SHEENA Sumisinghot-singhot si Summer pagkalabas namin sa sinehan. Nanood kasi kami ng isang love story na may tragic ending. Si Shion ay hinahagod-hagod ang likod ni Summer habang pinapatahan siya. 'Ano ba naman 'yan, Sheena. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo, pero huwag ka lang iiyak.' Naipikit ko ang aking mga mata ng magbalik sa aking isipan ang alaalang 'yon. "Ayos ka lang ba, Sheena?" pasimpleng bulong sa akin ni Clei. Tumango lang ako kay Clei bilang tugon at pinilit na pakalmahin ang puso ko na unti-onti na namang pinupunit. "Let's go! We should eat our dinner now. Its evening and I know that you already hungry." Agad na sumang-ayon ang lahat sa sinabi ni Shion. Napagpasiyahan naming sa loob na lang din ng mall kumain kung saan mayroong isang pinoy restaurant. Samantala,

