Pagkatapos maglaro ni Edward at Zoe ay pumunta sila sa bilihan ng mga gamit sa school. Masaya silang pumili ng mga gusto nila. Medyo nabawasan na rin ang inis ni Zoe kay Edward.
“Ano, ‘yan na ba lahat ang napili mo?” tanong ni Edward kay Zoe.
“Oo. Ang dami nga, eh. At ang magaganda ang lahat ng disenyo ng mga school supplies dito,” nakangiting wika naman ni Zoe.
“Kung gano`n, tara na at baka hinihintay na nila tayo.” Muling hinawakan ni Edward ang kamay ni Zoe at saka hinila papunta sa kanilang mga kasamahan.
Hindi naman mapalagay si Zoe dahil sa ginagawa sa kanya ni Edward. Panay lang ang sulyap nito sa kamay nilang dalawa habang naglalakad. Sinulyapan rin nito ang mukha ng binata na nakangiti habang naglalakad sila.
Subalit lingid sa kanilang kaalam ay kanina pa pala nakasunod si Violete sa kanila. Naniningkit na naman ang mga mata nito sa galit.
“Hindi mo maaagaw sa ‘kin si Edward, Zoe! Nagkamali ka ng piniling buhay, tandaan mo ‘yan!” bulong nito sa sarili.
Tinawagan nito ang kanyang Ina na nasa ibang bansa. At sinabi ang tungkol kay Zoe.
“Mom, please. I need you here. Hindi ko kayang makasama ang anak ni Daddy sa labas!” singhal nito sa Ina sa telepono.
“Don't worry, Baby. Malapit na akong umuwi at pagsisihan nang Zoe na ‘yan na sumama siya sa Daddy mo!” asik naman ni Aurora sa kabilang linya.
“She’s getting to my nerve, Mommy! Kailangan mapaalis na natin siya bago niya pa maagaw sa ‘kin si Edward, Mom!” muling asik nito sa Ina.
“Don't worry, Baby. I promise, i will make her life miserable kapag nakauwi na ako riyan,” pangako nito sa anak.
“Okay, Mom,” sagot naman nito sa Ina at saka ibinaba ang telepono.
Pagkatapos ay muling sinulyapan ng tingin ang dalawa habang papalapit na kay Roman at ngumiti ng mapait.
“Ano, ‘yan na ba ang mga pinamili mo, Anak?” nakangiting tanong ni Roman kay Zoe.
“Opo, Papa,” sagot nito at nginitian si Roman.
“Ikaw, Edward? Nabili mo na ‘rin ba ang mga kailangan mo?” baling rin na tanong nito.
“Yes po, Tito,” sagot naman nito at ngumiti saka tinapon ng tingin si Zoe.
“So, nandito na pala sila? Nag-enjoy ba kayo?” sabat naman ni Violete habang naglalakad palapit sa kanila.
“Violete, magsisimula ka na naman,” asik ni Roman dito.
“What! Masama na ba ang magtanong ngayon? Tingnan mo naman ang ngiti ni Zoe, abot hanggang langit! At mukhang nag-enjoy talaga siya!” singhal nito sa Ama.
“Talagang—” Magsasalita pa sana si Roman pero biglang sumabat si Zoe.
“Pa, please. Hayaan niyo na lang po,” wika nito sa Ama at yumuko na lamang.
Kaya hindi na lang nagsalita pa si Roman pero dinuro niya nang kanyang hintuturo si Violete na may pagbabanta.
Pagkatapos ng tensyon ay pumunta sila sa isang mamahaling restaurant at kumain. Ngunit hindi na sumama si Violete sa kanila. Lumabas na ito ng Mall at hinintay na lang ang kanyang mga kasama sa loob ng kanilang sasakyan. Hindi pa rin humuhupa ang galit nito kay Zoe. Makalipas ang isang oras ay natanaw na ni Violete ang tatlo na naglalakad habang natatawanan.
“Talagang masaya pa kayo, ha!” bulong nito sa sarli.
Pagkatapos makauwi ay inayos na ni Zoe ang kanyang mga pinamiling mga gamit sa school at nilagay niya rin sa kabinet ang mga damit na nabili.
“Ayan, tapos na!” nakangiting anas nito.
Hihiga na sana ito subalit narinig niya na may kumakatok sa kanyang pintuan kaya tumayo ito para pagbuksan.
“Buti naman gising ka pa, Anak,” bungad ni Roman.
“Matutulog na nga po sana, Papa. Bakit po?” tanong nito sa Ama.
“Dinala ko lang itong uniform mo sa school para bukas,” sambit nito sa anak at iniabot ang hawak na uniform.
“Thank you, Papa.” Niyakap nito ang Ama dahil sa tuwa.
“Sa wakas po makakapag-aral na ako sa magandang paaralan,” masayang sabi nito habang hinihimas ang uniporme na binigay ng Ama.
“Masaya ka ba, Anak?” kursyunidad na tanong ni Roman. Kaya napatingin bigla si Zoe sa sa kanya.
“Oo naman po, Papa. Bakit niyo naitanong?”
“Hindi ko kasi lubos maisip na makakasama pa kita. Ang akala ko kasi talaga noon ay patay na kayo nang mama mo, eh,” malungkot na wika nito sa anak.
Kaya nilapitan muli ito ni Zoe at niyakap ng mahigpit.
“Hindi niyo rin po alam kung gaano ako kasaya ngayon, Papa. Matagal ko pong pinangarap na makilala kayo at makasama,” usal naman ni Zoe at bahagyang tumulo ang luha.
Nagsimula na rin pumatak ng bahagya ang luha ni Roman sa kanyang mga pisngi. “Maraming salamat, Anak, dahil pumayag ka na sumama sa ‘kin dito,” wika rin nito at kumalas sa pagkakayakap ni Zoe sa kanya saka tinitigan ng mabuti si Zoe.
“Kamukhang-kamukha mo talaga ang iyong Ina.” Hinawi nito ang buhok ni Zoe sa gilid ng tainga habang maluha-luha itong nakatitig.
“Maraming salamat po, Papa. Pangako po magiging mabuti akong anak sainyo ni Nanay,” pahayag nito sa Ama.
Kaya ngumiti si Roman at muli niyang niyakap si Zoe.
Samantala pababa sana si Violete para kumuha ng tubig subalit natigilan siya nang masulyapan ang likod ng Ama na nasa kuwarto ni Zoe. Kaya kumubli ito sa isang sulok at pinakinggan ang pinag-uusapan ng dalawa. Hindi nito napigil ang pagragasa ng luha dahil sa mga narinig.
“All this time, Dad! Hindi pa pala ako naging sapat sainyo?” lumuhuhang bulong nito sa sarili. “God knows kung gaano ako naging mabuting anak sayo, pero binaliwala niyo lang ako. Pinaramdam niyo sa ‘kin na hindi ako sapat para sainyo. At lalo na ngayon na narito na sa puder niyo ang tunay niyong anak. So, ano pa ang aasahan ko?” Pinunasan nito ang luha na kumalat sa kanyang pisngi at umayos ng tayo. Saka naglakad at bumalik sa kanyang silid.
Doon niya binaling ang sama ng loob. Kumuha siya ng isang unan at pinaghahampas niya ito sa kama habang panay ng hagulhol ng iyak.
“l hate you, Dad! I hate you!” sigaw nito. “Pagsisihan niyo na dinala mo dito ang anak mo!” galit na galit na asik nito. Kinuha nito ang picture frame nilang tatlo at kinausap na para itong nababaliw. “Buong buhay ko naglimos ako ng pagmamahal sa inyo, Dad. Ginawa ko ang lahat, sinunod ko ang lahat ng gusto mo! Kaya hindi mo ako masisisi kung bakit ganito na ako ngayon.” Pinunasan muli nito ang luha at ibinagsak sa baba ang picture frame nila kaya nabasag ito. Pagkatapos ay kumuha ito ng litrato nila nang kanyang ina at saka inilagay sa picture frame.
“Kayo lang ang nagparamdam ng tunay na pagmamahal sa ‘kin, Mom.” Hinalikan nito ang picture ng kanyang ina habang wala pa ring tigil ang pagragasa ng kanyang masaganang luha. “I promise, Mom. I will be the best daughter no matter what,” usal pa nito.
Hanggang sa nakatulog ito na yakap-yakap ang litrato nila ni Aurora.
Kinabukasan ay maagang nagising si Zoe. Excited na kasi itong pumasok sa paaralan. Naligo agad ito at pagkatapos ay isinuot ang uniporme na binigay sa kanya ni Roman.
“Ang ganda naman nito,” bulong nito habang paikot-ikot sa harap ng salamin. Namili rin ito ng headband. “Hmmm, alin kaya ang maganda?” tanong nito sa sarili habang hawak ang apat na iba’t-ibang kulay na headband. Hindi nagtagal ay sinuot nito ang kulay pink na headband. “Ito na siguro ang isusuot ko,” bulong nito saka ngumiti sa harap ng salamin. Subalit ang hindi niya alam ay kanina pa pala nakasilip sa kanya si Edward at kanina pa natatawa sa kanya. Nagulat na lang si. Zoe nang bigla itong magsalita.
“Lahat ‘yan bagay sa ‘yo!” basag nito kay Zoe.
“Ay kabayo ka!” gulat nitong wika.
Kaya tinawanan siya ni Edward ng malakas.
“Magugulatin ka pala?” pang-aasar pa nitong wika.
“Ano ka ba, Edward! Sa susunod naman, kumatok ka muna. Ginulat mo ako eh!” asik nito.
“Paano ako kakatok kung bukas naman ang pintuan mo?” giit naman nito.
“Kahit na! Kumatok ka muna bago ka pumasok,” usal rin nito sa binata.
“Okay fine! Sorry, sorry! Ano, ready ka na ba para sa first day of school mo?”
“Sa totoo lang kinakabahan ako. Panibagong kaklase at panibagong pakikisama,” usal nito at napabuntonghininga.
“Tama na nga ang drama! Halika ka na at naghihintay na si Tito sa baba.” Kinuha nito ang gamit ni Zoe na nakapatong sa kama at paakbay niyang hinila si Zoe palabas ng silid.
“Ano’ng sinabi mo? Nagdadrama? Aray, dahan-dahan naman nasasaktan ako!” pagpupumiglas nito kay Edward. Subalit sadyang malakas si Edward kaya hindi siya makaalis sa pagkakaakbay nito.
ʼWag ka kasing magulo,” usal naman ni Edward habang tumatawa.