SHEENA Hindi ko alam kung nakikita na ba ng mga tao sa paligid kung gaano kalaki at tibay ang pagmamahalan namin ni Shion o naaawa lang sila dahil sa tinagal ng panahon ay magkakaroon na ng sariling buhay ang isa sa mga kambal. Hindi ko na lang mas'yadong binigyan ng pansin ang mga taong lumuluha sa paligid at bumalik na sa aking upuan ngunit hindi pa man ako nakakaupo ay may yumakap na sa akin. Hindi agad ako nakatugon sa kaniya dahil sa gulat at napagtano ko na si mom pala 'yon. Narinig ko ang mahina niyang pag-iyak kaya nanahimik na lang ako at hinayaan lang siya. "Sweetie, I know how much you love each other before until now. I am really sorry if we, your father become a hindrance to your love story. To tell you the truth, nasasaktan din kami ng dad ninyo tuwing nakikita namin ka

