Mabilis silang nakarating ng Maynila. Sa isang malaking gusali lumapag ang kanilang private chopper at may mga sumalubong sa kanila, ang bodyguard ng kaniyang ama, saka kinuha ang bitbit na bag ni Zoe bagi maglakad pababa at sumakay ng elavator.
Pinindot ng bodyguard sa ground floor at lumabas sila sa parking lot. Binuksan ng bodyguard ang pintuan ng kulay itim na sasakyan at doon sila sumakay. Mayamaya ay bigla na itong tumigil at pumasok sa isang napakalaking gate.
Pagkababa nito ng kotse ay nakita niya agad ang napakalaking mansion kaya namangha na naman ito.
“We’re here!” anunsyo ni Roman.
“Dito po kayo nakatira, papa?” nakangiting tanong nito habang iniikot ang mata sa buong paligid.
Nginitian ito ng kanyang ama at tinanguan siya nito. Kaya lalo siyang natuwa. Samantala, si Violete naman ay nauna nang naglakad at muli na naman nitong tinaasan ng kilay si Zoe. Pagpasok nila ng mansion ay sinalubong si Violete ng bestfriend nitong si Edward. Nagulat pa ito nang makita si Zoe kaya hindi nito maiwasang magtanong. Pinakilala na ni Roman si Zoe sa kanya na lalong ikinainis ni Violete. Long time crush kasi nito si Edward pero kaibigan lang ang turing sa kanya nito.
“Sir, handa na po ang pagkain,” sabat ng isa sa kanilang mga kasambahay na si Monay.
“Sige, Monay, susunod na kami. Edward, sumabay ka na rin,” yaya nito kay Edward habang pinapasadan ng tingin si Zoe.
“Ihatid mo muna sa silid si Zoe, Monay. Para makapagpalit bago kumain,” bilin pa nito sa kasambahay.
“Opo, Sir,” mabilis na sagot nito at nginitian si Zoe.
“Dito po tayo, Ma’am Zoe!” Iginiya paakyat si Zoe para ihatid sa silid nito. Tiningnan ito ng matalim ni Violete ngunit hindi niya na lang pinansin.
“Ito po ang silid niyo, Ma’am Zoe," wika ni Monay habang iginigiya nito si Zoe papasok sa loob ng kanyang magiging silid.
Gandang-ganda si Zoe sa kanyang silid, hindi nito maiwasan na hindi mamangha.
“Maiwan ko na po kayo, Ma’am. Sumunod na lang po kayo sa baba para kumain,” sambit nito kay Zoe.
“Opo, ate,” sagot naman nito.
Pagkaalis ng katulong ay kaagad itong nahiga sa kanyang maganda at malambot na kama.
“Wow! Ang bango-bango naman ng kwarto na ’to,” bulong nito habang pasinghot-singhot pa. Nakita nito ang isang teddy bear at agad niya itong kinuha para yakapin.
Hindi siya makapaniwala na naroon siya sa silid na iyon. Tumayo ito at pumasok sa banyo para silipin ang itsura nito. Nanlaki na naman ang mata nito nang makita na malaki pa ang banyo na 'to sa bahay nila. Nagulat na lang ito nang may biglang kumatok sa pinto kaya dali-dali nitong tinungo at binuksan.
Lalo na naman nanlaki ang mata nito nang tumambad sa kanyang harapan ang gwapong lalaki habang inilalapit pa sa kanyang mukha ang mukha nito kasabay ang pag-ngisi nitong nakakaloko. Hindi ito nakagalaw sa pagkabigla kaya baghagya itong napaatras.
“A-Anong ginagawa mo dito?” gulat nitong anas sa binata. Nakaramdam ito ng hiya at biglang uminit ang maliit nitong mukha.
“Wala lang, gusto ko lang makita ang bagong dating." Sabay kindat nito kay Zoe kaya bahagyang natulala sa kanya ang dalaga. Natauhan na lang ito nang may biglang umagaw sa kanilang atensyon dahilan para sabay itong mapalingon sa deriksyon ng tinig.
“What are you guys doing?” bulalas ni Violete sa kanila habang matalim na nakatitig kay Zoe. “Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala,” madiing turan nito kay Edward.
“Tinawag ko lang si Zoe. Tito said na puntahan ko raw si Zoe para tawagin para makakain na tayo,” pagsisinungaling nitong sambit kay Violete at napakamot ito sa ulo.
Lumapit si Violete kay Edward at hinila ito paalis, saka tinapunan ulit ng masamang tingin si Zoe. Napahawak naman si Zoe sa kanyang dibdib at napabuntong- hininga.
“Antipatikong ‘yon,” bulong nito at sinarado ang pinto ng silid niya saka sumunod.
Sinalubong naman agad siya ng kanyang ama sa baba at inakbayan patungo sa malaking lamesa. Maraming pagkain ang nakahanda sa malaking lamesa kaya natakam bigla ito. Pinaupo ito agad ni Roman sa tabi ni Violete. Panay pa rin ang titig sa kanya ni Edward kaya hindi siya makakilos ng maayos dahil para siyang matutunaw sa hiya. Napansin naman ito ni Violete kaya lalo itong nanggigil kay Zoe.
“Siya nga pala, Zoe, bukas na bukas ay papasok ka na sa eskwelahan na pinapasukan ni Violete. Sabay na kayong papasok bukas,” sambit ni Roman.
Tumingin muna ito kay Violete at saka sumagot.
“Opo, papa," matipid nitong sagot.
Napangiti naman si Edward sa narinig kay Roman dahil doon din siya nag-aaral. Napansin agad ni Violete ang ginawang pag-ngiti ni Edward kaya bigla itong tumayo.
“I’m done! Nawalan na ako ng gana," inis nitong saad saka tumalikod.
Hinabol na lang ito ng tingin ni Zoe at napakibit- balikat na lang ito. Napailing na lang din si Roman sa inasal ni Violete sa harap nila.
“Kumain ka lang anak, ha. 'Wag mo na lang pansinin ang kapatid mo, ganyan lang talaga siya. Pero mabait naman ‘yan,” paliwanag ni Roman kay Zoe.
“Okay po, papa. Siguro naninibago lang po siya sakin,” sagot rin nito sa ama.
“Tito, dito na ba titira sa inyo si Zoe?” sabat naman ni Edward.
“Oo, Edward. Dito na siya titira,” nakangiting sagot nito.
Napatingin bigla si Zoe kay Edward dahil sa tanong nito. Napansin nito na ngumiti ito sa kanya ng nakakaloko kaya naasiwa ito kay Edward.
“Itong hambog na ’to, kanina pa to!” bulong nito sa sarili at tinaasan niya ito ng kilay.
“Mamaya pala, anak, samahan mo ako. Mamili tayo ng mga gamit mo,” anas ni Roman kay Zoe.
“Opo, papa.” Maiksing turan ni at tinanguan si Roman.
“Pwede ba akong sumama sainyo, tito?” muling sabat ni Edward sa mag-ama. “May bibilhin din po kasi ako.” Sabay tapon ng mapang-akit na tingin kay Zoe.
“Oo naman, hijo. Pwede kang sumama.” Kasabay ang pagtapik nito sa balikat ng binata.
“Talagang nananadya na ’tong mokong na 'to!” bulong niya ulit sa sarili at tinapunan nang matalim na titig si Edward.
Habang napapasarap sila sa hapagkainan may mga matang kanina pa nakatitig sa kanila. Naniningkit na ang mata nito sa inis.
“Sinusumpa ko sayo, Zoe! Hindi magiging maganda ang pagtira mo dito sa mansyon! Tandaan mo ‘yan!” bulong ni Violete sa sarili habang pigil ang pagkainis na nararamdaman kay Zoe.
Pagkatapos nilang kumain ay bumalik na si Zoe sa kanyang silid para magpahinga. Nahiga siya sa malambot nitong kama kaya hindi na nito namalayan pa ang oras. Napabalikwas na lang ito ng bangon nang may malakas na katok ang kumalabog sa pintuan ng kanyang silid.