Inis na binuksan ni Zoe ang pintuan ng kanyang silid. At muling tumambad sa kanyang harapan ang nakakalukong ngiti.
“I-ikaw na naman?” inis nitong usal.
“Yes!” sagot nito at inilapit ng husto ang mukha niya kay Zoe habang may pilyong ngiti.
Kaya nanlaki ang mata ni Zoe at bahagyang napaatras.
“A-ano ba ang kailangan mo?” nauutal-utal nitong sambit.
Ngunit imbes na sumagot si Edward ay lalo pa nitong inilapit ang mukha niya sa mukha ni Zoe na halos dumikit na ang labi nito sa labi ng dalaga at saka tinitigan niya itong may ngiti sa labi. Kaya bigla na naman nakaramdam ng init ng mukha si Zoe dahil sa hiya. Bigla rin lumakas ang kabog ng kanyang dibdib, kaya bigla niyang itinulak si Edward.
“Ano ba!” galit na anas nito at umarko ang kanyang kilay.
“Teka, teka!” pang-aasar pa nitong wika at itinaas ang dalawang kamay saka ulit ngumiti nang nakakaluko.
“Bakit ka ba kasi nandito? Ano bang kailangan mo?” inis nitong tanong. Saka tinaasan ulit nito ng kilay si Edward.
“Pumunta lang naman ako dito para sabihin sayo na aalis na daw tayo sabi ni Tito,” usal nito sa dalaga.
“Fine! Mauna ka na, at susunod na lang ako,” galit na anas niya sa binata.
Napakamot naman sa ulo si Edward dahil sa init ng pakikitungo sa kanya ng dalaga.
“Okay then, hintayin ka namin sa baba,” dagdag pa nito at kinindatan si Zoe kasabay ang matamis na ngiti nito.
Sa inis ni Zoe ay binagsakan niya ng pinto si Edward.
“Sira ulong `yon! Napakabastos,” galit na bulong niya sa sarili. Ngunit hindi pa rin humuhupa ang kabang nararamdaman niya dahil sa nangyari. Kaya napahawak ito sa kanyang dibdib at isang malakas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan.
Makalipas ang limang minuto ay bumaba na si Zoe at nakita nito ang Ama na naghihintay sa kanya sa baba.
“Let's go!" Anunsyo nito kay Zoe.
“Yes po, Papa,” sagot rin nito saka naglakad kasabay ang kanyang Ama palabas ng mansyon.
Naabutan nila doon sina Edward at Violet na kanina pa naghihintay. At hindi na naman maipinta ang hitsura ni Violete dahil sa inis kay Zoe.
“Dumating ka pa!” galit na usal nito kay Zoe.
“S-sorry,” tanging sagot lang ni Zoe at yumuko.
Subalit hindi rin maipinta ang mukha ni Edward nang makita nito si Zoe. Halos umabot na hanggang tainga ang kanyang ngiti. Kaya napansin na naman iyon ni Violete.
“Ano? Tatayo na lang ba tayo dito sa labas?” inis na singhal nito.
Ngunit pinagalitan ni Roman si Violete.
“Violet, stop it! Pumasok ka na sa loob ng sasakyan!” bulyaw ni Roman.
Kaya padabog na pumasok sa kotse si Violet at binagsakan sila ng pinto ng kotse. Kaya napailing na lang si Roman sa tinuran ni Violete.
“Pagpasensyahan mo na lang ang kapatid mo, anak,” hinging paumanhin ni Roman kay Zoe.
“Okay lang po, papa,” sagot naman ni Zoe sa Ama at matipid na ngumiti.
“Pasok na, Zoe,” sabat naman ni Edward na kanina pa nakangiti sa kanya. Binuksan nito ang pintuan ng kotse sa tabi ni Violete.
Kaya pumasok na rin si Zoe at naupo. Tiningnan nito si Violete ngunit tinaliman lang siya nito ng tingin. Kaya binaling na lang nito ang paningin sa labas. Naupo naman sa tabi ng driver seat si Edward. Pumasok na rin sa loob ng kotse si Roman upang magmaneho.
Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na ang kanilang sasakyan.
“Nandito na tayo!" anunsyo sa kanila ni Roman.
Kaya nagmadaling bumaba ng sasakyan si Edward at binuksan ang pintuan ng kotse sa tapat ni Zoe.
“Tara na, Zoe.” Iniabot ni Edward ang kamay nito kay Zoe ngunit tiningnan lang ito ng dalaga saka siya nito tinaasan ng kilay. Kaya muli na naman siyang natawa at napakamot sa ulo.
“Kaya kong bumaba mag-isa!" madiing usal niya at mabilis na bumaba ng sasakyan. Hindi man lang nito pinansin ang kamay ni Edward.
“Ano, Edward? Tatayo ka na lang ba diyan?” inis na basag ni Violete sa binata at bakas sa kanyang mga mata ang selos. Nakatayo lang kasi si Edward habang pinapanood na nakatayo si Zoe habang hinintay bumaba ang kanyang Ama.
Kaya nagmadaling umikot si Edward at pinagbukasan ang kabilang pinto ng saskayan. Ngunit tinarayan lamang siya ni Violete. Napakamot na lang ulit sa ulo si Edward habang pangisi-ngisi ito dahil sa tinuran sa kanya ng dalawang magkapatid. Pagkatapos ay pumasok na sila sa isang Mall at dumiritso sila sa bilihan ng mga damit.
“Zoe, pili ka lang ng gusto mo diyan, ha! Hintayin kita sa lobby,” bilin ni Roman kay Zoe.
“Yes, Papa.”
Kaya namili na si Zoe ng mga damit. Ngunit lahat ng damit na magustuhan niya ay mga mamahalin kaya naalangan siyang kumuha.
“Ang mamahal naman ng mga damit na ‘to,” bulong nito sa sarili.
Samantala panay rin ang pili ng damit ni Violete at lahat ng magustuhan niya ay kinukuha niya agad. Kaya gumaya na rin si Zoe kay Violete. Si Edward naman ay nakatayo at nakasandal lang sa gilid ng dingding habang pinapanood si Zoe. Ngunit napansin ni Edward na tila inaaway ni Violete si Zoe. Kaya pinuntahan ni Edward si Roman at sinabi ang tungkol kina Violete at Zoe.
“Akin ‘to!” singhal ni Violete at inagaw kay Zoe ang napili nitong kulay pink at bulaklakin na dress.
“Pero ako ang nauna na nakakita diyan,” mahinahong wika ni Zoe.
“Kahit na! Wala akong gusto na hindi ko nakukuha!” singhal nito kay Zoe.
Kaya hindi na lang umimik si Zoe at yumuko na lamang. Hindi na siya nakipagtalo pa sa kapatid para hindi na humaba pa.
“What is happening here?” basag ni Roman sa kanilang dalawa.
Kaya napatingin silang pareho sa Ama.
“Nothing, Dad. May kinuha lang ako kay Zoe na dapat sa ‘kin!” madiing anas ni Violete sa Ama at inirapan si Zoe.
Tiningnan ni Roman si Zoe. “Are you okay, Zoe?” tanong nito. Nakita kasi nito na malungkot si Zoe at tila maiiyak na habang nakayuko.
“Okay lang po ako, Papa,” mahinang sagot nito sa Ama.
Muling sinulyapan ni Roman si Violete at tinaliman niya ito ng tingin saka nagsalita.
“Mag-uusap tayo mamaya, Violete!" madiing asik nito.
Kaya nagmaktol na naman si Violete at tinalikuran sila saka umupo sa lobby.
“Buwesit ka talaga sa buhay ko, Zoe!” galit na bulong nito habang nakaupo at matalim na nakatitig kay Zoe.
Upang mapasaya si Zoe ni Edward ay hinila niya ito sa kamay kaya nagulat ang dalaga.
“Tito, may pupuntahan lang po kami ni Zoe,” paalam nito kay Roman na mabilis namang tinanguan habang nakangiti.
“Saan ba kasi tayo pupunta? Aray, dahan-dahan naman!” usal nito kay Edward.
“Basta. Sumama ka lang, tiyak magugustuhan mo doon,” nakangiting wika naman ni Edward kay Zoe habang hinihila niya ito papunta sa World of Fun.
Nang makarating na sila sa World of Fun ay subrang namangha si Zoe kaya hindi nito naiwasang mapangiti. Bumili agad ng coins si Edward.
“Ano ba kasi ang gagawin natin dito?”
Kinuha ni Edward ang isang bola at nagpa-shoot. Pagkatapos ay kumuha ulit ng isa at binigay kay Zoe.
“Ikaw naman,” wika nito habang iniaabot ang bola kay Zoe.
“P-pero hindi ako marunong niyan.” Kinuha niya ang bola. “Paano ba ‘to?” tanong nito.
Kumuha ulit ng isang bola si Edward at muling pina-shoot.
“Nakita mo ʼyon? Gano`n lang gagawin mo, kaya subukan mo na,” pagkukumbinsi nito kay Zoe.
Ginawa naman ni Zoe ang tinuro ni Edward. At nang makapa-shoot ito ay labis itong natuwa. Kumuha ulit ito ng isa at muling nagpa-shoot ng bola. Kaya sabay na silang dalawa na naglaro. At nakita ni Edward na ngumiti si Zoe.
“Ang saya pala maglaro dito,” nakangiti na nitong tugon.
‘Di ba, ngumiti kana? Kanina para kang binaksagan ng langit at lupa,”sambit ni Edward.
Ngunit hindi umimik si Zoe sa sinabi ni Edward. Hindi niya rin kasi maintindihan kung bakit galit sa kanya si Violete.