang kalabitin siya ni Aliyah.
“Girl, let's go! Everyone looking at you,” wika ni Aliyah kay Violete.
Kaya nagmadali itong umalis habang tumutulo na rin ang luha dahil sa kahihiyan.
“Are you okay, Zoe?” malungkot na tanong rito ni Edward.
Subalit bigla na lang tumakbo si Zoe habang umiiyak at dumiritso ito sa restroom ng kanilang eskuwelahan. Tumingin ito sa salamin habang panay pa rin ang tulo ng kanyang luha. Binuksan nito ang gripo at naghilamos ng mukha. Kinuha rin nito ang panyo niya sa bag para punasan ang kumalat na milktea sa kanyang ulo at damit. Ang kulay puti nitong uniporme ay nagmistulang kulay brown dahil sa kulay ng milktea na binuhos sa kanya ni Violete.
“Kaya mo ‘to, Zoe!” pagpapalakas ng loob nito sa sarili at huminga rin ito ng malalalim.
Sinarado niya ang pintuan ng restroom at ni-lock para walang makapasok at pagkatapos ay hinubad nito ang pang-ibabaw na uniporme at saka kinusot sa gripo. Pagkatapos ay itinapat niya ang ulo niya sa gripo at binanlawan niya ang kanyang buhok. Pagkatapos ay pinatuyo niya ang kanyang damit sa hand-dry na nakakabit sa dingding.
Samantala, na sa labas naman ng restroom si Edward at hinintay na lumabas si Zoe. Subalit tatlong minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin ito lumalabas. Magsisimula na kasi ang kanilang klase. Panay lang ang tingin nito sa kanyang relong pambisig.
“Bilisan mo, Zoe!” natatarantang bulong nito habang hindi mapakali. Pabalik-balik rin ito ng lakad sa tapat ng pinto.
Hanggang sa narinig na nito na tumunog ang doorknob kaya umayos na ito ng tayo at hinintay na lumabas ang dalaga. Pagkalabas ay agad niyang hinila ang kamay ni Zoe at tumakbo sila upang makahabol sa klase. Nagulat pa sa kanya si Zoe subalit no choice na siya dahil late na sila ng limang minuto.
Pagdating nila doon ay pinagtinginan sila ng kanilang mga kaklase pati na ang kanilang guro. Mapait rin na nakatingin sa kanila si Violete at nakita nito hawak-hawak ni Edward ang kamay ni Zoe kaya napakuyom na naman ang kanyang kamao.
“Bakit ngayon lang kayo?” tanong ng kanilang guro na ngayon ay lalaki naman.
Subalit may isang estudyante ang biglang sumabat.
“Of course, Sir! Because of what did Violete to her!” pagsusumbong nito sa kanilang guro.
“And what do mean by that, Glenda?” kursyunidad na tanong nito sa estudyante na sumabat.
“I saw Violete sa canteen, and nakita ko po na binuhusan niya ng milktea si Zoe, Sir!” dagdag pa nitong sumbong.
Kaya nanlaki ang mata ni Violete at biglang kumabog ang kanyang dibdib.
“Okay, pumasok na kayo at maupo,” utos ng kanilang guro sa dalawa kaya pumasok na rin sila at naupo.
“Zoe! Violete! Before you go home pumunta muna kayo sa principals office. I will talk both of you, later!” mahinahong wika pa rin sa kanila ng kanilang guro.
Kaya napatingin na naman ng masama si Violete kay Zoe.
Pagkatapos ng kanilang klase ay kinausap na nga sila ng kanilang guro at ng principal nang kanilang eskuwelahan. Ayaw sana magsalita ni Zoe para hindi mapahamak si Violete subalit pinilit ito ng kanilang guro. Kaya napilitan ito na magsalita at sabihin kung ano talaga ang nangyari. Pinagalitan naman ng principal si Violete at pinatawag ang kanilang Ama.
Humingi naman ng pasensya si Roman sa principal dahil sa inasal ni Violete. Subalit nalungkot ito dahil sa ginawa na pamamahiya ni Violete kay Zoe.
Pagkapasok pa lang nila sa sa kanilang mansion ay isang malutong na sampal ang pinakawalan ni Roman kay Violete.
“How can you do this to Zoe, Violete?” galit na galit na bulyaw nito.
Bigla naman nanlaki ang mga mata ni Zoe dahil sa pagkabigla. Hindi lubos maisip nito na magagawa iyon ni Roman kay Violete.
Humaguhol naman ng iyak si Violete dahil sa ginawa sa kanya ni Roman.
How, dad?” mataas na boses na sagot nito. “Because she's taking you away from me! And all your attention is already on her! Do you know how painful is that, Dad? Do you know?” mga tanong nito sa Ama habang sunod-sunod ang pagragasa ng kanyang mga luha dahil sa sakit na nararamdaman.
“Hindi niya ako nilalayo sayo, Violete! Ikaw ang lumalayo ng sarili mo sa ‘min!” bulyaw pa ni Roman sa kanya.
Subalit tumawa lang si Violete habang tumutulo ang luha na halata ang pagkadismaya sa kanyang mukha.
“All my life, Dad, hindi niyo pinaramdam sa ‘kin na anak ang turing niyo sa ‘kin. Tapos ngayon sasabihin mo sa ‘kin na ako ang lumalayo sa inyo? Tinanong niyo rin ba ang sarili niyo kung bakit ako ganito ha, Dad?” Tumingin siya sa ama habang patuloy pa rin sa pag-agos ang kaniyang mga luha.
“Hindi ’di ba? Dahil wala kang ibang inisip kung hindi ang kompanya mo! At kahit kailan hindi ko man lang naramdaman na minahal niyo talaga ako!” mahabang pahayag pa nito habang tuloy pa rin sa paghikbi.
Napaisip bigla si Roman sa kanyang narinig mula sa bibig ni Violete at nakaramdam ito ng kirot sa dibdib. Kaya nagsimula na rin bumuhos ang kanyang mga luha dahil sa mga sinabi ng anak. Hindi niya kasi lubos maisip na nagkulang rin pala siya kay Violete. Kaya bigla itong nagsisi sa ginawa niya rito.
“I'm sorry, Violete. I'm sorry kung ‘yon ang naramdaman mo. You know how much I love you dahil ikaw ang bumuo ng pagkatao ko. Kaya ‘wag mong iisipin na hindi kita minahal.” Lumapit si Roman kay Violete na puno ng lungkot ang mata at hinawakan ang kamay nito.
Ngunit hindi man lang iyon tiningnan ni Violete. Nakatingin lang ito sa kawalan habang tuloy pa rin ang patulo ang kanyang mga luha. Pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit ni Roman.
“I'm so sorry, Baby! Nabigla lang si Daddy. I promise, i will do my best to be a good father sa inyo ni Zoe. Kaya napayakap na rin ng mahigpit sa kanya si Violete habang hindi pa rin tumtigil sa pagpatak ang kanyang luha.
Masaya naman sila na pinagmasdan ni Zoe kaya hindi na rin nito napigil pa ang patulo ng kanyang masaganang luha.
Iniabot rin ni Roman ang kanyang kamay kay Zoe upang magyakapan silang tatlo. At pagkatapos ng tensyon na ‘yon ay nakatulog si Zoe na may ngiti sa labi. Subalit si Violete ay hindi pa rin humuhupa ang galit kay Zoe. Kailangan niya muna itong pakisamahan hanggang sa dumating ang kanyang Ina na si Aurora.
“Hindi pa ako tapos sa 'yo, Zoe! At gagawin ko ang lahat para mapaalis ka sa bahay na ‘to!” bulong nito sa sarili habang naniningkit ang mata. “Hindi ako papayag na maagaw mo sa ‘kin si Edward!” dagdag pa nito.
Kinuha nito ang kanyang cellphone at muling tinawagan si Aurora.
“Mom, kaylan ba kayo babalik dito?” bungad agad na tanong sa kanya ni Violete.
“Malapit na. Why, baby?” tanong rin nito sa kabilang linya. Naramdaman niya kasi na parang may problema si Violete sa tuno pa lang ng pananalita nito.
Humaguhol na ng iyak si Violete sa tanong ni Aurora. Kaya nataranta si Aurora sa kanya.
“Shhh, Baby!" pang-aalo kaagad nito. What’s going on, and why are you crying?” nag-aalalang tanong ni Aurora sa kanya.
“Mommy, please! Bumalik ka na, I miss you so much and I need you beside of me,” pagmamakaawa nito sa Ina habang tuloy pa rin ang pagtulo ng kanyang mga luha.
“Okay, Baby. Nextweek uuwi na ako, tell me what happen?" pagtatanong na ni Aurora sa Anak.
“Daddy, hurt me because of Zoe, Mom!” sagot nito at lalong napalakas ang kanyang hagulhol.
“What?” gulat nitong anas. “Nagawa ‘yan sa 'yo ng Daddy mo?” hindi makapaniwalang tanong.
“Yes, Mom! And that's because of Zoe.” Pinunasan nito ang luha na pumatak sa kanyang mga mata at ngumiti ng mapait. Kailangan niya kasi na sabihin ‘yon para umuwi na ang kanyang Ina. Alam niya kasi na tutulungan siya ng kanyang Ina dahil mahal na mahal siya nito at hindi siya nito kayang tiisin.
“Okay, Baby! I'll talk your, Dad! How could he do this to you?” galit na galit na singhal nito sa telepono.
Subalit pinigilan na ito ni Violete at sinabing ‘wag na lang kausapin ang Daddy niya dahil baka mag-away pa sila. Nakinig naman si Aurora pero nagalit na ito ng subra at handa nang ibigay ang buhay na dapat katakutan ni Zoe sa kanyang pagbabalik.