SHEENA Natulala ako bigla sa sinagot ni Lyra. "Hoy! Ano nga? Bakit mo ba naitanong sa akin ang tungkol sa singer na 'yan?" pag-uulit ni Lyra sa tinanong niya kanina. Umiling lang ako sa kaniya at muling ngumiti. "Wala naman. M-Maganda kasi ang kanta niya. Hehe." Hindi ko alam, pero bigla ko na lang naisipan na tumayo. "Lyra, aalis lang ako ha." Paalam ko kay Lyra. Lumingon siya sa akin at napaatras ako dahil mas lalo yatang nag-level up ang pagtaas ng kilay niya. Pagkatapos ay napaka talim pa ng titig niya sa akin. Nilakasan ko na lang ang loob ko na titigan siya, pero pagkalaan ay isang ngiti rin ang ipinukol niya sa akin. Ang weird naman ni Lyra. "Sige. Basta huwag kang magpapagabi. Oo nga pala, tinawagan pala ko ni tita kanina na doon ka raw muna matulog sa bahay ninyo."

