SHEENA Nagkatinginan ang mga mata namin ni Shion, pero parehong blangko ang expression ng aming mga mata. Una na kong nag-iwas ng tingin sa kaniya at tumingin kay Summer. "Sheena? Anong ginagawa mo rito?" At saka bakit basa ang damit mo? Naligo ka ba sa ulan kanina?" tanong sa akin ni Summer. "Ah. . . Kasi-" Napahinto ako sa pagsasalita nang biglang umepal 'yong lalakeng kasama ko ngayon. "Hello. Ako nga pala si Cloud Clei Gomez," nakangiting pakilala niya sa sarili at saka ako inakbayan. Binigyan ko si Clei ng isang nakamamatay ng tingin senyales na hindi ko gusto ang pag-akbay niya sa akin at saka muling binaling ang tingin kina Summer. Nahuli kong nakatingin si Shion kay Clei, pero agad din akong umiwas ng tingin ng ilipat niya ang kaniyang paningin sa direksiyon ko. "Just make

